Chapter 63: Alex and Eunice

1.7M 38.9K 5.2K
                                    

Zoe's Point of View


"Hey, Zoe. Tara. Libot libot muna tayo?"

"Sige na, Yannie. Kayo na lang muna. Dito na lang muna ako."

"Ano ka ba, Zoe? Isang buong araw ka ba magkukulong sa kwarto? Look, hindi ka lumabas para kumain. We brought your meals sa loob pa ng kwarto. Try mo kayang magpaaraw man lang. Dali na. Sama ka na sa amin." Nang mapansin ni Yannie na nag-aalangan ako ay tinapik niya at nginitian. "Huwag kang mag-alala. Walang boys."

Napabuntong hininga ako at tumayo na para magpalit ng damit.

"Good," dinig kong sabi pa ni Yannie.

Pagpalit ko ng damit ay nag-aalangan pa kong lumabas ng kwarto. Mahirap na. Baka makita ko pa siya. Baka lalo lang madagdagan 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Zoe... walang mangyayari kung tataguan mo lang siya. Dapat nga ngayon mo ipakita sa kanya na ayos ka lang. The best revenge is to be happy. Kahit wala siya."

Nginitian ko si Yannie at dahan dahang lumabas ng kwarto. Good thing walang tao sa second floor bukod sa amin. Pero nang pagbaba namin, inabutan namin 'yung apat na lalaki sa may sala at nag-uusap-usap.

Naramdaman o narinig ata nila ang pagbaba namin kaya napatingin sila sa direksyon namin. Sandaling nagtama ang mata namin ni Ice pero iniwas ko rin ang tingin ko. 'Yung mga mata niya parang iba ang dating sa akin. Parang may kakaibang pakiramdam na... hindi ko alam.

Pero shit lang. Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko ngayon. 'Yung tibok ng puso ko parang huminto. Pero at the same time, parang bumilis. Posible ba 'yun? Ewan ko. Wala na akong maintindihan.

Binilisan ko ang lakad ko para makaalis sa lugar na 'yun. Nakakasuffocate.

"Ma!" dinig ko pang sigaw ni Xander.

Ineexpect kong hihinto si Yannie at haharapin siya pero hindi niya 'yun ginawa. Nagtuloytuloy lang din siya kagaya ko.

May problema ba sila? Bakit hindi niya pinansin?

Nang hindi ako makatiis ay nilapitan ko siya at bumulong, "Is there a problem between you and Xander?"

"Tss. Alam mo na. 'Yung sa ano..."

Ah. Alam ko na. Siguro 'yung sa pustahan. Pustahan. Pustahan. Pustahan. Ayan na naman. Para na namang kinurot ang puso ko kapag naaalala ko 'yung pustahan na 'yan.

"This is between me and Ice, Yannie. Don't worry.


***

"Uy, ayan na naman ;yung kamukha ni Ice," turo ni Sab sa lalaking nakatalikod.

Pinalo naman ni Ayu ang kamay niya. "That's rude, Sab. At saka, ano ka ba?!" Pinanlakihan niya ng mata si Sab at ngumuso sa direksyon ko. Napangiti at napailing na lang ako sa ginawa ni Ayu. Sana kung gagawin niya 'yun 'yung hindi ko nakikita 'di ba? Fail.

Napayuko ako sandali at nang inangat ko na ulit ang ulo ko ay nakita ko ang tatlo na nakatitig sa akin na parang nag-aalala. Pero nang tumingin ako sa kanila ay nag-iwas sila ng tingin.

Tumingin sa kaliwa si Yannie, sa kanan si Ayu at tumingala naman si Sab.

"Hindi naman siya 'yun kaya ayos lang. Ano ba kayo," natatawa kong sabi sa kanila.

"Are you sure?"

Tumango ako at ngumiti.

Pero parang wala silang narinig at nakatingin pa rin sila sa akin. Napailing na lang ako at naglakad para pumunta sa isang resto. Masakit na nga ang puso ko kaya hindi ko hahayaan na sumakit pa ang tiyan ko dahil sa gutom. Tama ng isa lang sa kanila ang masakit.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon