Chapter 11

28.6K 964 59
                                    

"D-did I hear you right?" nauutal na tanong ko sa kanya. Hindi na nawala ang pamumula ng mukha ni Star habang marahang tumatango.

My heart skipped a beat—literally. Oh, my God. I feel like dreaming. She likes me. Star...likes me. Like, as in, like na romantically.

"How, wh-when..." I can't even form any coherent words para makapagtanong sa kanya ng maayos. Para bang kaunting push na lang malulunon ko na ang sariling dila. I still can't believe it. Suntok sa buwan lang iyon, and yet, she managed to like me. "Paanong...Star?"

Huminga siya ng malalim. She bit her lower lip. "I just...felt it."

Ginalaw-galaw niya ang pagkain niya na parang bata. I can sense that she's feeling nervous, too. That somehow gave me the comfort that I'm not alone with the feeling.

"Hindi ko maipaliwanag. Bago lang sa akin 'to and...it's..." Kinapa niya ang dibdib na parang pinapakiramdaman ang tibok ng puso niya. In an instant, ngumiti siya ng mayumi at matamis. God knows how much the effect of that smile to me. "It's enchanting. The first time I felt it, akala ko nagiging weird lang ako, like I'm just fascinated because finally, I have someone who cares for me."

Tumayo si Star at sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palapit sa akin. Lahat ng sinasabi niya, bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay talaga namang nakakapagpasaya sa akin. I never thought that this day will come. I was rendered speechless and all I can do is to just watch and listen to her.

Umupo siya sa tabi ko at hindi na niya inalis ang tingin sa mata ko sa kabila ng pamumula niya. "Sinubukan kong i-analyze lahat. Pinakiramdaman ko ang mga nararamdaman ko. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung masyado bang mabilis na nagustuhan kita, kung totoo ba lahat 'to... Lahat bago sa akin, ni hindi ko alam paano papangalanan lahat."

Nakatitig lang din ako sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang sinasabi niya ang mga bagay na hindi ko ine-expect na maririnig ko sa kanya. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko. Pangarap lang ito. Never in my wildest dream that this—this will come true. And it's all happening right...in front of me.

"I like you, Shann, I really do." she ended.

Hinawakan ko ang daliri ng kamay niya at pinisil iyon. Tumango ako sa kanya, 'yon lang ang nagawa ko because I'm too overwhelmed. I bit my lower lip, naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. No, not now. Huwag sa harap ni Star. Tumingala ako at suminghot, kumurap-kurap ako para pigilan ang luha ko. Dang, I'm so gay. I'm so happy to the point of shedding tears.

"S-Shann?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Don't cry, please."

Itinaas niya ang kamay palapit sa pisngi ko at walang pag-aalangan na pinunasan ang luhang naglandas galing sa'king mata. Napatitig ako sa kanya, para bang sa pansamantalang segundo ay nawala ang takot niya. Maagap kong hinawakan ang kamay ni Star na nasa mukha ko at binigyan iyon ng halik. She stiffened for a second but then, a small smile escaped on her lips. "I...feel the same way, Star. I like you, too, so much."

I even love her for as long as I canremember. I've been waiting to be in this moment, and right now, damn, this is...I don't think I'll be able to forget this one. Ayoko rin namang kalimutan talaga.

"R-really?" Nangislap ang mga mata niya, then confusion hit her face. "Pero bakit ka umiiyak?"

I sniffed at nangingiting umiling, ibinaba ko ang kamay niya sa dibdib ko─sa tapat ng puso ko ─and I let her feel the fast racing of my heart. It may sounded corny pero siya lang ang tinitibok nito, magmula pa noong mga bata pa kami. "I'm just happy, Star. Sobrang masaya ako to the point that I'm crying."

Nawala na ang pag-aalala sa mukha niya at napalitan muli ng banayad na ngiti. She didn't know how happy I am right now, she made my day so perfect like it never happened before. Silently, I started praying to God. Let this moment last forever. Right now, I want to be with Star...gusto ko siyang makasama hanggang sa dulo. Ayoko nang matapos 'to. This is perfect, God. Thank you...

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now