KABANATA 11

217 9 0
                                    

Cassie POV's

Matapos nun ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Kung paano nagkakilala yung dalawa eh kakalipat lang naman nila Kaye.

"Babae ba talaga yun ni Kairus?" Tanong ko ulit habang hawak hawak ang plastic cup ng fishball.

Naglakad lang kami kasama si Travis, hindi naman daw kalayuan ang bahay nila sa amin. Trip lang siguro yung pagb-bus.

"Sirang plaka kaba Cassie?" singhal niya kaya nanahimik nalang ako hanggang sa mag-open up siya.

"Kairus is my 1 year boyfriend, kaibigan siya ni Neo bago ko pa makilala yang katabi mo." panimula niya habang tinusok tusok ng stick ang fishball sa plastic cup.


"Just a week from now, I saw him with that girl in his condo" aniya at nagpakawala ng tawa.

tawa ng nasasaktan.

"Syempre masakit pero sinisisi ko rin sarili ko na nawalan ako ng oras kaya nahanap niya sa iba yung kaya ko naman ibigay" dagdag niya at patuloy na naglakad.

Tinatapik tapik rin ni Ryle yung likod niya pampatahan. Masakit nga naman maloko pero mas masakit isiping dahil rin sayo pero wala kaming alam sa nangyayari sakanila.


"Listen to his side din, para magkaintindihan kayong dalawa." ani ko at nginitian niya naman ako.

Gumala pa kami at pumunta sa mall, may project kase na kailangan gawin magkagrupo sila Kaye at Ryle samantalang kami naman ni Travis.

Nagtungo kami sa national bookstore ng mall pumunta ako sa sections ng libro at naghanap ng pwedeng bilhin habang yung iba ay naghanap ng pwedeng pangdesign.

I was busy reading an open book when someone's leave another book in front of me. Mayroon doong sticky note kaya kinuha ko ito.

May nakasulat roon maganda ang penmanship.

A books reminded me about you, you're so wonderful and inspirational. Cassidy

-NC


Nagtaka ako dahil pati rito ay may ganito. Sinarado ko yung libro at kinuha na yung bibilhin para pumunta sa counter.


Saktong pagpunta ko ay ang pagdating ng kasama ko. Yung dalawang lakaki yung nagpunta sa cashier.

"Kaye, may nabasa akong note sa libro. Feeling ko para sa akin, feeling ko lang ah" sabi ko at pinakita yung sulat.

Nakataas ang kilay na hindi mapaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya. "Nice, keep it up" aniya at tumingin sa counter.

I expected na advice or something ang sasabihin niya. Pero parang achievement ata nireact niya.

"Saan kayo after?" Tanong ko kaya iling ang isinagot nila.

"Uuwi na, may balak ka bang patulugin kami sa inyo?" anas ni Ryle kaya inirapan ko nalang siya.

Habang nasa likuran kami ng dalawa ay kinuwento ko rin kay Travis yung about sa sticky note na nakuha ko, pero blangko lang ang ekspresyon nito.

medyo masakit.

"Una na ako" paalam ko sakanya ng makarating na kami malapit sa subdivision namin. Tanging tungo lang ang iginawad niya kaya doble na yung medyo masakit ko.

Expected ko na may sasabihin pa siya sa akin pero wala hanggang sa makarating ako sa bahay.

Masyado lang siguro akong nadadala sa nararamdaman ko sakanya. Tipong nag-iimagine na ako ng ibang bagay na gagawin namin ng magkasama.

"Cassidy" tawag ni ate ng makapasok ako sa bahay kaya niyakap ko siya.

Bihira lang akong ganito, feeling ko kase broken hearted ako na ewan dahil sa treatment ng taong gusto ko. Alam kong dapat hindi ako naghahangad ng ano kung magkaibigan lang kami.

dahil mali yun kung tutuusin.

"Ate" tawag ko, malapit ng umiyak.

"Cassidy? Anong problema at nagkakaganyan ka?" aniya at hinahagod pa ang likod ko.

Sa mga buwan na lumipas naaalala ko lang si mama kay ate. Sa pag-aasikaso niya sa akin at pag-gagabay sa lahat, kahit na madalas ay lagi ko itong ginagawang biro.

"I just want to hug you" usal ko at hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng makaramdam ng gutom ay kumain na kami.

"Bukas. 2pm" sabot ko ng magtanong si Travis about sa project na gagawin namin.


After of that day mas naging maingat ako pero hindi pa rin nagbabago ang turingan namin. Travis went more noisy now  than the last. When we're together with Ryle and Kaye he always smiling and laughing and that's a beautiful view on my eyes.

And about doon sa Kaye and Kennedy war ayun medyo bukas pa rin. Nagtititigan ang dalawa ng matatalim. Maging ako nga ay dinamay ni Kennedy. Inagaw ko daw si Travis sakanya.



Medyo halo yung nararamdaman ko, natatawa dahil oo parang ganoon. Sa kabilang banda naman ay nasasaktan dahil hindi naman totoo.

Sabay kaming naghanap ng masasakyan ganoon pa rin katulad ng dati.


"Pusta ako sa puso kong broken hearted after years iyang lalaki pa din na yan" wala sa sarili kong saad katabi si Kaye sa bus.

"Pusta rin ako, ikaw pa? Marupok ka kaya" aniya at natawa ako roon.


"Huwag lang sana umabot na magkasira kaming dalawa na umabot sa puntong ako na mismo iiwas sakanya" ani ko at natahimik kaming dalawa pagkatapos nun.

Dahil kung ako? Ayokong mangyari yun. Hulog na hulog na ako eh, Hindi ko na alam paano umahon pa mula dito.

Ruled by the Attorney Onde as histórias ganham vida. Descobre agora