Chapter 19

21.7K 729 59
                                    

"Bakit kayo nandito?" naguguluhang tanong ko kay Rain. Tinuro ko ang dala niya. "At bakit may dala kang unan?"

She rolled her eyes at hinila ang girlfriend niyang si Kris palapit sa amin ni Star na nakatulog na. Nandito kami sa living room at kasalukuyang nanonood ng movie nang biglang magpakita itong pinsan at best friend ko.

Buti pa 'tong si Rain, girlfriend na si Kris. Kami kaya ni Star, kailan ko kaya siya magiging girlfriend?

"Makikitulog kami rito." sagot ni Rain, "Tsaka magre-review raw kayo."

I frowned my forehead. "Review?"

Kris sighed. Umupo siya sa tabi ko, umusod naman ako para hindi siya masikipan. Dumantay ang ulo ni Star sa balikat ko kaya medyo, I mean, sige na, kinilig talaga ako. Ang cute lang kasi. Inihilig ko nang maayos ang ulo niya sa akin. Baka mangawit, eh.

"Review para do'n sa exam. Ay teka, o 'di ba napasa na natin yung form?"

Ah, naalala ko na. Yung entrance exam para sa school na gusto naming pasukan sa kolehiyo. Tumango ako and ngumiti. "Kailan nga ulit 'yon?"

"Ulyanin naman nito," She shook her head. "Next week na. Kaya nga mag-review tayo."

"Ang aga pa, eh." Napatingin ako sa phone ko, nine-thirty pa lang kasi. Maaga lang naman kasi kaming nagising ni Star tapos napag-trip-an naming manood ng kahit anong movie. Halatang walang hilig sa panonood kasi bumalik agad sa pagtulog, eh.

"Oh, edi mamaya. Tambay muna kami rito." sagot ng magaling kong pinsan. Umupo siya sa kabilang couch and sinenyasan si Kris na lumapit sa kanya. My friend obliged at namula ito agad dahil sa lap siya pinaupo ni Rain.

"Huwag nga kayong PDA sa harap ko," walang ganang sabi ko sa kanila.

Ngumisi lang si Rain at inangat na naman ang kamay niya para i-dirty finger ako. Nakasanayan na niyan. Sama ng ugali. "Lady, ayan, oh, katabi mo lang si Star."

I rolled my eyes. Kris just chuckled at binaba na ang kamay ng girlfriend niya. Napalingon ako sa tabi ko when she growled softly. Star rubbed her eyes, yung katulad ng ginagawa ng mga bata. Ang cute! Pipikit-pikit pa siyang napalingon kina Rain and Kris, she smiled, yung maliit na smile na parang tinatamad pa. Tumango naman yung dalawa at napangiti.

"Why are you here?" mahinang tanong niya. Napapalunok talaga ako ng laway kapag ganyan ang boses niya, husky at malambing.

"We're going to review, Star." sagot ni Kris. Bumaling siya ng tingin sa akin. "Shann, may lunch na ba?"

"Wala pa." Umiling ako. Pinag-day off ko yung mga maid ngayon. Well, madalas ko silang ipag-day off para masolo ko si Star. Eh, kaya naman kasi namin na kaming dalawa lang. Medyo nag-improve na naman ako sa pagluluto, mas sumarap na ito. Ganoon talaga kapag may inspiration. Kailangan masarap lagi kasi special yung kakain.

"Ay, wala?" Mukha siyang nanghinayang. Tumayo siya at hinila ang girlfriend niya patayo then hinila naman ulit papunta sa direksyon ng kitchen. "Magluto ka. Hindi mo ako pinakain."

"Aye-aye!" Hagikhik nang isa. Insensitive talaga 'to si Rain minsan, eh. "Shann, okay lang pakialamanan yung kusina?"

"Sure. Huwag ninyo lang susunugin."

"Ay, sayang!"

Loko talaga.

Naiwan kami ni Star. Napalingon ako sa kanya at nahuli siyang nakatingin sa akin. Yung tingin niya, para bang kinakabisado niya ang mukha ko, tapos parang tagos, parang binabasa ka. I tilted my head with a smile. "Bakit ganyan ka tumingin?"

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now