KABANATA 5

426 12 0
                                    

"I hate you, Cassie" ani Kennedy nung break time namin.

Kunot noo ko naman siyang tinignan habang kinakain ang tuna sandwich na gawa ni Ate.



"Anong ginawa ko sayo?" Tanong ko tumaas naman ang kilay niya.




"Bakit kay Sasha mo gusto ipatabi si Travis pwede naman sa akin! Bakit mo din binawi!" pasigaw niya kaya nagulat ako roon, napatingin rin ang ibang tao sa amin.





"H-hindi ko naman alam." sabi ko at hinawakan ang kamay niya ngunit tumayo na siya.





"Nevermind!" aniya tsaka umalis sa cafeteria ng school.







"Masyado siyang harsh, alam naman natin ugali ni Kennedy okay na rin yan mamaya" ani  Sydney habang tinitignan ang pinaglabasan ng kaibigan.

I don't get her point, obviously it was lame. Who will be start a fight because of that?

Nagpalipas kami ng ilang minuto pa pagkatapos ay pumasok na rin wala pa ako sa loob ay sinalubong na agad ako ni Kennedy nang may magandang ngiti.




"Cassie!" tawag niya sa akin at isinabit ang kanyang kamay sa aking braso.




"Kennedy" I called her nervously.





"Ano ba yan! Kenny na lang parang hindi tayo magkaibigan eh!" tawa niya at hinampas pa ako ng bahagya.




masakit ah.





"Yeah, What it is Kenny?" I asked her, I surely know that she wants something for me to do.





"Cassie, Pwedeng doon muna ako sa seat mo? Masyado kaseng malamig sa side ko" ani niya habang tinitignan ang upuan ko.







"Sabihin mo nalang kay sir, at magpalipat ka ng upuan" tipid kong sagot at nauna na.






"Cassie please? ngayong araw lang promise!" She said while her hands are together.


I shook my head with disbelief. "Uh, sige" sabi ko at hindi na tinuloy ang pagpunta sa upuan ko nandoon na rin si Neo na tinitignan kami.





"Salamat Cassie! True friend ka talaga" aniya at niyakap ako.





Tinapik ko ang likod niya at pumunta sa upuan niya.




Nagsimula ang klase at tutok ako sa discussion, hindi naman masyadong malamig gaya ng sinasabi niya kaya napailing ako sa maling pagdadahilan niya.






I once looked at them and they're talking to each other. Binalik ko nalang rin ang mata sa harapan at nakinig.





"Mr. Callahan and Ms. Pantoja are you going to talk in the mean time?" Our professor call their attention. Hindi ko sila nilingon ang dalawa at nagpatuloy sa pagsusulat.



"No Mister" boses ni Neo at sinundan naman ng boses ni Kennedy.





"Sorry Sir" ani niya kaya napairap ako ng walang dahilan.






Lumipas pa ang ilang discussion at hindi ko na sila tinignan pa, ilang beses din sila napuna sa pag-uusap nilang dalawa.




"Bye, Una na ako." paaalam ko sakanila at dirediretsong naglakad.




"Wait, Cassie!" Tawag ni Kennedy pero hindi ko siya nilingon.






Weird, gusto ko lang naman umuwi at matulog nalang.







Nang makasakay ako sa bus ay pinili ko ang upuan na nasa dulo at naglagay ng earphones.







Bigla akong nawalan ng gana ewan, yung feeling na gusto mo nalang matulog o yung malayo sa iba.







I was in a deep of thinking when someone sit beside me.





"Ikaw nanaman" suya kong sabi at inirapan siya.




"Maraming bakanteng upuan diyan, ayokong makita mukha mo." ani ko hindi siya nililingon.





"Okay" he said in finality then move in the other seat.





"Mabuti nga at napunta sa principal office" ani ko habang nakapangalumbaba sa labas.




"Isip bata" aniya hindi ako nililingon.





"Who? Ako?" Tanong ko at tinuro ang sarili. Tumingin siya sa likod ko kaya napatingin rin ako doon.






"Baka yung nasa likod mo" sagot niya at tinalikuran ako. kahit kailan ibang klase talaga ugali niya.






"Sino itong isip bata na nakikipag-usap sa katabi kahit alam niyang may dinidiscuss yung professor sa harapan?" pagpaparinig ko obviously para sakanya.




"Sino itong isip bata na naghihimutok sa likuran ng wala namang dahilan?" binanggit niya yun nakaharap mismo sa akin.




"How dare you! I ain't a child!" sabi ko at akmang hahampasin siya.






"Dare me?" panghamon niyang tanong kaya napataas ako ng kilay dahil roon.





"Are we in a game? Truth or Dare thingy?" Natatawang tanong ko.





"Are we? In your game called jealousy?"direct to the point niyang sagot kaya natahimik ako.






Hindi ako nagseselos! Nakakairita lang talaga!





Suminghap ako ng hangin bago siya sinagot. "Lakas mo mangarap dinaig yung lipad ng ibon sa sobrang taas" ani ko at tinarayan siya.




Pagkatapos nun ay naging tahimik ang atmospera naming dalawa.




Bago ako makaalis sa sasakyang yun ay inabot ko ang sulat na binasa nung guro namin kanina.


"Have a nice sleep, Mr. Cupid" ani ko at nanatili naman ang kanyang mata sa gulat.

Ruled by the Attorney Où les histoires vivent. Découvrez maintenant