KABANATA 18

183 11 0
                                    

Hindi ko alam kung saan na ako magsisimula.

Natatakot ako, Wala na akong tiwala pa sa ibang tao.

Bakit sa bawat pagtitiwala ko sa iba ay siyang pagsira naman nila sa akin.

Lagi nalang akong naiiwang pinagtaksilan, pinagtaguan ng lahat.

Tipong naranasan mo yun sa piling ng mga taong nakapaligid sayo. Saan na ako lalapit kung sila mismo nagparanas sa akin ng sakit?


" Miss nandito na tayo" saad nung taxi driver. Mugtong mata akong nakatingin sakanya.

" M-manong deserve ko bang masaktan?" tanong ko sakanya pero kinunutan niya ako ng noo.

" Magbayad kana lang! Ang drama mo! Alis na hindi ako makakarami niyan!" bulyaw niya sa akin kaya napatungo akong nagbayad hindi na inantay ang sukli.


Sobrang sakit at bigat sa loob looban ko. Lahat nalang ba? Ipagkakait sa tulad ko? Wala akong nakitang mali o ginagawa pero sobra yung pasakit nila.

Naguguluhan na ako at dismayado sa tao. Meron pa namang taong hindi katulad nila diba?

Yung nakakaunawa, bukas ang isipan at hindi ka huhusgahan.

" Ma, Nandito ulit ako. Umiiyak nanaman" saad ko bahagya pang natatawa.

Hinaplos ko ang lapida niyang maputi at malinis pa rin.

" Ma, miss kana namin." saad ko habang nagsisimula nanamang tumulo ang aking mga luha.

" Ma. Andaya nila. B-bakit nila ginawa yun? Ma. Nasasaktan na ako ng sobra. Hindi na kaya nito eh." usal ko habang tinuturo ang aking puso.

Bakit ba ako binigyan ng makakatuwang panandalian pero sakit lang ang kanilang nilaan.

Ilang beses ko ulit kukuwestiyunin ang sarili ko.

May ginawa ba akong masama sakanila?

Sapat ba ang nakaraan kong karanasan para husgahan nila ako agad?

Dahil ako napapaisip nalang. Masama pala ang magmahal ng sobra. Masama pala ang nagtiwala ng sobra.

Sarili ko ba? Ang nagbibigay dahilan ng sakit na pupuno sa buhay ko?

Gulong gulo na ako.

" Ma, Gusto kong yakapin ka. Aaluhin mo ako at sasabihing makakaya ko ito." saad ko.

" Aaluhin mo ako at hindi mong pagsasawaan na sabihan ng Si Cassie na mahal na mahal ko kayang lagpasan ang problema niya. Mahal na mahal siya ni mama. Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko-" saad ko ng humihikbi.

Pasikip ng pasikip ang dibdib ko habang inaalala nalang ang mga salita ng aking ina.

Hindi ko na kaya sa ngayon yung sakit. Wala akong malalapitan dahil lahat naman sila pinagkait yung kalayaan ko sa nakaraan.

" Cassidy" pamilyar na boses ang tumawag sa akin bago pa man lumingon ay hinagkan na niya ako.


" A-ate?" naiiyak kong tanong. Tumango ito at ramdam ko ang pag-iyak nito.

Natawa ako at umiling. " Bakit nandito ka ate? Wala ka bang pasok?" mahina kong tanong habang tinatanaw ko siyang tumataas baba ang balikat.



" Patawarin mo si ate. Alam ko ngayon punong puno ng katanungan ang isipan mo. Alam mo namang ginagawa ni ate ang lahat para hindi ka saktan, pero bigo ako." usal niya habang nakayakap pa rin sa akin.


" Tinago ni ate yun dahil alam kong hindi ka makukuntento sa ibibigay kong impormasyon. Alam kong--"

" Alam mong hindi ko magugustuhan ang naging takbo ng kaso" pagputol ko sa sasabihin niya.

Tumango ako at tinanaw ang langit. " Alam mong mali yung pinagbintangan nila. Alam mong ex ko yung pinagbintangan nila" saad ko at nilingon siya.


Natawa ako at iling na nag-iwas ng mukha. Hindi ko alam ang gagawin ko pa.


Tatawanan ang katangahan o iiyakan nanaman.


" Ate, okay lang naman sana kung sinabi niyo agad. Maiintindihan ko naman yun tsaka alam mo kung gaano ko kagusto malaman yung buong kaso." saad ko at hinawakan siya sa kamay.


" Hindi ko alam yung gagawin ko nung araw na yun Cassidy. Akala ko, kung itatago ko ay makakabuti sayo pero h-hindi pala. Patawarin mo ako nabulag lang ako sa paraan na akala ko mapoprotektahan kita." saad niya habang hinahaplos ang kamay ko.


Tumungo ako at mapait na ngumiti.


" Pagkatapos ba nito? Maaayos na ang lahat ate? Kase sana oo, gusto ko ng makaahon sa nakaraan kong pilit akong hinahatak pailalim. Hindi ko alam kung may kamay bang maglalaan ng kamay para tulungan ako." saad ko at ngumiti sakanya.


"Harapin mo yung problema Cassie. Huwag mong takbuhan at pagtaguan gaya ng nagawa mo dati. Alam mo na siguro ang kahihitnan ng problemang tinatakbuhan diba? Sa halip na matapos ay lalo ka lang pinapalapit sa sakit." aniya at hinaplos ang buhok ko.


" Nandito si Ate, hindi ka niya hahayaang malunod sa nakaraan mong sabay nating haharapin. Mahal na mahal ka namin. Lalaban tayo, hindi para gumanti ng sakit kundi gumanti ng bukal na salita at gawa, Pagbukas ng isipan nila." dagdag niya.


Umiiyak akong tumango habang nagpapadala sa haplos ng pag-alo.


Hindi na ako tatakbo sa problema. Hindi ko na pagbabasehan ang nakaraan ko para ilayo ako sa tamang pagdedesisyon. Dahil ang pagbabase ko sa sakit ay pagbibigay rin ng sakit sa taong nais lang naman ay tulungan ako.



Huminga ako ng malalim at dumilat ng hindi na iiyak pang muli dahil sa ginawa nila.


Kung nagawa kong tumakbo. Kaya kong harapin yung tinakbuhan ko.


" Alam kong may mga salita kayong gustong sabihin sa akin. Alam ko kung ano yun merong masama meron din namang mabuti." panimula ko ng nasa harapan ako ng aming klase.

Pumasok ako upang malaman nila ang saloobin ko. Malaman nila yung gusto kong ipunto.


" Patawarin niyo ako kung nagtago ako ng bagay na ganito, tao lang ako na akala ko maganda ang pagtatago ng bagay na dapat ay meron kahit papanong makaalam. Nagmahal lang ako, nagmahal lang ako alam kong may mali pero masyado akong sarado sa bagay na iyon. I admit that. Sana maunawaan niyo ako. Ginusto ko man ay sana hindi yun maging dahilan upang magkasira sira tayo? Sana maintindihan niyong may taong tulad ko na takot harapin ang mga salitang ibibigay sakanila." dagdag ko at nginitian sila.


" I just wanna share this quote. Forgive others not because they deserve forgiveness but because you deserve peace. Hindi lang para sa akin yun. Hindi lang ako dapat ang makaalam ng kahulugan nun. Forgive me because if i  hide something. And i thought it will give each of you a peace, i'll forgive you because i deserves peace. Everyone deserve to give an second chance" dagdag ko at nginitian silang lahat.


Ngiti na tanggap na ang nakaraan at tapos ko ng takbuhan.

Ruled by the Attorney Where stories live. Discover now