Chapter 34

21.4K 637 17
                                    

Star's

"You look..." Tuluyan na akong napaiwas ng tingin at namula.

"What?" I heard her asked.

Muli akong napatingin sa kanya. She's so gorgeous on her corporate attire kaya hindi ko maiwasang hindi mapatitig. Parehas lang naman kami ng suot pero kasi, hindi ko naman maitatanggi na sadyang maganda talaga si Shann at marunong magdala ng kahit anong ipasuot sa kanya. "Gorgeous..."

With that, a smile crept up on her lips as she went closer to me, fixing my collar before giving me a quick kiss on my cheek. Napangiti na rin ako sa ginawa niya at humalik din sa kanyang pisngi.

"Halika na?" She extended her hand at kusang loob ko itong inabot.

Hawak kamay kaming naglakad palabas ng bahay at sumakay sa loob ng sasakyan. Sa harap kami pumuwesto dahil nasa likuran na namin ang mga parents niya.

"What took you so long, Shann, Star?" Tanong ng Dad niya sa amin.

Nagkatingnan kami ng sabay ni Shann at parehas na namula. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng Mom niya. "I think we already know the answer."

"Mom." Shann whined and pouted. Hinawakan ko na lang siya sa kamay niya at umiling. Halata namang nahihiya na rin siya katulad ko.

We can't help it. Ang sarap naman kasing humiga at yakapin ang taong mahal mo na matagal mo ring hindi nakasama. Natagalan kami dahil nag-enjoy kaming magkayakap. And besides...habang tumatagal ay mas lalo akong nakakaramdam ng pagkaakit sa tuwing nadadako ang mata ko sa mga labi niya. We can't help it. I just love to kiss her. I sighed, hinahanap-hanap ko na kasi. I sounded like some kiss addict.

Itinuon ko na lang ang tingin sa daanan nang pinaandar na ni Shann ang sasakyan. Instant driver siya ngayon, eh. Hindi naman siya nagrereklamo, in fact, she looks cool with it.

Tahimik lang ang biyahe namin. Tahimik pero komportable. Napatingin ako sa salamin upang silipin ang mag-asawa at napangiti dahil magkahawak sila ng kamay. That's one of the thing I noticed habang nakakasama ko sila. They're sweet though hindi nila gaanong ipinapahalata. Stern and strict si Tito pero obvious naman na affectionate pa rin siya kay Tita. For all those years na itinagal nila, hindi pa rin nawawala ang sparks.

Napadako naman ang tingin ko kay Shann na concentrated lang sa pagmamaneho. I want to grow old with her and still, be affectionate despite of the years na lilipas.

I held her hand gently at napangiti siya. How I love her smile.

Nang makarating kami ay nauna nang bumaba sina Mr. and Mrs. McBride sa amin. Bubuksan ko na rin sana ang pinto ng sasakyan nang hawakan ako sa braso ni Shann kaya nilingon ko siya. I was about to ask her why when she suddenly pulled towards her for a quiet long kiss.

I closed my eyes as a response and was about to kiss her deeper nang makarinig kami ng mahihing katok sa salamin ng car na nagpahinto sa amin. Binuksan ko ito at nakita si Tita na nakangiti lang na parang may alam siya sa ginagawa namin.

"Halika na. Mamaya ninyo na ituloy ang lambingan."

"Mom!"

Pulang-pula kami parehas ni Shann dahil sa sinabi ng Mom niya. Tumawa naman ito at iniwan na kami. Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang bumaba at sumunod.

"Ikaw kasi, Shann, eh." Nasabi ko na lang habang magkahawak kamay na naglalakad.

"Lips mo kasi, nang-aakit." Dahilan niya sa akin na ikinatawa ko. Nagboses bata kasi siya habang panay ang pagsundot sa tagiliran ko. Tinapik ko naman palayo ang kamay niya kasi medyo nakikiliti na ako.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon