Chapter 3

26K 1.1K 29
                                    

"We're going to States."


My jaw literally dropped when Mommy said that. Si Daddy naman ay tahimik lang. Mukhang expected na rin nila ang magiging reaction ko. "States? Bakit po?"

"Sa States naka-based ang main branch ng company, you know that right, honey?" Napatango ako sa tanong ni Daddy. "We need to migrate so we'd be able to handle the business more. It's been a plan for a long time. You know you're needed there, too, since you're the next one who will manage it. Kailangan mo nang i-familiarize ang sarili mo."

"I don't want to go there," I shook my head, ignoring the last thing he said. I don't even want to work for the company. I'm still too young for that. Sa ngayon ay ayoko talaga. "Kaya ko naman po mag-isa. Mom, Dad," I stared at them. "I want to stay here."

"But Shann—"

"Please?" I cut off Dad from speaking.

He sighed. "Are you sure?"

"One hundred and one percent."

Nagkatinginan silang dalawa. Halatang pinag-iisipan kung pagbibigyan ba nila ako o hindi. I was silently praying for them to just agree and let me be on my own. Sanay naman akong naiiwanan, kaya ko rin ang sarili ko even without the maids.

My Mom smiled. Umiling pa ito na para bang sila ang nawalan ng choice. "Okay, pagbibigyan ka namin pero kapag nagkaproblema, susunod ka sa'min whether you like it or not."

"Yes!" I smiled, can't help feeling happy. "Thank you po!" Tumakbo ako sa kanilang dalawa and I hugged them both. They both patted my back gently. Tumitig ako sa kanila. "Pwedeng favor pa?"

"Prinsesa ka talaga, 'no?" I giggled at my father's question. Princess naman talaga nila ako. "What is it, Shann?"

"Kung okay lang po sa inyo, gusto ko sanang ako na ang bahala kay Star," request ko, "let me be her guardian here."

"Why?" he asked. Dad was already frowning. Halatang nagtataka sa gusto kong gawin. "I was already planning on taking her with us."

"K-kasi..." Napaiwas ako ng tingin ng ilang segundo pero muli akong nakipagtitigan. I want him to see na I won't take no for an answer. "I want her to experience how to live a normal life like others. I want her to be my f-friend." I answered. I honestly wanted something that's more than friendship but I won't think about it for now. I have plenty of time. Besides, sa sitwasyon ngayon, mas kailangan ni Star ng kaibigan. "Please po, Dad. Please?"

"How can she live a normal life if she, herself, is not normal?" Dad said. I know he didn't mean it as an insult pero parang ganoon na rin ang dating no'n sa paraan ng pagkakasabi niya.

Napaiwas ako ng tingin at nabigla nang makita ko si Star na nakatingin sa pwesto namin. Oh, my God! Mabilis naman siyang umalis nang makita niyang napansin ko siya. I stared at my parents, mukhang hindi nila napansin. Darn it. Mukhang narinig pa niya yata.

I controlled my breathing and slowly resumed my gaze at Dad. I was making sure that he'll see my determination to make him say yes. "Normal po siya."

"Go back to your senses, anak." He said. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko. "You know she needs professional attention. If I take her there, mas mapabubuti siya ro'n."

"I can take care of her." Pagmamatigas ko. Dito ba, hindi pwedeng ipatingin si Star? I know he just wanted to hit two birds at one stone.

"Shann."

"Dad."

"Fine," He sighed. Nabuhayan naman ako bigla. "She can stay. Are you really sure that you can take care of the kid?"

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now