Prologue

385 18 6
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

A/N: Hope you like it :)

-

"Abrie, hindi ka ba nagsasawang magpicture ng mga bagay? 'Yung may buhay naman, please?" tingnan mo nga naman 'tong babaeng 'to. Nang-iistorbo ng trabaho.

Siniko ko siya sa tiyan at nagfocus sa perfume na produkto ng client ko.

"Gusto mo bang mawalan ka ng trabaho, Vicky? Anong klaseng assistant ka?" malamig kong sabi sa kanya at kumuha ng litrato.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. At hindi lang natapos sa isa. Pinaulit-ulit niya. Tumigil ako sa pagpicture at hinarap siya. Napairap ako.

"You're seriously not going to stop? Hindi ba nag-usap na tayo? I won't take pictures of anyone! Kahit artista pa man 'yan!"

Nilagay niya ang mga kamay sa beywang. "Eh ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na hindi kita maintindihan? I kept asking why pero hindi mo naman ako sinasagot? What's up with that?"

Nawala ang kunot sa noo ko at napaiwas ng tingin. Naglakad ako palayo sa kanya.

"Hindi ko rin alam." kinuha ko ang bag ko at ang cap ko sabay sinuot ito. Sinuot ko rin ang facemask ko kasi mahirap na 'pag may nakakita sa akin na kilala ako. I always get a weird reaction.

"Teka. Saan ka pupunta?"

I sighed. "I need a drink."

"Ang aga pa ah. Abrie!" sinubukan niyang humabol sa akin pero nasara ko na ang pinto at mabilis na umalis sa lugar na 'yon. Sumasakit ang ulo ko tuwing nandiyan siya. Bakit ko ba siya kinuha? Ah, basta. Konti na lang, paaalisin ko na siya.

Pumunta ako sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng alak.

"Good afternoon po!" sabi ng guard bago ako pagbuksan ng pinto.

Ngumiti at tumango lang ako kay manong guard. Papasok na sana ako sa loob pero biglang dumami ang tao sa labas. Sumalubong ang kilay ko. Pati ba naman dito sasakit ang tenga ko? Anong meron at nagkakagulo sila?

"AHHH!! Huwag kayong titigil sa kakahanap sa kanya!"

"Kung tumutulong ka kaya!"

"Kung hindi ka sana boba, nakapagpicture sana tayo sa kanya! Ugh!"

Pumasok agad ako sa loob dahil lalo lang akong naiinis. Mga kabataan nga naman. Kukuha na sana ako ng alak pero may biglang humablot ng kamay ko at hinarap ang katawan sa kanya.

Nanlaki ang mata ko at sinubukang agawin ang kamay ko sa kanya. Magsasalita na rin sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Before you yell at me or anything, you need to help me hide." desperado niyang sabi sa akin.

Kumunot ang noo ko.

Aba sumosobra na 'to ah!

Sinubukan kong sumigaw pero pilit niyang tinatakpan ang bibig ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya at hinahampas ito.

"Gago ka! Animal!" sabi ko sa isip ko na gustong-gusto kong marinig niya. Kriminal ba 'to na nakawala sa prisinto? Shuta, gusto ko lang naman uminom!

"Fuck, please! Just—" natigilan siya at napalunok. Tumingin ako sa tinitingnan niya.

"Nasaan ba kasi 'yon? Naiinis na 'ko ah." siya 'yung isa sa mga babae na nasa labas kanina. Napatingin ako sa lalaking kasama ko at naningkit ang mga mata. Medyo pamilyar siya.

"Ikaw ba 'yung hinahanap nila?"

Hindi niya ako sinagot at biglang hinila. Nataranta naman ako.

What the hell?

Sa tuwing maglalakad ang babae ay kikilos din kami at magtatago para hindi niya makita.

"Pogi, andito ka ba?" mapaglaro niyang tanong. Minsan ay napapakuha rin siya ng pagkain at titingnan 'to sabay ibabalik.

"Matagal mo na 'kong fan. Pagbigyan mo na 'ko oh. Uy! Ang cute naman nito."

Inintay namin siya habang hinahangaan kung ano mang bagay 'yung napulot niya. Dahil mukhang matatagalan siya roon, hinarap ko ang lalaking kasama ko at kinausap. Pinagkrus ko ang mga braso.

"Oy gago ka ah. Ang kapal naman ng mukha mong hilahin nalang ako bigla at isama sa laro niyong tagu-taguan. Sino ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay.

Napairap siya at dila ng labi. "Okay, sorry. Isa akong model. They're looking for me."

"Ha! So that's why you're familiar." pabulong na sigaw ko, natatawa. Mga artista nga naman oh. Laging nahingi ng tulong ko. They always expect that they are above everyone else. That they always get what they want.

Well, not today!

"That's why I'm hiding. Gusto nila ako. At parang hindi mo naman ako gusto. So safe ako sayo." ngumiti siya.

Unti-unting nawala ang ngisi ko. Hindi niya pa rin binubura ang ngiti niya.

"Wala lang sayo?"

"Ang alin?" inosenteng tanong niya.

Ugh! "Na hindi kita tinatrato na parang artista!" pabulong ulit na sigaw ko.

Napakamot siya sa ulo at tinitigan ako ng ilang sandali.

"Alam mo, parang pamilyar ka rin."

Hindi ako tumugon at tinitigan ang itsura niya. Pinagmasdan ko ito mula sa mga mata hanggang sa labi niya.

Parang... parang nakita ko na siya dati pa. Ng harapan mismo. Hindi sa cellphone, sa tv o sa billboard.

Magsasalita na sana siya pero biglang naglakad palapit sa amin 'yung babae. Nagulat ako noong kuhanin ng lalaking kasama ko ang sumbrero at mask na suot ko. Dala ng kaba ay nahulog pa ito sa sahig. Pinulot niya ito.

"I-I have no choice. I'm sorry." pagkaangat ng ulo niya ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"Abrie?"

Pati ako ay nagulat. Nagtaka ako.

"Paano mo—"

"Nandito ka ba?!"

Parehas kaming kinabahan. Hindi ako nagpadala at mabilis na pumunta sa babae.

"Hi! Ang cute naman nung hawak mo? Saan mo nakuha?" kinausap ko agad ito.

"Omg, sabi ko na cute eh!" at nagpatuloy siyang dumaldal. Pilit lang naman akong ngumingiti at tumatango sa kanya at sumilip sa pintuan na nilabasan ng lalaking kasama ko kanina.

Napahawak ako sa ulo ko noong bigla itong kumirot. Napaluhod ako sa sahig noong lalo itong sumakit.

"Ate? Tulong! Tulungan niyo kami!"

Capture the Moment (Happiness Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang