Chapter 10: Just Spin Me Around

70 14 2
                                    

"Wow." napatingin kami nina Casper sa isa't isa at nagtawanan. Sabay-sabay pala naming nasabi iyon.

Nasa kotse kami at manghang-mangha sa view habang papataas kami. Kinuha ko naman ang camera ko at kumuha ng ilang shot. Pilit nakikisali rin si Casper kaya kinuhanan ko rin siya.

"Send mo sa 'kin ha." kinindatan niya ako.

Tumango ako at kumunot ang noo noong may mapansin sa picture.

"Teka." ipinakita ko sa kanya si Azarius na may epic shot sa gilid. Maasim ang mukha niya dahil kanina pa siya hilong-hilo. "Sesend ko pa rin sayo?"

Nilingon niya si Azarius na pinipilit ang sarili na matulog at lumingon ulit sa akin.

"Oo, hayaan mo na." ang bilis magdesisyon ha!

"Grabe ka. Sa mukha mo lang talaga ikaw may pakialam, ano?"

Tumingin lang naman ulit siya sa labas.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na may lugar palang ganito? Nakapag-aya sana ako dati."

Napailing ako. Parang walang narinig.

"Pucha! Ayoko na! Nasusuka na ako!" sigaw ni Azarius na ikinagulat namin.

"Oh my pakshet, sandali! Katabi kita!" natataranta at hindi alam ni Casper ang gagawin niya.

"Malapit na raw tayo! Daldalin mo si Azarius, Casper. Kapag nagfocus siya sa ibang bagay, hindi siya mahihilo." suggestion naman ni Laz.

Huminga ng malalim si Casper. "Okay! Bulaklak. Puno. Gulay. Prutas."

Pumikit ng mariin si Azarius. "Pataba. Lupa. Sibol."

At nanatili na ganoon ng ilang minuto. Tiningnan ko naman si Marcus na dismayadong umiiling. Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Magiging maayos naman siguro mamaya pagkarating doon.

"Nandito na tayo!"

Agad-agad lumabas si Azarius ng kotse at ginawa ang kanyang business na alam niyo na. Lumabas na rin kami at napanganga sa nakita.

This place is beautiful!

"Saan nanggagaling ang pera mo, Marcus?" pumunta ako sa may railing at tiningnan ang scenery. Kita nga 'yung city sa baba. At 'yung langit, asul na asul. Napapaligiran din kami ng mga puno.

"Wow." may naririnig din akong huni ng mga ibon. Ang sarap tumira dito.

"My parents are supportive. Someday, I'll repay them."

Lumingon ako kay Marcus at ngumiti rito.

"Abrie, kuhanan mo 'ko ng picture!"

Lalapit ko na sana si Casper pero biglang nawala ang kanyang ngiti noong may marinig kaming kakaiba.

"Kaninong tiyan 'yon?" naglakad palapit sa amin si Laz.

"Hehe. Mamaya nalang pala." hinimas ni Casper ang kanyang tiyan. Natawa naman kami dahil sa kanya.

"May café d'yan sa tabi." sabi naman ni Marcus.

"Yes!" napasuntok siya sa ere at nagmamadaling naglakad palabas. Agad niya ring inakbayan si Azarius na kakarating lang at wala sa sariling sumunod naman si Azarius dito.

Naglakad na rin pauna si Marcus habang tumabi naman sa akin si Laz. Sumunod na rin kami sa kanila.

"Bakit naman naisipan ni Marcus na magsayaw kayo? Sa tingin mo pinagseselos niya 'ko? Kasi dancer ako?" tanong niya sa akin. Napailing ako. Paano ba nagka-competition itong dalawa sa akin?

"Hindi ko alam na mahilig ka palang sumayaw, Laz." sabi ko nalang dito.

Nahihiya siyang natawa. "Hindi ko ipinapakita. Pero ngayon naging confident na ako." umangat ang kanyang labi.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Where stories live. Discover now