Chapter 10: Let the games begin!

2.2M 58K 7.8K
                                    

Zoe's Point of View


"Lahat kayo! Makinig kayo sa akin!" utos niya at para namang de baterya ang lahat na nagsitinginan nga sa kanya. "Starting from this day, hindi na ako papaya na magpaapi sa inyong mga walang kwentang magpamataas na lalaki! Huwag nito nang balakin ang apihin ako at ang sino mang babae sa ekswelahan na 'to. Pantay pantay lang tayo ng binabayad na tuition fee kaya wala kayong karapatan maghari-harian! Kung gusto niyo na kayong mga lalaki lang ang nasusunod, huwag na kayong mag-aral dito. Magtransfer na lang kayo sa school for boys! Kaya simula ngayon, tatandaan niyo, na ang mga lalaki at babae na nag-aaral sa Kingdom High ay magiging pantay pantay!"

"Talaga lang ha?" sulpot ng isang chakang lalaki. "Pantay? Ha! Asa ka naman. Babae lang kayo. At sino ka ba para magsalita ng ganyan? Bago ka lang dito kaya ayusin mo lang 'yang asta mo."

Lahat ng tao sa canteen ay nakatingin lang sa akin, sa amin. Maski 'yung tatlong kaibigan ko at 'yung apat na pinuno ng kaaway namin. Mukhang lahat nakikinig sa kung ano nga ba ang isasagot ko sa lalaking umeextra.

Napangisi ako at nagpamewang. Yumuko ako ng kaunti para tingnan ang lalaking nasa ibaba ng lamesa na tinutungtungan ko. "I'm Zoe. Zoe Davis of 4A. And mister na epal, I'm serious about my words."

"Really? Matatakot na ba ako?"

"Depende sa 'yo. Pero hindi kita tinatakot."

Magsasalita pa sana 'yung lalaki pero di niya natuloy kung ano man ang sasabihin niya kasi pinigilan siya ni Ice.

Naglakad si Ice papunta sa table na pinakamalapit sa amin. Kinuha niya yung baso na nandoon. Mula dito sa pwesto ko, kita kong orange juice ang laman nu'n. Anong binabalak nito?

"Zoe, sigurado ka bang kaya mo kami? Kaya niyo kami? Siguradong mas malakas kami kung ikukumpara sa inyong mga babae. Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Ice nang hindi ako tinitingnan ng diretsyo. Nakatingin pa rin siya hawak niyang baso na ngayon ay medyo shineshake niya.

"Hindi ako natatakot sa inyo. Hindi ako takot sa'yo." Confident kong sagot.

"Talaga?" ngisi niya. "Anong gagawin mo kapag may ginawa na naman kaming hindi maganda sa mga girls?" Talaga bang hindi siya tumitingin sa kausap niya? Nakatingin pa rin siya sa baso. "Anong gagawin mo kapag ginawa ko 'to?"

Ay napakawalanghiya!

Bago pa man ako makapagreact sa sinabi niya ay bigla na niyang binuhos ang juice na hawak niya sa pinakamalapit na babae sa kinatatayuan niya.

Nagtawanan at nagkantyawan ang mga boys habang napatakip naman ng bibig ang ibang girls.

Walang nagawa ang babaeng tinapunan ni Ice ng juice. Mangiyak-ngiyak na siya. Ikaw ba naman ang tapunan ng juice sa harap ng maraming tao. Sobrang kawawa naman. Masyadong mabilis ang pangyayari.

"May magagawa ka ba, Zoe? May nagawa ka ba? Wala naman 'di ba? Kaya huwag kang puro satsat lang. Pero sabagay, hindi kita masisisi. D'yan naman kayo magaling 'di ba? Ang mag-ingay."

Nang sabihin niya 'yun ay bigla niya akong tinalikuran at naglakad pabalik sa tatlo niyang kaibigan. Nakipag-apir agad ang mga bwisit sa kanya at nagtawanan. Sila SAb, Ayu at Yannie naman at lumapit sa akin pero bago pa sila magsalita ay sumigaw na ako.

"Ivan Charles Ethan Scott!"

Nilingon ako ni Ice at tulad kanina ay natahimik ang buong canteen.

Bumaba ako sa lamesa at inabutan ng panyo ang babaeng nabiktiam ng napakawalanghiyang Ice na 'yan.

Lumapit ako kay Ice at taas noo siyang inutusan, "Magsorry ka."

"Nagpapatawa ka ba?"

"Tinapunan mo siya kaya magsorry ka." Diretsyo kong tingin sa mga mata niya.

"Magtigil ka nga, Zoe! Ano ngayon kung tinapunan ni Ice 'yung babae? Tinapunan din naman ako ng palabok ni Sabrina pero hindi rin siya nagsorry ha," singit ni Josh sa usapan.

Tiningnan ko siya nang masama kaya napaatras siya nang kaunti. "Hindi ikaw ang kausap ko kaya 'wag kang sumabat dito." Pagkatapos ay humarap ulit ako kay Ice, "Magsorry ka."

"Paano kapag hindi ko ginawa?"

"Just say sorry."

"Ayoko."


Tinalikuran na naman niya ako at naglakad na palabas. Hindi naman nakasunod ang tatlo sa kanya. Parang kaming dalawa lang ang tao sa canteen. Bawat estudyanye halatang hinihintay ang bawat kilos na ginagawa namin at bawat salitang binibitawan namin sa isa't isa.

Bago pa siya tuluyang makalayo ay kinuha ko ang juice na hawak ng isang babaeng nanunuod saka ko hinabol si Ice. Hinawakan ko siya sa balikat at pagharap na pagharap niya ay binuhos ko ang juice na hawak ko sa ulo niya at ibinato ang plastic cup sa mukha niya.

"Ano ba?!" sigaw niya sa akin pero sa halip na sagutin siya ay tumalikod lang ako at naglakad papunta sa mga kaibigan ko.

Ah. Teka. Huminto ako sa paglakad at lumapit sa kanya. "May nakalimutan pala ako." Pagkasabi ko nu'n ay sinampal ko siya at tinuhod ko sikmura niya. Napahawak naman siya sa tiyan nya at napaupo sa sahig. "Weak, huh?"

Pagtalikod ko ay may dalawang lalaki ang lumapit sa akin at akmang susuntukin ako pero nahawakan ko ang kamao ng isa at sinipa ko ang tiyan ng isa pa. Sinuntok ko sa panga 'yung lalaking nahawakan ko ang kamao.

Ayun, tatlong lalaki ngayon ang nakasalampak sa sahig. May mga nagsuguran pa at lahat din sila ay napabagsak ko.

Okay. 7 lalaki na ang nasa sahig. Kaya lang ay may mga naglapitan pang iba. Sht. Ang dami na. Napapabagsak ko sila pero masyadong marami kaya napapagod na rin ako. Buti na lang tapos na. Nangawit ako doon ha.

Pahakbang na sana ulit ako pero pinalibutan ako ni Xander, Ken at Josh. Ano ba 'yan! Nangangawit na ako. Hay. Pero no choice. Laban pa.

Lalaban na sana ako pero bago pa ko makagalaw ay tumalsik na ang tatlo. Paglingon ko, sila Yannie, Sab at Ayu pala ang tumulong sakin.

"Not bad for someone who hasn't fight again for almsot six months," sabi sa akin ni Yannie na tinawanan ko lang. True. Not bad.

Nang lingunin ko ang ibang mga students ay halos matawa ako sa mga reaksyon nila. Puro nanglalaki ang mata at may iba na nakanganga pa.

"Who else?!" sigaw ko. Sana wala na kasi pagod na ako.

Napaatras ang ibang boys na mga nakatayo pa kaya napangisi ako.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina! Don't mess with us."

Ilang sandali lang na naging tahimik dahil maya maya ay nagsigawan na ang mga girls.

There. Finally. Sa five days na pagpasok ko sa Kingdom High ay narinig ko rin na nag-ingay ang mga babae. So this is it. Let the games begin!

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon