Chapter 6: My Outer Shell

73 14 1
                                    

"Good evening, everyone!"

I caressed my arm because it's seems that I still couldn't calm myself down from what happened earlier. Ang sakit sa lalamunan pero sinubukan ko pa ring pigilan ang mga luha ko. Pinilit kong ngumiti habang pinapanood ang kambal tumakbo papunta sa 'tatay' ko. Talk about bad timing.

"Namiss niyo ba ako? May pasalubong ako!" niyakap niya sina Laurie at Kade at natawa habang nakapikit dahil muntikan na siyang matumba dahil sa dalawa. Huminga ako ng malalim at lumayo dahil hindi ko alam kung paano ako babati sa kanya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay makasama siya. Sure, close kami dati pero mas lumago ang distansya namin sa isa't isa.

Napatingin ako sa secretary niya sa likod na may hawak na mga shopping bag. Naggesture si Dad na umalis na ito at sinunod niya naman siya. Nilapag niya muna ang mga shopping bag bago umalis.

"How could you visit us without saying anything beforehand, Dad?! Tinanong ko before kung kailan ka dadating pero joke lang pala 'yon? Buti nalang may pasalubong ka pong dala!" bumitaw na si Laurie at ngumuso.

"Sayang, ngayon ka lang po nakapunta. Nakita mo sana akong nagshoot ng bola kanina." bumitaw din si Kade.

Ginulo lang naman ni Dad ang buhok nilang dalawa at parehas na inakbayan.

"Nasaan ang Ate niyo?"

Umatras ako at nagulat dahil nasa likod ko na pala si Ate Marie. Hinawakan niya ang mga balikat ko at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Okay ka lang?"

Tumango ako agad at natigilan dahil nakatingin na pala sa akin si Dad at sina Laurie.

"Abrie, halika! May pasalubong din ako sayo."

Unti-unti kong nilabas ang hangin na kanina ko pang pinipigilan at naglakad palapit sa kanila. Hinanap ni Dad ang pasalubong niya para sa akin. Habang hinahanap niya ito ay malamig at nakakakilabot ang tingin sa akin ni Kade at iniwas naman ni Laurie ang kanyang mga mata noong pagmasdan ko ito.

Hindi ko lang naman sila pinansin at niyakap si Dad. Tumigil siya sa paggalaw, hindi inaasahan ang ginawa ko.

I had to upgrade my acting skills! We're not alone.

"Welcome back, Dad!" pilit kong tinago ang dismaya sa boses ko at hinigpitan pa lalo ang yakap.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit, lungkot, gulat. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko mapigilan ang mga ito. Kaya kapag umaalis siya, doon lang gumagaan ang dibdib ko.

So why did he decide to come back when he could just rot back there in Paris?

"Abrie..."

Agad-agad akong bumitaw sa kanya dahil hindi ko namalayang masyado na palang napahigpit ang yakap ko. Humarap na siya sa akin at ipinakita ko naman ang ngiti kong usual na binibigay sa kanya. 'Yung labas ang ngipin pero hindi abot hanggang mata.

"Are those from your new collection?" tinuro ko ang mga dala niya.

Ngumiti rin siya pero alam kong peke ito. "Well, yes. Why don't you try them on in your room and come back here for dinner?"

Nakangiting tumango ako at kinuha na ang mga dala niya.

"Thank you, Dad. Lagi mo kaming dinadalhan ng pasalubong. You always show how much you care." I exaggeratedly said.

Tumawa siya sa ginawa ko. "Para sa inyo, mga anak."

Binigyan ko ulit siya ng isa pang pekeng ngiti at noong pagkatalikod ay inalis ko na ito. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto. I felt Laurie's and Kade's chilling aura when I walked past them.

Capture the Moment (Happiness Series #1)Where stories live. Discover now