Chapter 54: Bitter

1.9M 44.7K 10.6K
                                    

Xander's Point of View


"Hoy! Anong drama yan?" Napatingin ako kay Ice na nasa may kwarto ko. Hindi marunong kumatok 'tong isang 'to.

"Wala. Lumayas ka nga. Bakit ka ba nandito?"

"Ikaw lumayas. Ikaw nakaisip, e." Walanghiyang 'to. Kapal ng mukha. Pinapalayas ako sa pamamahay ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaptop. Binuksan ko ang profile ni Yannie at tiningnan ang albums.

Bakit ba ang ganda niya? Walang maipintas. Medyo mahilig din pala siya sa picture kahit papaano. Huh? Teka. Ano 'to? Bakit paheart shape lang ang album title?

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at binuksan ko ang album na 'yun.

Wrong move. Shit. Bakit ba binuksan ko pa 'to? Lakas lang makabadtrip.

"Ayan siguro si Tom." Halos malaglag na ako sa upuan ko nang biglang nagsalita si Ice.

"Tangina ka! Lumayo ka nga. Sisipain na kita palabas ng bahay ko!"

Umupo naman siya sa kama ko. "Bitter mo. Ikaw kaya sipain ko."

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Paki mo ba?" Konti na lang talaga sisipain ko na palabas 'tong hayop na Ice na 'to. "Bakit mo tinitingnan profile ni Yannie?"

"Paki mo rin ba?"

"Psh. Stalker ka lang kasi. Pero alam mo, mukhang ang sweet nila Yannie at Tom noon, ano?"

"Daldal." Ano ba kasing kinain ng walanghiyang 'to at ganito kadaldal ngayon? Bwisit.

"Siguro hindi pa niya nakakalimutan si Tom."

Tumingin ako ng seryoso kay Ice, "Nakalimutan na niya."

"Hindi pa."

"Nakalimutan na nga sabi! Bakit ba ang kulit mo?" sabi ko kay Ice at tumayo na sa kinauupuan ko.

Tumingin lang siya sa akin at biglang humagalpak ng tawa. Ano ba kasing problema nito? Nakakabanas na.

"Alam mo halata ka!" Sinamaan ko lang siya ng tingin. "May pa walk out walk out ka pang nalalaman kanina."

Sinamaan ko lalo sya ng tingin. "Patay ka sa aking yelo ka. Tutunawin talaga kita."



***

Yannie's Point of View


"Yannie nag-walk out daw si Xander kanina?" Napatigil ako sa pagkain ng chocolate at napatingin kay Ken na nagtatanong.

Nasa sala kami ngayon ng bahay namin. Kasama ko si Zoe at Ayu. Bumisita rin si Ken. Si Sab at Josh baka may date. 'Yung dalawang lalaki naman, malay ko kung nasaan.

"Sinong nagsabi?" tanong ko kay Ken at bumalik sa pagkain ng chocolate.

"Si Zoe at Ice." Tumingin naman ako kay Zoe habang siya ay tumingala lang.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Ayu.

"Wala. Okay lang naman kami." Okay nga lang ba kami?

"Okay? Okay ba 'yung hindi ka niya hinatid?"

"Di ba nga sabi mo may importanteng pupuntahan?"

"Ako nga ang nagsabi. Ibig sabihin, hindi siya nagpaalam sa 'yo." Pigilan niyo lang ako papauwiin ko na 'tong si Ken. Napakachismoso.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon