Chapter 35

20.7K 627 63
                                    

There's a trick to the 'graceful exit.' It begins with the vision to recognize when a job, a life stage, or a relationship is over — and let it go. It means leaving what's over without denying its validity or its past importance to our lives. It involves a sense of future, a belief that every exit line is an entry, that we are moving up, rather than out.— Ellen Goodman

--

Time flies so fast lalo na kapag nag-e-enjoy ka sa mga nangyayari. Parang kailan lang nasa L.A. pa ako with Star tapos ngayon, here I am in the Philippines, facing my college life without her by my side.

Ilang months na rin ang lumipas nang magsimula ang first semester and so far ay madali pa naman ang pacing ng aking pag-aaral. I've been busy for a while. I don't even have the time to make friends since my first priority is to finish everything na kailangan kong gawin regarding sa mga subjects ko para na rin makapag-usap kami agad ni Star.

Mahirap kalaban ang oras so I have no choice but to balance everything and to stay sane despite of the stress. Star keeps me sane though. Napatingin ako sa oras ng aking telepono, mag-iisang oras na rin pala akong nakatambay sa The Hansen, isang coffee shop na naging puntahan ko na sa tuwing may kailangan akong tapusin or kapag gusto kong mag-loosen up.

This café, kakatayo lang nito a few months ago and let's just say na naging patok ito sa mga katulad ko and sa ibang teenagers, maging sa mga matatanda dito sa lugar. This whole place is so cozy and comfortable. Malaki, malawak, and well-ventilated. At ang pinaka-pinupuntahan talaga ng mga costumers dito ay ang built-in art exhibit ng shop na libreng mabibisita. Ang alam ko ay ang lahat ng mga paintings na naka-display sa particular room na 'yon ay gawa ng nakababatang kapatid ng owner ng lugar na ito.

And don't forget na ang owner ng lugar na ito ay ang mismong professor ko sa General Psychology. Cool, alright.

"Shann?"

Bumalik ako sa reality nang marinig ko ang pamilyar na boses lalaki na matagal ko ring hindi narinig. Nag-angat ako ng tingin at hindi ako nagkamali. Siya nga. "Keith."

Hindi ko alam kung matatawa ako or what pero naglikot bigla ang paningin niya bago nag-decide na ngitian ako. "Can I sit with you?"

"Sure."

He nodded unconsciously at kaagad na ipinaghila ang sarili niya ng upuan. He cleared his throat awkwardly. Ganoon siguro talaga ang pakiramdam kapag matagal mong hindi nakita ang isang tao. Awkward.

Ang huling beses na nakita ko siya ay noong graduation. Hindi siya nagpakita pagkatapos noon kaya medyo surprising na nakita ko siya ngayon. I looked at him intently, there's a few changes on him. Mas tumangkad siya at medyo naging masculine, though he looked good pa rin naman. Mas bumaba din at lumalim ang tono ng kanyang boses.

"Uhh, how...how are you?" He asked, which is what I expected.

I sipped on my coffee and smiled. "I'm good. You?"

"Same here." maikling sagot niya.

Muli na namang namayani ang katahimikan sa aming dalawa at tanging ang background song na nag-e-echo sa lugar ang naririnig ko.

You've read the books
You've watched the shows
What's the best way no one knows, ye
Meditate, get hypnotized
Anything to take it from your mind
But it won't go, ohhhh ohhh
You're doing all these things out of desperation
Ohhh ohhh
You're going through six degrees of separation

"So...how's your relationship with, uh—"

"She's Star." Pagtutuloy ko sa sasabihin niya dahil mukhang hindi niya tanda ang pangalan ng girlfriend ko. Mabanggit ko pa lang ang pangalan niya ay nagwawala na ang mga nerve cells ko. Hay, Star, you're driving me crazy.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now