KABANATA 2

932 17 1
                                    

“Grabe talaga yung si Mens, Soriano, kung makapang-insulto wagas, epekto siguro ng tumandang dalaga" ani Sydney,  sabay sabay na kaming umuwi.


Napailing ako ng palihim sa paggawa nila ng nickname sa aming guro. Mens(truation), Soriano.

"Grabe yung ginawa kay Analise noh? Akala mo pera niya winawaldas." Sasha added.

"Hindi naman ganoon ang punto niya, yung mga sinasabi niya ay may malaking aral naman sa atin, May pagkabrutal lang yung bunganga niya." Sabi ko at nagpatianod sa studyanteng papalabas ng gate.

"So kay Ms. Soriano ka? Palibhasa ikaw lang nakasagot ng tama," Kennedy said then rolled her eyes.

"No, Intindihin niyo rin yung guro hindi laging guro ang iintindi sa inyo. Lalo na sa mga bagay na alam niyo kung ano yung tama o mali." Sambit ko at naiwan naman silang tahimik.

I do not intend to argue with them but they're being too much too. Yeah, our professor may be that brutal on her words but they action fight too.  Ms. Soriano is still our professor.

"Take care, Cassie!" they said goodbyes then I nodded before I went to the waiting shed.

My heart suddenly felt heavy. Kapag mag-isa ako ,doon ko nalalaman kung masaya nga ba ako?

Kase kapag masaya walang nararamdaman na ano mang negatibo. Pero ako nararamdaman ko pa rin lahat, sakit, paghihiganti at yung guilty.

Isa lang ibig sabihin nito kahit na ano pa ang nakukuha ko ngayon, hindi pa rin ako masaya. I don't feel anything to make things be easy to me.

Siguro dahil sa nakaraan kong may malaking sugat sa pagkatao ko.

I was staring outside while my head are leaning on the closed window of the bus. My quiet life interupted because of the man in black.

"Miss, If the seat are still available?" He asked. Napalingon ako sa ibang upuan at napansing puno na nga kaya napatango ako bilang sagot.


"Can I sit?" He asked again. I raised a brow.

I cough once. "Y-yeah. S-su---"

"Thank you" aniya kaya natawa ako ng palihim sa kawalan. Ibang klase. What's the point of asking me though.

After that we remained silent not minding each other presence, he's not minding my existence. We're that close and familiar to each other to strike an conversation. And im too shy for it.

When my place is near, tumayo ako at aastang aalis na ng biglang pumreno ang driver dahilan upang mapaupo ako sa hita ng lakaking in black.

No!



Nakita ko ring nakatingin ang tao sa gawi namin, ang iba ay may ngisi yung iba naman ay nasusuya sa ginawa ko. Gusto ko nalang lamunin ng isang malaking ipis at liparin na sana ako paalis dito.


Tumayo ako at agarang lumabas habang nakahinto pa ang bus.

Tumakbo ako hanggang sa marating ko ang terminal ng tricycle sa amin.


Nakakahiya Cassie, para kang gumawa ng pinagbabawal sa pampublikong sasakyan. Tanga!

"Falcon Avenue, Nighthawk st." Sambit ko ng makaupo ako sa loob ng tricycle. Bahagya pa akong nilingon ng tricycle driver.

"Cassie, Bakit para kang hinabol ng holdaper diyan. Panget mo." Sabi nito.



Nilingon ko yung driver sa pang-aalipusta sa akin.

"Tigilan mo ako, Rico-mambo" sambit ko dahilan ng biglaan niyang pagpreno para mauntog ako sa harapan. He's my friend and our neighbor too.


"Ayusin mo nga! Irereport kita diyan eh!" Singhal ko at tinawanan niya lang ako at pinaandar muli ang tricycle.

"Naku, huwag mong subukan baka mawalan ng gwapong anak si Papa." Pagyayabang nito kaya umarte ako ng nasusuka.


"Ang asim ng mukha" sabi ko at hinimas nalang ang nauntog kong ulo.

He teased me the whole ride but i just gave him a glare. Wala akong gana sumakay sa mga pinagsasabi niya dahil sa nangyari sa akin ngayong araw.

"Bayad, Salamat sa bukol ah. Naappreciate ko sobra" inis kong sabi at tinawanan niya lamang ako.



"Okay lang yan, panget ka naman." Sambit niya at pinaharurot ang sasakyan.



"Nahiya mukha mo ah! Bwiset!" Sigaw ko at pumasok nalang sa bahay.

Ruled by the Attorney Where stories live. Discover now