Chapter 32

17.4K 629 43
                                    

After that talk with Star ay nagtuluy-tuloy na ang communication namin. After our long conversation at the roof deck and she, abroad—which I ended up ditching all of my class, she then decided to create an online account para makapag-video call agad kami. Nakuwento niya sa akin lahat ng mga nangyari sa kanya for the past days at aaminin kong I feel bad for her. She didn't deserve to be exhausted like that. She's just a starter for Pete's sake. But still, I'm still proud on how good she is.

Nalaman ko rin na kakagaling niya pa lang sa lagnat noon. Okay, nainis ako. Nainis ako dahil wala ako para alagaan siya noon. Pero nakahinga na rin ako ng maluwag dahil at least ngayon, in good terms na sila ni Dad. Everything falls under our favor—except that distance thingy. How I wish I can fly already to where she is right now.

"Shann? Tulala ka."

Bumalik ako sa reyalidad nang muli kong marinig ang kanyang boses. Napangiti ako at pinagmasdan siya mula sa screen ng laptop ko. We're on a video call. Ito yung mga oras na nagpapasalamat ako sa mabilis na internet namin dahil hindi nagl-lag ang call sa pagitan namin. Kasama na rin siyempre ang magandang pixel ng camera kaya malinaw ko siyang napagmamasdan.

Napakunot muli ako ng noo nang mapansin kong nanlalalim na ang mata niya—puyat na naman siya. "Star, I told you to stop pushing yourself too much. Nagpupuyat ka na naman."

She bit her lower lip and smiled sheepishly. I so wanted to kiss her hard right now. How I wish I could. "I'm sorry. I just need to finish my report last night so I can talk to you already."

Napailing na lang ako habang nangingiti. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. "I told you naman na huwag mong pilitin ang sarili mo. Kaya ko namang maghintay, eh."

I saw her pouted her lips. "But I'm missing you already."

"I love you." Ang nasabi ko na lang. Sasagot na sana siya nang makita kong may tao sa likuran niya. Saka ko lang naalala na nasa office nga pala siya. Ngumiti ako. "Hi, Allyson."

The secretary smiled and waved at me. "Hello, Miss Shanelle."

Napakunot ako ng noo at tumawa naman siya ng mahina, ganoon din si Star. Ilang beses ko na kasing sinasabi kay Allyson na Shann na lang ang itawag sa akin pero ayan, makulit siya. What a blonde. Masaya ako para kay Star dahil may naging kaibigan na siya sa company. Kahit papaano ay may taong aaliw sa kanya dahil wala pa ako.

Bigla ko tuloy naalala si Doc. Laine, naalala kong may napag-usapan nga pala kami last week before siya lumipad papuntang abroad, sa California naman siya. I remembered her outing herself as a lesbian. Ang dami nga niyang tawa sa akin dahil napatitig lang ako sa kanya. Naalala kong nagpapahanap siya ng chicks sa akin sa States, so that she can have someone to hook up with. "Allyson?"

Gumilid muna si Star at si Allyson na ang nahahagip ng camera. "Yeah?"

"Don't you mind hooking up with a woman? I have someone I can suggest. She's hot, I'll tell you." I said, wriggling my eyebrows.

Natawa naman siya at nagkibit ng balikat. "I don't mind. I'm fine with anyone. So, what's her name?"

"Laine Baltazar." I said, smiling.

Bigla namang nagbago ang facial expression niya na para bang na-recognize niya ang pangalang binanggit ko. "Is she a...doctor? I know someone who shares the same name like her."

Tumango ako. "In the field of psychology to be specific."

Her mouth formed an 'o' shape, then smirked. "Tell her to meet me at a bar here in L.A. I'll send the details later."

"Sure thing." Ang tanging naisagot ko. Ngumiti siya at nagpaalaam na may aasikasuhin pa siya kung kaya si Star na lang ang naiwan sa loob ng opisina.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara