Chapter 2: Deal With It

117 18 2
                                    

Nakakrus ang mga braso ko at palihim na natatawa habang pinagmamasdan silang natataranta dahil hindi nila alam ang gagawin nila kay Marcus.

"Gago! Ayaw mo ba 'kong tulungan?!" galit na tanong noong lalaking tinatamad ang braso.

"Tawagin nalang kaya natin tatay niya!" tugon noong lalaking pinaglalandakan na pogi siya.

"Just get that girl. Siya ang may gawa nito sa 'kin." nanghihinang suway nito sa dalawa at tinuro ako. Napatingin naman 'yung dalawa sa akin. Lumapit sa akin 'yung mahangin habang nag-aalala pa rin 'yung isa sa lalaking nakahiga.

"Ako nga pala si Casper. Balewalain mo nalang 'yung sinabi ni Azarius kanina." tinuro niya 'yung umakbay sa 'kin. "Hindi totoo 'yon." pagpapakilala niya habang shineshake ang kamay ko.

Tumango lang ako at natulala sa kanya. Pogi nga siya kahit mayabang.

"I'm Abrie."

Umirap si Azarius. "Okay, Casper 'Ang Pinakapogi sa Buong Mundo'. Tulungan mo na 'kong dalhin 'tong si Marcus papuntang clinic." tumingin siya kay Marcus. 'Yon pala name niya. Okay! Tatandaan ko 'yan.

"Is it okay if we help you?" tanong niya kay Marcus. Tumango naman ito pabalik at inangat na siya ni Azarius.

"Casper!"

"Ito na!"

Sabay nilang nilagay ang braso ni Marcus sa kanilang balikat. Hindi naman ako makatingin sa ilong ni Marcus at napakamot sa ulo.

"Hindi pa tayo tapos, Abrie. Humanda ka."

Pilit akong tumawa at kumaway sa kanya. "Noted! Pogi mo pa rin!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at umalis na silang tatlo. Napakamot lang ako sa batok at nagbuntong-hininga.

Patay.

Nagsimula na akong maglakad paalis ng garden. Mabagal ang lakad ko dahil ayaw ko pang bumalik sa loob.

Sa totoo lang, medyo nag-aalala ako kay Marcus.

Napapikit ako.

'Yung mga mukhang ganoon parang inaalagaan! Tapos sisirain ko lang dahil sa kabigatan ko.

Nagbuntong-hininga ako at umiling.

Hindi. He still blamed me for stalking him and taking pictures of him. May karapatan din akong magalit.

Taas-noo na akong naglakad.

"Ate!"

Tinigil ko ang paglakad at tumingin sa likod. Umiwas naman agad ako ng tingin dahil mukhang masesermunan ako at hahayaan ng kasama niya. Napapikit ako sa sarili noong tumakbo sila palapit sa akin.

"Bakit hindi ka nag-attend ng classes mo? I thought you're not going to do that anymore?! Pinag-apologize pa tuloy kita sa teachers mo para hindi ito makarating kay Dad!"

"And I thank you for that, Laurie." hinawakan ko ang mga kamay niya.

Yes, nagcucutting ako madalas before. At bumaba rin ang grades ko dahil sa performance ko sa school.

Hindi naman talaga ako ganito noon. This all started... when she died.

Napatingin ako kay Kade na dinilaan ako. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmamakaawang tumingin ulit kay Laurie.

"You shouldn't thank me yet. Dahil ano 'tong naririnig ko na may sinapak ka raw na estudyante at nasa ospital na ngayon? I can't save you for that!"

"Ano? Saang ospital 'yan?!" nasa ospital na agad siya?!

Capture the Moment (Happiness Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon