Chapter 4: Our First Moment Awaits!

120 18 2
                                    

Hindi natuloy ang kain sa labas dahil pagkatapos noon, nag-away ang lahat.

Ang mabait na ako at si Marcus na hindi nagpapatalo. Sawa na 'kong marinig ang boses niya. May volume button ba 'to?

"Slave ka ba talaga? Bakit hindi mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo?!"

"Sige na, sorry na. Utusan mo na ulit ako."

"Bakit bigla kang naging maamo?!"

"Bakit ayaw mong tumigil?"

"Ahh.. naiingayan ka?"

"Oo..."

"WALA AKONG PAKIALAM! EDI MABINGI KA! AN EAR FOR A NOSE!"

"Pigilan niyo 'ko, Azarius. Pigilan niyo 'ko!"

Sina Azarius at Casper...

"Ganyan ka ba talaga ka-slow? God, why am I friends with you?"

"Anong slow? Binibilisan ko naman maglakad ah?"

"Tamo! Slow ka!"

"Tahimik ka na nga. Nagugulo buhok ko sayo."

"Ugh."

At si Laz na sinusubukan akong kausapin...

"Sorry, Abrie! Nangako akong sasamahan kita lagi pero—"

"O-Okay lang. Luci, ano ba! Sorry, Laz. Saka ayoko rin namang kumain sa labas ngayon. Magastos. Tumigil ka na ngang demonyo ka!"

Buti nalang nakatakas ako roon noong dumating ang sundo ko. Sakit sa ulo ni Marcus.

"Ate, andyan ka na! May meryenda sa lamesa, gawa ni Yaya. Eat it now before it gets cold."

Tumango lang ako kay Laurie na nagbabasa ng libro ngayon sa may sofa at hindi pinansin ang binatong bola sa 'kin ni Kade.

"What the... bato ka ba?"

Umakyat lang ako sa kwarto para magpalit ng damit. Tulala kong binagsak ang bag sa kama.

Despite sa naging ending ngayong araw, I made a friend. Kaya naman...

Tumalon ako sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Sumigaw ako rito.

"Kinikilig ako!"

Nawala ang excitement na nararamdaman ko noong tumunog ang phone ko. Kinuha ko at tiningnan iyon. Napaupo ako noong makita na si Marcus ang nagchat. Tsk. Dapat pala hindi ko na in-accept ang friend request niya.

"After class, may pupuntahan tayo." bulong ko habang binabasa ang chat niya. Huh? Saan naman kaya?

Nagreply ako. 'What if ayaw ko?' Baka kung saan niya 'ko dalhin.

'Stupid. May choice ka ba?'

Hinanap ko ang cactus na emoji at sinend iyon sa kanya. Napangisi ako.

'Kunwari hindi ko nakita.'

Tch. Nagchat ulit ako.

'Saan ba tayo pupunta?'

Nagtype siya pero bigla rin siyang tumigil. Ayos ah.

'Saan nga?' bugnot kong reply.

Ayan nagreply na siya.

'Surprise. Ayoko sabihin.'

Napasimangot ako.

'Good or bad na surprise?'

'Basta.'

I sighed.

'You won't regret this. I promise.'

Pinatay ko na ang phone at lumabas sa kwarto. Bumaba na rin ako at sinamahan sina Laurie. May pagdududa pa rin akong nararamdaman. Ha. Sa kanya, magkakatiwala ako? As if.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Where stories live. Discover now