Chapter 30

15.7K 627 36
                                    

One week.

One week na ang nakakaraan nang umalis siya. No calls, no texts, and impossibly no e-mails from her. One week na akong nag-iisip, one week na akong hindi pumapasok sa school dahil sa pag-aalala. I don't even know how is she. I tried to contact my parents pero palaging napupunta ang calls ko sa secretary nila, telling that they were both busy and unavailable. I'm starting to panic. I'm getting stressed from all of this bullshits na nangyayari.

For the past week, I was like a walking zombie. Damn, it's getting harder for me to wake up and do what a human should do. I can't eat properly and sometimes, pakiramdam ko ay nakikita ko siya pero nawawala din the moment na sundan ko ang presensiya niya. I think I'm getting insane.

Napalingon ako sa bedside table ko nang muling tumunog ang aking alarm clock. Hindi ko muna ito pinatay at parang tangang nakinig lang sa pag-ring nito ng paulit-ulit. Kanina pa ako gising—hindi ako makatulog ng maayos. Monday. Papasok ako.

Makakapasok ba ako?

Labag man sa kalooban ko ay nag-decide na akong bumangon at patayin ang alarm clock. Napakamot ako sa ulo ko at sumandal sa headboard ng kama. Napabuntong hininga ako kasabay ng pagyakap sa aking binti na parang bata.

Hindi matutuwa si Star kapag nalaman niyang hindi ako napasok. Kailangan kong pumunta ng school.

Star...

Ibinaon ko ang mukha sa mga tuhod ko at napakagat ng mariin sa ibabang labi ko. I closed my eyes, pinipilit pigilan ang pagtulo ng mga luha ko ngunit hindi ko magawa. A faint sob escaped my lips. Sunud-sunod na iyon. Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Umiyak lang ako katulad ng ginagawa ko palagi nitong mga nakaraang araw.

"Ang iyakin mo talaga."

Parang naririnig ko ang boses niya. Nasa ulo ko lang iyon ngunit parang totoo. Kabisado ko ang tono ng boses ni Star, malamig ngunit may kasamang lambing. Kalmado, mahina ngunit malinaw.

Nai-imagine ko ang paraan ng pag-ngiti niya sa akin. Mas lalo ko lang siyang nami-miss. Star...

Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay nag-decide akong bumangon na at dumiretso sa cr para makapag-ayos. Pagkalabas ko ay kaagad akong napatingin sa phone at laking panlulumo ko nang makitang wala pa ring kahit anong text o missed call galing sa kanya. Napahawak ako dito nang mahigpit bago tuluyang buksan ang pinto palabas.

Sobrang pagpipigil pa ang ginawa ko na huwag pasukin ang kwarto niya. Alam ko na once na makapasok ako sa loob, hindi na naman ako lalabas at mas pipiliin pang magkulong sa kanyang kwarto. Dahil sa room ni Star naiwan ang pamilyar na amoy niya sa kama niya, sa mga unan at kumot, doon naiwan ang ilan sa mga libro niya, ang mga ginawa niyang tula, ang mga computations na sinulat niya sa mga papel, ang mga damit niya. Doon sa kwarto niya, pinapahiwatig nito sa akin na last week, nandito siya. At ngayon ay ito, tanging amoy at mga gamit na lang niya ang naiwan.

Pikit matang tumalikod ako sinimulan nang tahakin ang direksyon patungo sa kusina. Nagsimula na akong magluto ng breakfast ko. Kamuntikan ko pang ipagluto si Star pero naalala kong ako nga lang pala ang mag-isang kakain. Mag-isa akong naupo sa dining area ng bahay na ito. Kung dati ay malaki na ito sa paningin ko, pakiramdam ko ay mas lumawak pa ito dahil ako lang ang nandito bukod sa mga kasambahay. Ganoon pala talaga ang pakiramdam kapag mag-isa ka. Feeling ko naliligaw ako sa sariling tahanan.

Pagkatapos kumain ay muling kong tinungo ang kwarto para maligo na at makapag-ayos. Mabilis lang akong natapos, na para bang routine na lang ito at ginagawa ko na lang para kahit paano ay maramdaman kong buhay pa nga pala ako.

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Where stories live. Discover now