Chapter 8: All's Well That Ends Well

73 13 1
                                    

Kinuwento ko sa kanya 'yung away namin ni Laurie. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa akin.

Pero hindi ko napansin na may isa na palang chismoso ang nakikinig sa gilid.

"Is that what's bothering you?"

Noong makita niya kaming nakatuon sa kanya ang atensyon ay natigilan siya.

"Sorry. Ang liit ng lugar. Naririnig ko kayo." at bumalik na siya sa pagkain ng sweet corn.

Umiwas lang kami ng tingin sa kanya at nag-usap ulit. Laz looked at me intently.

"Sa tingin ko matutulungan ka ni Casper."

Ngumiwi ako. 'Yung lalaking 'yon na walang ginawa kundi ipaglandakan ang kapogian niya? Na totoo naman! Nakakapagod lang minsan.

"Bakit si Casper?"

Pinagkrus niya ang mga hita. "'Yung pag-usap niya sa kapatid mo, hindi one time 'yon. Madalas ko sila nakikitang nag-uusap. But don't worry. Wala namang ginagawang masama sa kapatid mo. Though, hindi ko lang alam kung anong kinukwento ni Casper."

"What?" unti-unti akong tumingin sa gilid. Baka kung ano-anong tinuturo niya sa kapatid ko? Napailing ako. Hindi. Masyadong matalino si Laurie para mahawaan siya ni Casper.

"Okay. Sinasabi mo ba na i-persuade siya ni Casper na lapitan ako?"

Tumango siya. "Yeah. Hindi ako makapaniwalang masasabi ko 'to pero magaling siya mamilit ng tao. Charming." kinilabutan siya.

"Ano bang ginagawa niya?" para handa na ako.

Binuksan niya ang kanyang phone at ipinakita sa akin ang picture nila na nakain ng pizza.

"Nabudol ako." nagbuntong-hininga siya.

Suminghap ako. "Nagpizza kayo bago ka pumunta rito? Hindi niya talaga mapigilan ang tiyan niya ha?"

"Yeah. Sa tingin mo saan nanggaling 'yung ice cream?" nakasimangot niyang sabi.

"Tch. Casper." napailing ako. "Well, my sister is too smart. Tingnan nalang natin." nagkibit-balikat ako at tumango naman siya.

"Tatry ko ring kausapin pagkauwi ko. If she still won't talk to me, I'll chat Casper myself." I let out a short sharp sigh.

"Goodluck." umangat ang isang gilid ng kanyang labi.

Nagkaroon ng katahimikan.

Ang swerte at ang saya ko dahil naging kaibigan ko siya. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin noong nagpresent ako sa buong klase. Doon ko napagtanto na malakas siyang tao. Kapag may nahalata siyang mali ay reresolbahin niya agad. Kaya hinahangaan ko siya.

"Thank you, Laz." bigla nalang ito lumabas sa bibig ko.

Hindi niya naman inaasahan na sasabihin ko iyon kaya namula ang kanyang mga pisngi.

"Wala 'yon. What friends are for?" she shrugged.

I only chuckled. Hindi ko rin napigilang yakapin siya.

"Ang cute cute mo!" pinisil ko ang kanyang pisngi na ikinalaki ng mga mata niya.

"Marcus!"

"Shoo, Abrie, shoo!"

Sinamaan ko ng tingin si Marcus na may hawak na sandok at tinataboy ako. Ngumisi lang naman siya sa 'kin at naglagay ng sweet corn sa cup. Nilahad niya sa akin ang cup na may sweet corn at kinuha ko naman iyon habang pilit na tinatago ang ngiti.

"Laurie! Ate, nasaan si Laurie?" sabi ko kaagad pagkarating palang ng bahay.

"Naku, 'wag kang maingay, Abrie. Tulog na." suway nito sa akin.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin