Chapter 33: Lover's Quarrel

2.1M 50.9K 10.4K
                                    

Sab's Point of View


Uh-oh. I smell 'away'.

Ilang minuto na kaming nakatayo ni Yannie habang pimagmamasadan si Xander na nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa isang babae. Babae kaya nya 'to? Akala ko pa naman hindi na playboy si Xander. Mukhang mali ako.

Bigla na lang naglakad si Yannie pabalik at papasok sa hall kung saan ginanap yung quiz bee. "Yannie!" sigaw ko sa kanya kasi as usual... iniwan na naman ako!

Dinaanan lang din niya si Xander at hindi ako pinansin. Mukha namang nagulat si Xander nu'n kasi hindi niya alam na nakikita siya ni Yannie. Tinawag ni Xander si Yannie pero hindi naman siya pinansin nitong isa.

Lumapit sa akin si Xander kasama 'yung babaeng kausap niya kanina pero bago pa siya magsalita ay sinamaan ko na siya ng tingin at dinuro. "Ikaw! Ikaw na lalaki ka! Diretsyuhin mo nga ako. Babae mo ba 'yan?" turo ko sa kasama niyang babae na parang napagexperimentuhan 'yung mukha ng isang frustrated painter.

Mukha namang nagulat ang dalawang taksil sa ginawa ko.

Magsasalita na sana siya pero itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.

"How dare you! Are you cheating on Yannie?! Kaya ba kayo LQ kanina?! Grabe naman, Xander. Kung 'yung mga nagbrebreak nga may sinusunod na 3-month rule bago humanap ng bago tapos ikaw, nagLQ lang kayo may bago ka na agad?"

"Ano bang – "

"Teka! Baka naman si Yannie ang ginawa mong kabit sa inyo? Pinaglaruan mo ba si Yannie? Niligawan mo ba siya kahit na may girlfriend ka na pala?!"

"Sab – "

"Grabe ka talaga! Middle name mo na ba ang manloko? Mauubusan ka ba ng babae kaya dapat dalawa silang pinagsasabay mo? Masaya ka na ba, Xander?!"

"Pakinggan mo muna – "

"Malabo na ata 'yang mata mo, e! Mas pipiliin mo ang babaeng 'yan kaysa kay Yannie? Di hamak naman na mas maganda, mas sexy, mas charming si Yannie sa kanya. At alam ko, kasi halata naman, na mas matalino, mayaman at mabait si Yannie kaysa sa babaeng 'yan! Tingnan mo nga 'yang babae mo! Tingnan mo lang mabuti... napaka... napaka... ay basta! No comment!"

"Sabrina!"

"Bakit, Xander? Bakit mo ako sinisigawan? Ayaw mo bang nilalait ko ang girlfriend mo? Nasasaktan ka ba para – "

"Sabrina Fortalejo, tumahimik ka muna pwede ba?!"

Dahil sa gulat at medyo takot na naramdaman ko sa pagsigaw niya ay tumahimik na nga ako. Seryosong seryoso na kasi siya. Para na siyang si Yannie. Nakakatakot.

"Kanina mo pa ako hindi pinapatapos sa sasabihin ko. Pwede bang makinig ka muna?!" Tinikom ko ang bibig ko at tumango.

Magsasalita na sana siya kaya lang biglang umepal 'yung babae. "Xander, mauna na ako. At saka next time kung sakaling makikita ulit kita, huwag ka sanang magalit o magtampo kung hindi na kita kausapin o pansinin. Sangdamakmak na lait ang inabot ko ngayong araw. Nakakatrauma na," sabi ng babae sabay takbo paalis.

"Nakita mo ba 'yung ginawa mo?" Napayuko ako at tumango. "Nilait mo siya e hindi ko naman babae 'yun. Kaibigan ko 'yun. Girlfriend siya ng pinsan ko." Girlfriend ng pinsan?! Ay jusko. Patawarin sana ako ni girl sa panglalait ko sa kanya. Dala lang ng bugso ng damdadamin. "Isa pa, Sab, wala akong babae. At saka bakit ka nga pala ganyan magreact? Parang hindi mo alam na di totoo 'tong relasyon namin?"

Nanglaki ang mata ko at napatingin ulit sa kanya. "A-alam mong alam namin?"

Tumango siya, "Kaya nga kami nag-aaway. Dalawa na sa mga ginawa naming rules ang nilabag namin. Siguro ngayon tatlo na since akala niya nambababae ako."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon