Chapter 31: Weird

2.3M 50.3K 14.6K
                                    

Ken's Point of View


"Guys, una na muna kami ni Ayu," paalam ko sa mga kaibigan kong kinakantsyawan si Zoe dahil sa naging sagot niya tungkol kay Ice.

Napatingin naman sa akin si Ayu na nakasalubong pa ang dalawang kilay. Natuwa ako sa reaksyon niyang 'yun kaya pinadaan ko 'yung kamay ko sa mukha niya. 'Yung palad ko ay inilagay ko sa noo niya pababa sa may ilong niya. Parang hinilamos.

Tinabig niya ang kamay ko at pinalo ako. "Aray naman!" reklamo ko sa kanya.

"Kasi naman nilalamutak mo ang mukha ko."

"Cute mo kasi, e," biro ko.

"Ewan ko sa 'yo!" Pagkasabi niya nu'n ay pinisil ko naman ang pisngi niya dahilan para mapasabi siya.

Natigil lang ako sa panggigigil kay Ayu nang umubo si Sab. "Tapos na maglambingan?" tanong pa niya.

Nagkatinginan naman kami ni Ayu dahil sa sinabi ni Sab. Pero nang magtama ang mga mata namin ay agad rin kaming nag-iwas ng tingin. Huh. Bakit nga ba? Weird.

"Inggit ka lang!" banat ni Josh kay Sab. Lumapit pa siya dito at umakbay. "Huwag kang mainggit, Sab. Para saan pa at nandito ako?"

Hindi ko alam kung ang pamumula ni Sab ay dahil sa nagblush siya o dahil sa umakyat ang dugo sa mukha niya dahil sa inis. Ito naman kasing si Josh lagi na lang pinapainit ang ulo ni Sab.

Nang medyo nakarecover si Sab ay siniko niya ang tagiliran ni Josh at tinanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya. "Asa ka pa! Unang una, hindi ako naiinggit. Pangalawa, kung mainggit man ako, wala kang pakialam du'n. At pangatlo, ano naman kung nandyan ka? Hindi kita type!"

"Choosy ka pa. Pasalamat ka nga naaawa pa ako sa'yo at pagtyatyagaan pa kita dyan. Huwag kang mag-alala, hindi rin naman kita type!"

"Weh? Hindi nga? Baka mamaya crush mo pala talaga ako hindi mo lang maamin kaya dinadaan mo sa pangbwibwisit para mapansin kita."

"Wow! Wow talaga! Hanep 'yang confidence mo. Huwag kang assuming, Sabrina! Para sa kaalaman mo, ang mga type kong babae, 'yung mga kasing ganda ni Yannie, kasing sexy ni Zoe at kasing talino at lambing ni Ayu. Pagpapantasyahan ko na 'yung tatlo kaysa sa 'yo. Asa ka pa!"

Binatukan ni Xander si Josh at kusa rin gumalaw ang kamay ko at ginaya siya. Maski si Ice ay ganoon din ang ginawa.

"Aray! Ano bang problema niyo?!" sigaw niya sa amin.

"Siraulo ka! Pinagpapantasyahan mo si Yannie?! Subukan mo lang.... Akin lang si Yannie, pare," banta ni Xander at inakbayan ang namumula niyang girlfriend.

"Sorry naman. Chill lang, dude. Ito naman hindi na mabiro," sabi pa ni Josh kay Xander at pagkatapos ay humarap siya sa amin. "Kayong dalawa! Ano namang problema niyo at nambabatok kayo?!"

"Bumatok sila. Gumaya lang ako," chill na sagot ni Ice. Ayos din makagawa ng alibi 'to. Hoo!

Tiningnan ulit ako ni Josh na parang naghihintay ng sagot. Takte! Bakit nga ba ako nakibatok? Kusa lang naman gumalaw ang kamay ko.

"Tama lang na mabatukan ka! Ambisyoso ka kasi. Taas pa ng standards mo akala mo naman kagwapuhan ka." Whew! Saved by Sab.

"Nagsalita ang napakaganda."

"Maganda talaga ako. Magandang maganda. Kalevel ko ng ganda si Yannie at kasing sexy ko si Zoe. Ang wala lang ako ay ang talino at lambing ni Ayu."

"Teka, teka. Bakit kinukumpara mo ang sarili mo sa mga katangian ng type kong babae?"

"Sinong nagsabing kinukumpara ko sarili ko? Ha! In your dreams, Josh!"

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon