Chapter 10

26.2K 1.1K 314
                                    

"Para saan 'to?" Iwinawagayway ko sa harap ni Kris yung form na inabot sa amin ng teacher kanina.

"Try mong basahin, Shann, hindi yung nagtatanong ka." pambabara niya sa akin. Umirap siya nang mabilis, ngumiti, at nag-peace sign. Parang ewan.

"Tinatamad ako." Yumuko ako habang hawak ang form na hindi ko pa nababasa as I checked my phone kung may text ba ako from Star. Hay, wala.

"Kanina mo pa sinisilip 'yang phone mo." Nagdududang sabi niya sa akin. "Yung totoo, may boyfriend ka na, 'no?"

"Wala," I pouted my lips.

How I wish Star is my girlfriend... Kailangan ko na talaga maka-graduate sa pagiging torpe. Napaismid ako. Kaso naman, kahit makaamin ako, ano nga bang mangyayari?

I know that my feelings isn't what I should prioritize but Star's welfare. Kaso ang hirap magpigil. Habang tumatagal na nakakasama ko siya ay mas lalo lang akong nalulunod. Kung dati pa lang hindi na talaga ako makaahon, ngayon ay wala na talaga. Lunod na lunod na. Patay na patay. I really love her so much but I can't say it.

"Sus, wala raw." Napailing na lang siya, may bahid ng tampo ang boses nito. "Malihim ka na sa akin, Shann."

Napalingon tuloy ako sa kanya pagkarinig ko no'n. Inabot ko ang kamay niya at nilaru-laro. Napatingin siya sa akin nang malungkot at hinila ang kamay niya but I gripped it tighter. Minsan lang naman siya magtampo kaya once na umabot siya sa ganitong point, alam kong hindi iyon joke. Maybe I went too hard on myself that I didn't notice the people's feelings around me. "Huwag ka na magtampo. Sasabihin ko rin naman sa'yo, eh."

"Na ano? May boyfriend ka na?"

"What? " I laughed. "No!" Napailing ako nang mabilis dahil sa conclusion niya. Bakit ba boyfriend agad naiisip nito? "I swear, wala akong boyfriend. Huwag ka ngang paranoid diyan, Kris. Hindi bagay sa'yo."

Sumimangot tuloy siya lalo. "Promise?"

"Promise. 'To talaga." Hinila ko siya paupo sa tabi ko. Kanina pa kasi ako nakatingala sa kanya. Nangangawit na ako. "Anyways, para saan nga itong form?"

Ngumiti siya at kinuha sa akin yung form. She scanned the content. She looked at me with a smile lingering on her lips. "Form 'to ng mga different courses. Ano ka ba, anong month na ba? Graduating na tayo kaya inaabutan na tayo ng form para makapili agad tayo ng course na gusto natin."

Napatango ako. Oo nga pala, sinabi na 'to noong orientation pa. Magbibigay ang school ng mga forms sa lahat ng graduating students para makapag-decide na kung anong course ang pipiliin.

That way, makakapag-recommend ang eskuwelahan ng mga university na pwede naming pasukan sa susunod na taon. Of course, they'll recommend the best school for us. Ang kailangan na lang naming gawin after that is to attain the required grade and GPA para matanggap kami ng school na kursunada namin. Easy.

"Ikaw, Kris, may napili ka nang course?"

Bumalik ulit ang tingin niya sa form. Her lips twitched in a thinking manner then slowly, she smiled. I saw the spark in her eyes when she averted her gaze at me. "I want to be a cardiologist, Shann."

"Oh," I nodded and smiled. I'm pretty sure na makukuha niya ang gusto niya. Tinapik ko siya sa balikat, silent cheering kumbaga. Two years ago pa nang huli niyang sinabi na gusto niya maging cardiologist, nakakatuwa lang malaman na hanggang ngayon, iyon pa rin ang gusto niya. She really have a direction towards her goal. I will wish her all the best and hope she'll be enlightened whatever happens.

"Ikaw, Shann?" tanong niya. I just hummed a short response. "Anong gusto mo?"

My lips formed into a straight line. Napaisip ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko. Well...isa lang naman ang gusto ko. This has been my dream since noong bata pa ako. I winked at her. "Secret!"

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu