Chapter 60: Text/Reply

1.8M 41.6K 11.8K
                                    

Zoe's Point of View


"Ang tagal. Zoe, ang bagal mo. Huwag ka na kumuhang damit dyan. May damit ka naman sa inyo. Dalhin mo lang 'yung importante. Ilagay mo na sa bag mo."

Ayan na naman si Boss Yannie. Pinapagalitan na naman ako. Always and forever na lang ba? Kaloka. Pero sa bagay, may point siya. Huwag na nga ako magdalang damit. Marami naman sa amin. 'Yung mga importante na lang ang dadalhin ko. Pero wait, importante raw ba?

"Hindi ko naman pwedeng dalhin lahat ng importante," sagot ko sa kanya habang nakatalikod pa rin at binabalik ang mga nakuha ko ng damit.

"Bakit naman?"

"Hindi kasi pwede," sagot ko at bumulong para hindi niya marinig. "Hindi kasi siya kasya sa bag."

"Siya?!" tawa niya. "Nako, Zoe. Gets kita."

Bigla akong napaharap kay Yannie na nakasandal sa pinto ko at tawa pa nang tawa. "Bahala ka nga dyan." Tumayo ako at lumabas na ng kwarto. Iniwan ko na lang si Yannie doon na mag-isang tumatawa. Bahala siyang magmukhang baliw du'n.

Pagbaba ko, dumiretsyo na ako sa labas para ilagay 'yung kakaunting gamit na kinuha.

"Hoy, Zoe! Walk out lang talaga? Ito naman highblood agad. Parang narinig ko lang naman 'yung sinabi mo ganyan ka na? " Sinamaan ko na ng tingin 'yung bruhang 'to. Hindi maubusan ng tawa sa katawan.

"Ang saya mo, ano?" sarkastikong sabi ko sa kanya sabay cross ng arms.

"Problema niyong dalawa?" tanong ni Ayu na naglalagay ng gamit niya sa likod ng sasakyan.

"Paano kasi tong si Zoe – "

"Ma!" Napalingon kaming tatlo sa sumigaw na si Xander na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Bigla namang kumaway si Yannie sa kanya at hinug siya nang makalapit na. Kasunod naman ni Xander si Ice at Ken na kumaway rin sa amin.

"Bakit kayo naligaw?" tanong ni Ayu kay Ken na nakalapit na sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang namin kayo makita bago man lang kayo umalis."

"Para naman kaming mangingibang bansa niyan. Parang saglit lang kami mawawala," biro ni Ayu.

"Saan si Josh?" tanong naman ni Yannie.

"Malay ko du'n. Baka pasunod? Ewan," kibit balikat na sagot ni Ken.

"Huy, Ice, bakit ang layo mo? Tara kaya dito?" sigaw naman ni Xander kay Ice.

Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya. Nakasandal kami sa gilid ng sasakyan nang mapansin kong nasa harap namin 'yung apat at nakatitig sa amin.

"Problema niyo?" tanong ni Ice.

"Parang may mali sa inyo? Anong nangyari – "

"Wala!" sabay na sigaw namin ni Ice.

Nagtaasan naman ang mga kilay nila. Pero kasi ayoko namang ipaalala nila 'yung kiss ko kagabi kay Ice. Nakakahiya kaya. Narealize ko lang nang makapasok ako kagabi sa bahay na ang forward ko masyado.

"Sabi na may nangyari." Napatingin kaming lahat kay Josh na bagong dating lang pero mukhang mapapaalis ko na agad.

"Ano?"

Nagkibit balikat si Josh at ngumisi. "Ewan ko. Basta ang alam ko lang inabutan kong tulala si Ice dito kagabi na akala mo nakakita ng multo."

"Baka nga nakakita siyang multo? Hala." Medyo takot na sabi ni Ayu.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon