Chapter 20

21.9K 772 94
                                    

"Oh, anong gusto ninyo? Order ako." Pagkukusa ni Rain dahil wala naman siyang ginagawa.


Napalingon tuloy kami sa kanya. Ayos, ah, matino yata siya ngayon. Gabi na rin kasi and hindi pa nakakapagluto ng dinner. Inuna namin ang pagre-review para sa entrance exam. Nagsusunog talaga kami ng kilay dahil mahirap ang makapasa kung hindi ka handa. Well, it depends kung magaling ka sa panghuhula. Too bad, wala akong galing sa ganoon.

"Can we order pizza?" request ni Star. Ewan ko pero bigla akong nag-crave sa kanya—I mean, sa pizza. Masarap kaya ang pizza, favorite ko 'yon, eh.

"Sure," sang-ayos ni Kris. Bumaling siya kay Rain. "Alam mo naman gusto namin, so, ikaw na ang bahala."

"Okay." My cousin hummed, prolonging the word. Tinungo niya kung nasaan ang telepono at namalayan na lang namin na naka-order na siya. "Guys! Anong drinks ninyo?"

"Kahit ano na lang," sagot ko. Tumango naman sila.

Rain shrugged her shoulders at kinausap na ulit yung nasa kabilang linya ng telepono. Bumalik din siya sa pwesto namin. Nandito kami sa sala, sa kwarto dapat, kaso baka maunahan kami ng antok kapag nakakita kami ng kama, so, mabuti na ito.

"Bakit ang sipag ninyo mag-aral?" tanong ng magaling kong pinsan. Nakaupo lang siya sa couch habang yapos ang tuhod.

"Kasi gusto namin mag-aral. At saka may pangarap kami." sagot ni Kris. "Hindi kami katulad mo."

"Aray naman. At least mahal mo." Nakangising sagot nang isa.

Kaagad namang namula ang kaibigan ko at umirap na lang.

Twenty-two na si Rain pero hindi niya pa rin tinatapos ang course niya. Business Management ang pinakuha sa kanya ng mga magulang. Hindi niya rin natagalan kasi mas gusto niyang maging engineer. Eh, ayaw nina Tito, ayan, nagliwaliw at nagloko siya hanggang sa huminto na nga. Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin noon.

"Why did you stop?" I asked her habang nanonood kami ng movie sa bahay nila. Nandito kami sa room niya, parehas nakasandal sa headboard ng kama.

She puffed her cheeks then smiled. She hummed shortly before she shook her head na para bang mali ang tanong ko dahilan para mapakunot ako ng noo. "Because I don't like my course, lady."

"Why? Ano bang gusto mo?" naguguluhang tanong ko, "You can take another course naman after you graduate."

"Shann, I don't know if you will understand," Kumuha siya ng marshmallow na nasa plate at pinisil-pisil ito. "What's the point of studying today if you're not enjoying? Kailan pa naging mali ang gawin ang kung anong gusto mo para maging masaya? That's the least simple thing that I want to pursue—to be an engineer. Then, why can't they give it to me? Despite of the fact that I really did try to enjoy what they gave me."

"But they're just doing what's best for you, Rain."

"They're doing what's best for the company. I am their only child, sino pa ba ang kailangang pumalit sa kanila?" She pointed at herself. "Ako. Being their daughter leaves me no choice but to follow what they had started. But then..." Ngumisi siya at kinain na ang marshmallow na nilalaro kanina gamit ng mga daliri niya. "Being a rebel doesn't mean I am a bad child, right? If they can't give my happiness, then I won't give it to them either. By that choice, wala silang makukuha at ganoon din ako."

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now