03. Granevere | Triggered (Tagalog)✅

530 14 3
                                    

Note: This story is written in Tagalog or Filipino language. If you don't understand Filipino, better skip this one and proceed to the next chapter. Ayoko lang masayang dahil ilang words din 'to.

🄶🅁🄰🄽🄴🅅🄴🅁🄴
Triggered


"Guin, bili ka nga ng tinapay! Dadating mga tropa ko ngayon!"

Sigaw ni Lancelot, ang damuho at walanghiya kong kuya na kung makautos akala mo boss pero ayaw namang mautusan-- kapag inuutusan ay parang bulang nawawala.

Ibinagsak ko ang cellphone ko atsaka umirap, "Wala ka bang puso? Hapon na! Dumidilim na! Babae ako, tapos uutusan mo akong bumili?"

Huminto siya sa harap ko atsaka sinipa ang paa ko, "Ayusin mo nga yang upo mo, para kang 'di babae."

Napairap ako atsaka sumalampak sa sofa pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalaro. Ilang segundo pa'y nakaramdam ako ng mabigat na bagay, pagkatapos ay marahas na dumapo sa akin ang isang hampas ng unan. Maingay akong umiwas at tumalon paalis sa sofa.

"Ano ba!?" Sigaw ko kay Lancelot na hinahampas ako ng unan.

Umamba siya ng hampas at umilag ako, "Napakatamad mo!" Sigaw niya.

"Wow! Tamad! Big word! Hiyang-hiya naman sa'yong utos namin sunod namin! Nakakahiya, kuya!" Singhal ko.

Nahinto kami sa sigawan nang tumunog ang doorbell, ngumisi si Lancelot at bumagsak ang balikat ko. Matalim itong tumingin sa akin, ngunit nakakurba ang labi na animo'y nang-aasar.

"Nandito na sila," aniya at ibinaba ang unan, "bili ka na tinapay, labyu." Saad nito pagkatapos ay tumakbo na upang salubungin ang kanyang barkada.

Maluha-luha naman akong lumingon sa kusina, "Mama! Abusado na si Lancelot!"

Humalakhak si Mama, "May group study daw sila, huwag kang mag-alala babantayan ko."

Mas lalong nagusot ang mukha ko atsaka tiningnan ng masama sina Lancelot at ang tropa niyang may hawak na mga instrumento.

Napairap akong lalo, "Group study? Eh 'Ma, bitbit niya banda niya! Magrarakrakan dito mamaya, wala silang awa at hiya! Kahit na nakakabulabog na hindi parin sila humihinto!"

Hindi na ako nakatanggap ng sagot, at wala na rin akong nagawa kundi ang kumuha ng pera upang bumili. Akma na sana akong lalabas sa pinto nang makita ang grupong paparating, naghuramentado ang puso ko at mabilis akong napatakbo sa kusina upang doon lumabas nang makita ang kanilang gitarista na magaling rin sa violin.

"Gosh!" Bulong ko sa hangin at niyakap ang sarili dahil sa malamig na hangin.

Malamig ang gabi at mabibigat rin ang aking mga hakbang pauwi ng bahay. Dala dala ko ang dalawang supot ng tinapay habang patuloy na lumilinga-linga sa likod. Pakiramdam ko kasi'y kanina pa may sumusunod sa akin. Ang dilim pa naman ng gabi, panigurado iitakin ko kuya kong panay utos sa akin pagkarating ko ng bahay.

Malapit na ako sa bahay ng may motor na nagpa-epal sa aking likod patungo sa aking harapan upang harangan ako. Pinigilan ko ang aking sariling sumigaw, ngunit talagang natatakot ako dahil sobrang dilim at hindi ko pa s'ya makita dahil sa ilaw ng kanyang motor.

"Pag ako na-holdap ngayon inamo ka kuya babarilin kita sa bungo." mangiyak-ngiyak kong bulong.

Mas lalo pa akong naghuramentado nang makarinig ng kaluskos at tunog ng sasakyan, "Hayop ka talaga Lancelot, hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa'kin na masama dito, inamo ka."

Tuluyan na akong kinabahan nang marahas na lumapit sa akin ang nakamotor, hindi ko parin kita ang mukha niya dahil sa suot niyang helmet.

Shit! Shit! Shit!

Our Father, who are in heaven...

"Wag kang kikilos ng masama!" sigaw niya.

Ganoon na lamang ako naestatwa sa aking pagkakatayo, mahigpit kong hinawakan ang bitbit kong tinapay. Inihahanda iyon upang isungalngal sa kaniya oras na may gawin siyang hindi ko magustuhan.

Lord, tulong.

Bigla akong natuod at napalunok, "Bakit? Pag kumilos ba 'ko ng mabuti tanggal na 'ko sa mundo?" garalgal kong saad.

"Wag kang pilosopo!" sigaw niya, "Akin na mga dala mo!"

Agad ko namang ibinigay ang dalawang supot ng tinapay na dala ko. Di bale nang mawalan ng tinapay 'wag lang mamatay!

"Akin na!"

Naguluhan ako, "Hayop 'to, ano pa bang kulang?" madrama kong tugon.

"Akin na sabi!"

"Ang alin?" tuluyan na akong naiyak.

"Ang puso mo."

Natigilan ako ng tumawa siya, at ganoon na lamang naghalo ang pakiramdam ko nang tuluyan siyang makilala. Tinanggal niya ang suot niyang helmet, pagkatapos ay ngumisi sa akin, "Tanga. Pinapasundo ka sa'kin ng kuya mo, ang tagal mo daw kasi. Sakay na!"

Nagpuyos ako sa galit. "INAKA!"

Siya pala iyong tropa ng kuya ko, iyong gitarista na magaling mag violin, si Granger, ang crush ko. GUSTO KO SIYANG HAMPASIN NG DOS POR DOS, GILITAN SA LEEG, PUTUKAN ANG BUNGO, AT I-SALVAGE DAHIL LINTEK NAGHAHARUMENTADO UTAK KO SA KABA AT INIS!

Muntik na akong atakihin sa puso.

Napapitlag ako nang pitikin niya ang noo ko, "Sakay na!"

Isa lang ang masasabi ko, "INAKA BAHALA KA JAN! HINDI NA KITA CRUSH!"

Iyon lamang ang isinigaw ko bago tuluyang tumakbo papuntang bahay ng hindi siya pinapansin.

# Triggered.

--
THE END: ONE-SHOT

GUINEVERE MLBB ONE-SHOTSWhere stories live. Discover now