Chapter 14

23.1K 911 140
                                    

"Don't laugh!" Naiinis na utos ko kay Kris habang kausap siya sa phone. Instead na tumigil ay lalo pang lumakas ang tawa nito which irritated me more.

"Para ka kasing lalaki. Insensitive!"

Napanguso ako. Eh, anong gagawin ko? Ngayon ko lang nakita yung ganoong side ni Star na nagseselos. Hindi ko tuloy alam kung paano siya susuyuin. Napabuntong-hininga ako, ilang beses na yata akong nakahinga ng malalim. "Ano ba kasing gagawin ko?"

"Suyuin mo nga kasi." Tatawa-tawang sagot ng kausap ko. "Paulit-ulit na tayo."

"Eh, paano nga?" Nawawalan na ako ng katinuan dito. Hindi ko alam gagawin ko.

"Alam mo 'yan. Relax lang kasi para may maisip ka. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya, alam kong may maiisip ka."

"Wala, eh."

"Oh, edi hindi kayo magbabati." pinal na sagot niya.

"Hindi naman kami nag-away," Hindi ko na maiwasang mapasimangot lalo.

"Pero nagselos siya. Insensitive mo kasi." Tumawa-tawa na naman siya, bumubulong pa ng mga nakakapikon na bagay. Man, nahahawa na yata siya sa pagiging alaskador ni Rain.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga─ulit. She's right, mas kilala ko si Star. And yet, I still don't know what am I going to do. Apologizing isn't enough─oh, wait! Kailangan ba may kasamang peace offering? Should I give her something?

"Makakaisip ka rin. Huwag mo nang patagalin 'yan, ah, pinaabot mo pa ng umaga eh. Sige na, may gagawin pa ako."

"Sige, sige." Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita at pinatay na ang tawag.

Bibilhan ko na lang siguro siya ng book. Iyon naman kasi ang pinakauna kong alam kay Star, mahilig siyang magbasa. Tiningnan ko ang oras. Ten na ng umaga. Bukas na ang mall. Kaagad akong pumunta ng banyo para maligo then nagbihis ng casual lang. Dumiretso ako sa kusina at binilinan yung maid na naroon na ipaghanda kaagad si Star ng makakain. Nag-aalala na nga ako roon, eh, hindi man lang lumabas para mag-breakfast. Ayaw niya pa rin akong kausapin. Hay, ganoon ba talaga kapag nagseselos?

Pero kung iisipin nga naman, kung yung nangyari sa akin ay mangyari din kay Star, malamang, magseselos nga rin ako. Ayokong i-date siya ng kung sino at lalo nang may humalik na iba sa kanya. Baka mapatay ko yung taong gagawa no'n. Napakamot ako sa sentido. I'm so dense! Bakit ba ngayon ko lang ito na-realize? God, I'm stupid.

Lumabas na agad ako pagkatapos kong daanan ang kwarto niya. Sinubukan ko siyang katukin pero ayaw namang sumagot. Hindi ko na rin naman siya sinisilip doon sa butas ng room ko sa taas ng headboard simula nang maging close kami. I know she's awake, she's just...ignoring me. I hope she'll talk to me soon. Nasa iisang bahay lang kami pero miss ko na siya.

Pagkarating sa mall ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dali-dali akong pumili ng libro na sa tingin ko naman ay magugustuhan niya. Naglibot pa ako sa National Book Store maging sa Booksale. I wanted some book na sa tingin ko ay hindi niya pa nababasa. Kahit ilan bibilhin ko, I just wanted to please her. Umuwi ako ng bahay na may ngiti sa labi ko. Siguro naman kakausapin na ako ni Star.

--

"Star? Open the door, please?" Napabuntong-hininga ako at napayuko nang wala man lang akong narinig. Muli akong kumatok. "Star, gagamitin ko na yung duplicate key, papasok ako." I waited for a few minutes. Wala pa ring sagot. Bagsak ang balikat na pumunta ako ng sariling kwarto at kinuha yung extra na susi. Muli kong pinuntahan ang kwarto niya at binuksan na ang pinto. "Papasok na ako."

Huminga muna ako nang malalim at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Naabutan ko siya sa kama niya, nakaupo at nakasiksik sa may headboard habang nakayakap sa sariling mga tuhod. Parang bata siya tingnan. Lumingon siya sa akin at napatingin sa hawak ko. Ngumiti ako kahit na ramdam ko ang kaba. I took a deep breath to lessen the fast heartbeats. Nilapitan ko siya at inilapit sa kanya ang book.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now