Chapter 5: A Flash of Smile

103 16 2
                                    

"Sure ka ba safe sa pupuntahan natin?" bulong ko sa katabi kong si Marcus, pilit na tinatago ang excitement na nararamdaman.

Sumingkit ang mga mata niya sa akin at lumayo ng kaunti. Ngumiwi ako. Diring-diri?

"Oo. Do you think I would let myself get hurt?" mariin niyang tugon at ngumiti pa ng sarkastiko.

I mocked him by mouthing his words and just looked outside the window. Ang saya talaga nito kausap. Napatingin naman ako sa kanya noong pinaypayan niya ang sarili niya at tinapat ng mabuti ang AC. Medyo basa pa ang kanyang buhok ng pawis kaya nilahad ko sa kanya ang panyo ko. Kaawa naman nito. Baka magkasakit pa.

Pero tumingin lang naman siya roon at tumingin ulit sa akin na para bang sinasabi niyang seryoso ba ako sa ginagawa ko. Nagbuntong-hininga lang naman ako at binato sa mukha niya ang panyo.

"Hindi ko pa naman nagagamit 'yan. At slave mo 'ko diba? Tama lang na pagsilbihan kita." nagbow pa ako ng kaunti, kunwari ginagalang siya.

Napatingin naman ako sa front mirror noong tumingin doon ang driver. Sa tingin niya ata nababaliw na ako habang sinasabi 'yon. Haha, 'wag kayong mag-alala, Manong. After all of this, ako naman ang magdidiwang.

Ngumiti lang ako sa kanya at ibinalik ulit ang atensyon kay Marcus.

"'Kay." sabi lang naman ni Marcus at umiwas ng tingin. Pinunasan niya na rin ang kanyang sarili. Finally! Sumandal pa lalo si Marcus sa kanyang upuan. Natigilan siya sa pagpunas.

"I can smell your scent." sumilip siya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Syempre, panyo ko 'yun.

"So?"

Mabilis niyang iniwas ulit ang tingin. "Wala! Ang sakit sa ilong."

Tch. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na 'Paano mo nasabi eh sira 'yang ilong mo?' pero baka sumabog na naman siya at ang ganda ng pinapatugtog ni Manong sa radyo. I don't wanna ruin the vibe.

Nagkaroon ng katahimikan. Naisipan ko namang magscroll nalang sa social media at tumingin ng ilang photos. So prettyyy...

Ilang minuto ay tumigil na rin ang sasakyan. Dumating kami sa isang malaki na bahay at mabilis kong tiningnan si Marcus.

"Kaninong bahay 'to? Sa inyo ba? Anong gagawin natin dito?!"

Ang excitement ko ay napaltan ng kaba. Linampasan niya lang naman ako at nauna nang pumasok sa loob na parang siya ang may-ari nito. Siya nga ba? Hmm... Nataranta naman ako noong naiwan ako dito at tumakbo papunta kay Marcus.

Nakapameywang siyang kumatok sa pinto na parang naiinip at ngumiwi lang naman ako sa kanya. Boss na boss ang galawan.

Bumukas na rin ang pinto.

"Good afternoon, Marcus."

Napadilat naman ako lalo. Siya 'yung lalaking nag-abot ng papel ko kanina kay Marcus at sa hindi malamang dahilan, mukhang may galit sa akin!

Parang nagulat din naman siya noong makita ako at binaling agad ang tingin kay Marcus.

"What is she doing here?" nagtwitch pa ang mata niya.

Medyo kinabahan naman ako dahil sa ekspresyon niya. Ayaw niya atang nandito ako! Same rin naman pero wala akong choice, you know?

Naglakad naman si Marcus palayo sa amin. "Good afternoon to you too, Wilder. Siya 'yung slave na sinasabi ko sayo. Nasaan sila? Tapusin na natin 'to agad."

Sandali... Wilder? Tumingin ako sa lalaking nasa unahan ko na malamig lang ang tingin sa akin. Siya si Wilder? 'Yung ginagawa raw basahan ni Marcus? What?

Capture the Moment (Happiness Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon