KABANATA 9

288 10 0
                                    

Ryle Cohen POV's

"Ryle, Pwede ka ng makapasok sa eskwelahan!" masayang tugon ng ina ko kaya nagulat ako roon.

Imbes na maging masaya eh nanghihinayang ako sa pera.

"Hindi na ho, okay na po sa akin ang pagiging sub ni Kuya Edwin sa pagttricycle." ani ko at bahagya pang pinupunasan ang pawis.

Marami ang naging pasahero kanina kaya ginabi ako ng uwi maganda nga iyon at malaki ang kikitain at hatian namin pantulong na rin dito sa bahay.

"Anak sabi ng tatay mo ay saglit lang dahil kapag nakapag-apply na siya ay mag-aaral kana. Natanggap siya sa kumpanyang pinag-applyan niya kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral" dagdag nito at tinulungan akong hubarin yung basang basa kong t-shirt.

"Okay lang po ako ma, Pwede naman ho kaming makapagtrabahong parehas." Final kong saad pero hindi natinag ang nanay ko.

"Napasa ko na yung requirements mo,Ryle. Papasok kana dahil ayaw naming magaya kayong dalawa ni Claudine na hindi makapagtapos sa pag-aaral." sambit nito at pinaghandaan pa ako ng pagkain.

Napakamot ako sa ulo at naupo sa upuan pinagmamasdan ako ng nanay ko habang kumakain kaya nailang ako dahil doon.

"Marami ka ng naitulong anak, Hindi ka pa nakapagtapos ay marami ka nang naipagmalaki sa amin." Dagdag niya at nginitian ako.

Nanatili akong nakikinig at dahan dahang nginunguya ang pagkain.

"Kaya bilib kami sayo ng tatay mo dahil sige ang kayod mo sa pagtatrabaho, ikaw ba ay may inaalok na ng kasal?" tanong ng nanay ko kaya nabulunan ako.

Kasal agad? Wala nga akong jowa ikakasal agad. Advance ni mama masyado.

"W-wala ho ma, Wala pa sa isip ko yan" sambit ko at tinapos na ang pagkain.

Matapos nun ay hindi na ako masyado pang nakasagot nakaka kaba naman kase yung tanungan ni Mama.

Bandang alas otso na ng gabi ng may sumakay na babaeng nakaitim sa tricycle na pinapasada ko.

Medyo naghihinala akong holdaper ito pero bihira lang naman ang babaeng holdaper.

"Ryle" biglang sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

"Kaye" tawag ko kaya sunod sunod itong tumango.

Itinigil ko sa tabi ang tricycle ko at hinarap siya. Bihira nalang magpakita ito magmula nung mamatay yung nanay ni Cassie.

Ewan ko ba iba iba trip ng kaibigan ko.

"Kamusta, Kaye? Ngayon lang kita naabutan dito ah" tanong ko at nagpakamot kamot pa sa ulo.

"Maayos naman, Kayo?" tanong nito at bahagya pang sinulyapan ako. Napailing ako, hanggang ngayon mukha pa ring mga paa silang dalawa ni Cassie.

"Maayos, Ipagpapatuloy ko na ulit yung pag-aaral ko" ngiting saad ko.

"Babalik na ako dito at dito na rin mag-aaral" usal niya kaya napalaki ang maganda kong mata.

"Doon ka pa rin sa dati?" Tanong ko at tumango siya.

Pagkatapos nun ay hinatid ko na siya roon sa dati niyang tinitirhan at nalaman kong kanina lang siya lumipat.

Kinabukasan ay nakuha na yung papeles ko at kinabukasan rin noon ay makakapasok na ako. Masaya man ay nanghihinayang pa rin ako.

"Section 2-B ako ikaw?" Tanong ni Kaye nung tumambay sa bahay. Inimbitahan daw siya rito ni mama kaya pumunta siya.

"2-B rin" ani ko at uminom ng tubig.

"Mabuti at magkaklase kayong dalawa" pagsingit ni mama kaya napakamot sa ulo si Kaye kaya natawa ako. Kahit kailan ay hindi pa rin sila nagbabago.

"Sabay na tayo bukas?" Nangunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"Siguro? Dahil ang layo ng bahay niyo sa bahay namin?" tanong niya kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Ang talino ni Kaye, hindi na siya sipunin" natatawang ani ko. Tanging singhal lang ang ginawad niya.

Kinaumagahan ay naghanda na ako sa pagpasok. Marami pa ngang ibinilin si mama kaya tanging tango nalang ang niresponde ko.

Bandang ala sais ng umaga ay pinuntahan ko si Kaye at inantay nakita ko si Tita Cale kaya nagkamustahan na din kami.

"Hindi bagay" puna ko ng makita ang suot niyang uniform.

"As if bagay rin sayo? Mukha kang elementary na uhugin" sabi nito at tinarayan ako.

Tumawa nalang ako doon at sabay kaming naghanap ng masasakyan.

Pagkapasok namin sa university na yun pinag-uusapan kami. Ganito ba talaga kapag may magagandang lahi kami?

"Kaye, Famous agad tayo. Post mo na" biro pero hindi ako nito tinignan man lang.

Ilang oras na pag-iikot ay nahanap na rin namin yung classroom namin, may kalakihan ay may aircon.

wow. sosyalin.

Dire diretsong pumasok si Kaye sumunod agad ako sakanya. Nakatapat ang mata nito doon sa likuran at nakita ko si Cassie na nanlalaki ang mga mata na parang tarsier.

"Class nandito na pala ang dalawa hating transferee" usal ng guro kaya ngumiti ako doon.

"Kayerix Mañiego" sambit ni Kaye at napilitan pang ngumiti.

Napakamot ako sa ulo habang nagpapakilala.

"Ryle Cohen Villanda" sambit ko at ngumiti

Napasulyap pa ako kay Cassidy na nakatungo na. Napansin ko rin yung lalaking nakahawak sa ulo niya.

bagay.

"Sit  in row with Ms. Alcantara and Mr.Callahan" ani nito kaya sabay kaming tumango.

Nakikipag-pilitan pa si Kaye doon sa lalaki na umusog siya kaya napilitan itong sumunod. Umupo naman ako sa kabilang gilid ni Cassie na animoy parang aso sa pagiging mabait.

"Kaye!" Bulong ko kaya lumingon naman ito sa akin.

"Bakit ba rico mambo?" inis na tanong niya kaya napairap ako ng kaunti.


"Sabay tayo mamaya sa cafeteria" bulong ko ulit nangunot naman siya.




"Kakasimula pa lang pagkain na agad nasa isip mo!" Singhal nito at tumingin sa harapan.

"Ako hindi niyo sasama?" Pagsingit ni Cassie kaya napatawa ako ng mahina.

"Pasama ka kay comfort guy" sabi ko at bahagya pang ninguso ang gawi nung lalaki.

"Watch your word, Mr. Villanda" ani ng lalaki at masamang tumingin sa akin.

"Oo pre, Makikinood ka rin ba?" Biro ko at iling na inalis yung mata niya sa akin.

Ruled by the Attorney Where stories live. Discover now