Chapter 12: Take Me Home, Chaos

70 13 4
                                    

Umayos ako ng upo sa sofa noong marinig na nagbukas ang pinto. Napatayo ako dahil si Marcus pala ito. Akala ko magulang ni Marcus. Nakakahiya naman.

"Hi Ash." nakangiti niyang binitbit si Ash sa kanyang bisig at hinaplos ang balahibo nito. Niyakap niya ito at pinikit ang mga mata. Nagbuntong-hininga siya.

Tumagilid naman ang ulo ko dahil mukhang pagod na pagod siya.

Noong minulat niya na ang mga mata ay bahagya siyang natigilan noong makita akong pinagmamasdan siya.

"Abrie." binaba niya si Ash at naglakad palapit sa akin.

"Ash ha. Si Marcus binati mo, ako hindi." biro ko para mabawasan ang pagod niya. Naging success naman kahit papaano dahil napangiti ko siya.

Ngumiti rin ako. "Nakabalik ka na." saan kaya sila pumunta ni Wilder?

Tumango siya. "Hindi ka pa uuwi?" tumingin siya sa orasan at 7pm na.

Nilagay ko ang mga kamay sa likod. "Hinintay kita." sumenyas akong umupo siya sa sofa at sumunod naman siya agad.

Napailing ako. Pagod nga siya. Umupo na rin ako.

"Salamat sa pag-aalaga sa kanya." ngumiti siya sa akin pero agad din itong tinanggal at kinuskos ang mga mata niyang mapungay.

Tinitigan ko siya. "Wala 'yon. Ang cute nga ng kapatid mo eh." should I take care of him too?

Sumandal siya at pumikit. "3 days left... until this is over." he told me, his voice almost a whisper.

Napakurap ako. "Talaga? Ang bilis naman." pilit naangat ang gilid ng labi ko kaya lumingon ako sa kabila. Narinig niya kaya ang saya sa boses ko? Sorry, excited lang.

Wala siyang sinabi kaya tumingin ulit ako. Nanatili lang siyang ganoon. Nakapikit. Lumapit ako sa mukha niya. Ang bagal ng paghinga niya. Pinindot ko ang pisngi niya. Natutulog na ba 'to?

Natataranta akong napaatras noong nagsalita siya bigla.

"Tara na. Iuuwi na kita." binuksan niya ang mga mata. Akmang tatayo siya kaya pinigilan ko siya. I want him to rest already, but I have to ask him.

"Wait! Can I ask you a question, Marcus?" kinakabahan akong ngumiti.

Tamad lang naman siyang sumandal ulit at pumikit. "Nagtatanong ka na, but go on."

Ang galing. Kahit pagod siya, may gana pa siyang mamilosopo.

Pinagdikit ko ang aking mga hintuturo, medyo guilty kasi gusto ko na talaga siya magpahinga. Hindi bagay sa kanya na may eye bags.

"May sinabi kasi sa akin si Chase."

Napahawak siya sa noo niya at dumaing. "Oh no. Anong sabi niya sayo?"

I soften my voice. "Ayaw mo ba raw sa kanya?"

Natigilan siya at tinanggal ang kamay sa noo. Umayos siya ng upo at hinintay akong magsalita. Kinuwento ko naman sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Chase. Habang nagkwekwento ako ay nababasa ko sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang mga sinasabi ko.

"But I don't hate him." mahina niyang sabi.

Tumango ako. Buti nalang. Kung hindi iyon ang sagot niya at sinurpresa niya ako ay baka magalit ako sa kanya. 

Dinilaan niya ang labi at mapait na natawa. "I just don't get how he could love this mess who suddenly showed up in his peaceful life? Masaya na silang dalawa ng Mommy niya."

Naisip ko rin 'yan, Marcus. Paano ako nagawang mahalin nina Laurie na sumulpot nalang ulit bigla sa buhay nila?

At ang simple lang ng sagot. Kasi Ate nila ako.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora