Chapter 11: Catch Me If You Can

73 14 2
                                    

"At tapos na ang lesson. Panibagong lesson na bukas."

Sinarado ko na ang binder ko at nagmamadaling pumunta kay Ma'am dahil gusto kong magpasalamat.

Siya si Ma'am Clarisse. Ang adviser at teacher namin sa biology. Siya rin ang nagsponsor sa photography club ko.

"Excuse me, Ma'am."

Natigilan siya sa pag-aayos ng laptop at ngumiti sa akin.

"Yes?"

Nahihiyang napakamot ako sa batok at ngumiti rin sa kanya.

"Thank you po. Sa pagsponsor? Bakit niyo po naisipang suportahan ako?" nakarating na naman siguro sa kanya na walang gustong maging member ng club.

"Your photography of the butterfly was amazing, Abrie. At dapat hindi lang ang klase na ito ang makakita sa mga litrato mo."

Napakurap ako. Ang bait naman ng puso niya.

"Sa tingin ko rin magiging success ito. Dahil matibay ang loob mo." tinapik niya ang balikat ko.

Parang nabuhayan ako bigla at kumurba ang ngiti sa aking labi.

"W-Wow. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya sa mga sinabi niyo sa akin ngayon, Ma'am." parang naging isang malaking yakap ang mga salita niya.

Nilagay niya ang kamay sa baba. "Well, you also told me your plan."

Sinabi ko nga pala sa kanya na si Marcus ang magiging model ko.

"That's why I'm also sure it's going to be big, but after that, take pictures of other things naman, okay? Baka puro mukha na ni Mr. Villamonte ang building na ito." nagbuntong-hininga siya at nagpaalam na.

Natatawang nagpaalam lang din ako at tumango sa kanya. Naimagine ko nga ang horror na sinabi niya.

"Bye, Ma'am! Abrie!"

"Oh?" hinarap ko si Louis.

"Hinahanap ka ni Jason." tinuro niya ang pinto.

Tiningnan ko ang pinto at nakita si Jason na sumisilip doon. Noong magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"Anong kailangan sayo ng boyfriend ko?"

Nawala ang ngiti ko at napatingin kay Kyla na nasa tabi ko na. Nakakrus ang kanyang mga braso at nakataas ang kilay sa akin.

Pilit akong ngumiti. "Gusto niyo bang mag-usap muna or—"

"Puntahan mo."

Kumunot ang noo ko sa kanya at pumunta na kay Jason. Ramdam ko naman na nasa likod ko siya, nakasunod. Para tuloy naging hostage niya ako.

"Jason. Good morning." binalewala ko nalang si Kyla at bumati kay Jason.

Ngumiti siya sa akin pero agad ding nawala iyon noong mapansin niya si Kyla sa likod.

"Kyla." malamig na pagtawag niya.

Nakasimangot na nagpabalik-balik ang tingin ni Kyla sa amin.

"Fine!" ipinilantik niya ang buhok at naglakad palayo sa amin.

Pumunta na kami ni Jason sa may railing. May tamang distansya sa pagitan namin at parehas kaming may suot na ngiti.

"Akala ko hindi na natin makikilala ang isa't isa." wala atang balak si Kade na ipakilala ka sa akin.

"Hindi naman pwede 'yon."

Sabay kaming nagtawanan pero sandali ay natigilan siya at napatingin sa room namin.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Where stories live. Discover now