Chapter 7: What's Beneath the Crack

75 13 2
                                    

Hindi ko namalayan na umaga na pala. Halos hindi ako nakatulog kagabi kaya medyo masakit ang ulo ko ngayon.

Natandaan ko ang sinabi ni Dad.

I had to lessen the distance between us before it gets bigger.

Mabilis akong umalis ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Laurie. Kumatok ako sa pinto ng hindi nagdalawang-isip pa. Medyo nagulat naman ako dahil binuksan niya ito agad.

"Do you need my help now, Ate? Sobrang aga pa." ngumiti siya pero hindi ito abot hanggang mata.

Kumunot ang noo ko.

Tumingin siya sa gilid at nag-isip. "Well, I think it's better if both of you give each other some space first. Masyadong intense 'yung away niyo kanina. Much different sa aming dalawa ni Kade."

Umiling ako. "Wait, Laurie. Hindi ako pumunta rito para magpatulong. Gusto kong—"

"Mag-aaral pa 'ko, Ate. Baka pwedeng mamaya na?" nilagay niya ang kanyang buhok sa gilid.

"Huh? S-Sige."

Nginitian niya ako. Napapikit naman ako noong isara niya na ang pinto. Naestatwa ako sa pwesto ko. This is going to be harder than I thought.

Bumalik naman ako sa kwarto ko para umidlip ng saglit. Sinunod ko ang sinabi ni Laurie na bigyan muna ng space si Kade. Hindi ko rin naman alam kung paano siya haharapin.

Nagtataka pa rin ako kung paano niya nalaman na si Marcus 'yung kasama ko kahapon. Saan niya kaya nakuha 'yung impormasyon na 'yon? I also have to confront him about that.

Ilang minuto na ang nakalipas. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako makatulog! Bumaba nalang ako para kumain ng almusal.

"Ate, nasaan si Laurie?" tanong ko kay Ate Marie na nagsisimula nang magluto.

"Ah, nauna nang pumasok. May aasikasuhin daw eh." tugon niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Ganito kaaga? Kailangan kong bilisan! Tumakbo ako paakyat ng hagdan.

"Abrie, dahan-dahan!"

"Opo!" agad kong sinara ang pinto at sinimulan ng mag-ayos. Muntikan pa akong matumba dahil sa hilo at gutom pero hindi ko ito pinansin at naligo na lamang. No time to waste. Kailangan kong ayusin 'to at mas maging mabuting Ate nila.

"Alis na po ako!" inayos ko ang buhok at camera na nakasabit sa leeg ko.

"Abrie? Anong ginagawa mo?"

Binalewala ko lang si Dad at Kade na nakasunod sa kanya at umalis na roon. Nagpahatid ako sa driver namin papuntang school.

But it's no use. Laurie has been avoiding me ever since I got here. Parang alam niya ang bawat kilos ko kaya mabilis siyang nakakaiwas.

"Okay ka lang, Abrie?"

Umayos ako ng upo noong nasa tabi ko na pala si Laz. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nandito siya.

Nginitian ko siya. "Oo naman, Laz. Inaantok lang kasi nakulangan sa tulog." napahawak ako sa ulo. "Ay... hindi nga pala tayo nakapag-usap kahapon. Sorry." nahihiya akong ngumiti.

Umiling siya. "It's fine. Sabi ko na nga ba kasalanan 'to ng Marcus na 'yan. Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya?"

Lumambot naman ang puso ko dahil sa pag-aalala niya. Masaya ako dahil sa gitna ng chaos na 'to, may isang nagpapasaya.

"Hindi. Kung nandoon ka lang kahapon, matatawa ka sa kanya. At saka paano mo pala nalaman na kasama ko siya?" nagtataka kong tanong.

"Pinagmayabang." walang ganang sagot niya.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Where stories live. Discover now