Chapter 15

23.4K 815 87
                                    

"She's doing well, that's all I can assure you." She looked at her notes, probably checking her schedule, at ngumiti sa amin ni Star. "Pansin naman natin ang improvements, right?"

Nagkatinginan kami ni Star at sabay na ngumiti. Ibinalik ko ang tingin kay Doktora at tumango. "Salamat po."

Tinaas-baba niya ang balikat at kumindat sa amin. "Tungkulin ko 'yon. Sige na, mauna na kayo at may aasikasuhin lang ako."

"Ayaw ninyo po bang sumama sa amin? Lagi ka na lang natanggi, Dok." Sabi ko na may bahid ng panunukso. Sa tuwing ini-invite kasi namin siya na lumabas o makipag-hang out, eh, lagi na lang siyang may inaasikaso o kaya imi-meet na tao.

"I'm sorry, busy lang talaga." Napatingin siya sa relo niya at nginitian kami. "Next time sasama ako. Pakisabi na lang kay Kris na hello."

"Hello lang?"

"Oo. Alangang gawan ko 'yon ng nobela." inosenteng sagot niya.

Natawa tuloy ako kasi ang serious ng expression niya. "Okay po. Sa susunod ulit!"

"Ay, wait," Pahabol niya nang tumalikod na kami. Nilingon ulit namin siya. "Pakisabi pala, happy birthday. Matanda na siya."

"Matanda talaga?" Natawa ako.

She tilted her head and chuckled. "Bakit, hindi ba?" she teased, "Basta! Pakibati na lang ako at oo nga pala, wala siyang regalo."

"Okay, Doktora." Iyon lang at tuluyan na kaming umalis ni Star. Inakbayan ko siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Nakakatuwa nga, eh, hindi na siya ganoon ka-stiff sa tuwing hinahawakan ko siya.

At least ngayon, kahit papaano, nagagawa ko na siyang mayakap o maakbayan man lang. Huwag lang siyang bibiglain or else, magpa-panic siya. Kina Kris naman ay mas komportable na siya, natututo nang makisama at makipagbiruan. Nasasakyan na nga niya yung pang-aalaska sa kanya ni Rain minsan, eh. Pero limited pa rin yung hawak-hawak. Ganoon talaga. Pero at least, madaming improvement. And I'm proud of her.

"Excited ka na?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Binuhay ko ang makina ng sasakyan.

"Yep. Pero medyo kinakabahan." Humugot siya ng malalim na hininga. "Baka maraming tao."

"Ano ka ba, tayo-tayo lang pupunta roon," pag-a-assure ko.

"Sure?"

"Yes. Tayo lang naman kasi yung pinaka-close niya. Nandoon ang parents niya pero hindi mo kailangang kabahan. Mababait sila."

Tumango lang siya at ngumiti. Nag-start na akong mag-drive. Nabilhan na rin naman namin ng gift si Kris kaya doon na agad kami didiretso sa kanila. Narinig kong tumunog yung phone ko kaya medyo na-distract ako. May natawag.

"Star, ikaw na sumagot ng tawag. Nag-d-drive kasi ako, eh."

"Okay." Nakita ko sa pheripheral vision ko na kinuha niya ang bag ko para kunin ang phone. "Loudspeaker ko, ha?"

"Yeah, sure," I nodded.

"Yo, lady!" Kaagad na bungad ng pamilyar na boses pagkasagot ng tawag. Si Rain pala ang tumawag. "Saan na kayo?"

"Papunta na kami kina Kris," sagot naman ni Star. Hinahayaan ko lang na siya ang kumausap.

"Ay, Star ikaw 'yan?" Paninigurado ng pinsan ko sa kabilang linya.

"Mm-hm."

"Oh," may bahid ng tukso ang boses nito, "baka nakakaistorbo ako sa inyo, ah? You guys doing something? I mean, something?" She asked, emphasizing the last word.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon