Chapter 3: A Butterfly's Touch

117 18 2
                                    

Napatingin ako sa orasan sa phone ko at nakita kong 5 minutes nalang ay start na ng klase. Pumasok na ako sa room. Nagkakagulo sila. Napailing nalang ako at umupo sa upuan ko. Tumingin ako sa katabi kong upuan. As usual, umalis na naman ang seatmate ko at lumipat ng ibang upuan. Tumingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Ano?" he mouthed while laughing.

Hindi ko lang siya pinansin at tinago na ang camera ko sa bag.

"Oh, tahimik na kayo!"

Dumating na si Ma'am. Bigla naman silang umayos at bumalik sa kanilang mga upuan. Except my seatmate. Psh.

"Good aftie!"

Tumayo naman kami para bumati rin. Nagdasal na rin kami. Kinuha ko naman ang binder at phone ko sa bag. I will just take a photo of the PPT, but Laurie insisted that I should jot down notes instead. Para mas madali ko raw maalala ang mga lesson dahil sinusulat ko ito. And she's right. It works for me.

"Ma'am, totoong may quiz nga?"

"Mikaela! Pero totoo nga, Ma'am?"

Natigilan naman ako sa mga sinabi nila. Minsan nagtataka ako kung saan nila nakukuha ang mga balitang ganyan.

"Pag hindi kayo umayos, magkakaquiz nga, sige!"

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Ma'am at nakinig na nga sa kanya.

"Everyone, alam niyo bang unique ang bawat isa sa inyo?"

Um-oo naman kaming lahat.

"Mabuti. Kaya naman I encourage each and every one of you to stand up here in front and tell the whole class what's unique about you."

Nagreklamo ang lahat at natawa lang ako.

"Ma'am naman! I'm shy."

"Introvert po kami."

"Bilis na! Ang hindi makinig, ibabagsak ko." panakot ni Ma'am.

At doon na nga nagsimula ang presentation namin. May nagbibiro at may ilang seryoso. Nangingibabaw naman ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Ms. Linson, it's your turn."

Tumahimik ang lahat at tumigil ang pagtawa nila. Huminga ako ng malalim at pumunta sa unahan. Hinanda ko ang phone ko para ipakita sa mga klase ang isa sa mga paboritong litratong kinuha ko.

"Ma'am?" naggesture ako kay Ma'am na lumapit sa akin at sumunod naman siya.

"Ano 'yon, 'nak?"

Nagsuggest ako kung pwede bang ipakita ni Ma'am ang picture sa screen ng TV. Pumayag naman siya at sinend ko sa kanya ang picture.

"Okay. Wait lang." sinubukan niyang buksan ang gmail niya.

Napatingin ako sa mga kaklase ko at ang ilan sa kanila ay nagdadaldalan na. Nagbuntong-hininga ako at napatingin kay Ma'am noong magsalita siya.

"Sorry, Abrie pero ang hina kasi ng wifi ng school. Baka pwedeng sa phone mo nalang ipakita 'yung picture?" nag-aalala niyang sabi sa akin.

Ngumiti lang naman ako. "Ah sige po."

Umalis na siya at bumalik sa likuran. Umubo ako at tumahimik na ang lahat. Ngumiti ako sa kanila.

"Good afternoon, everyone. I'm Ashalie Brielle Linson and you all know me as Abrie. One thing I find unique about myself is how much I love photography." ipinakita ko na sa kanila ang picture ng paru-paro na nakita ko sa garden.

"Matagal na naming alam, Abrie."

"Huy!"

Unti-unting nawala ang ngiti ko habang pinapanood silang nagpipigil ng tawa. Pero hindi ko pinahalatang nadismaya ako at tinuloy lang ang presentation. Kahit may ibang nagdadaldalan, hindi ko pinansin dahil magiging distracted ako kapag pinansin ko pa sila.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang