Chapter 55: Words and Actions

2M 45.7K 16.7K
                                    

Yannie's Point of View


"Nakatulog ka ba?" tanong sa akin ni Ayu.

Tumango lang ako. Kasabay ko sila ni Ken pagpasok. Oo, extra ang dating ko sa dalawa. Pero anong magagawa ko? Pinilit nila ako, e. Kesa naman daw mag-isa akong pumasok, sumabay na lang ako sa kanila.

Si Xander? Psh. Ewan ko kung saang lupalop na nagpunta. Baka kinain na ng mga cannibals 'yun. Wala akong pakialam sa kanya.

"Bitter talaga ang dating mo, Yannie."

Napatingin ako kay Ken na nakatingin sa may rear view mirror. Pinalo naman siya ni Ayu sa braso.

"Aray naman, Ayu. Totoo naman kasi. Nagsasalita na kayang mag-isa 'yang kaibigan mo. Hindi mo ba narinig 'yung sinabi? Wala raw siyang pakialam." Huh? Nasabi ko ba ang iniisip ko? Tsk. Ipatahi ko na kaya bunganga ko.

"Narinig. Pero hayaan mo na. Bigla kayang naging cold sa kanya si Xander. Kahapon hindi siya hinatid tapos ngayon hindi sinundo. At ang masaklap pa dun, hindi siya 'yung nagsasabi kay Yannie kung susunduin ba siya o hindi. Sa 'yo sinasabi ni Xander."

"Alam mo naman... nagseselos nga kasi. Saka baka sinasanay na niya 'yung sarili niya."

"Sinasanay saan?"

"Sinasanay ang sarili niyang wala si Yannie sa tabi niya. Matatapos na ang deal nila di ba?"

"Oo nga pala. Almost two weeks na lang ang natitira sa deal nila."

"Syempre after two weeks balik na sila sa single life. Kaya siguro ngayon pa lang sinasanay na niyang maging mag-isa. 'Yung single. Tutal doon din naman ang tuloy nila."

Makapag-usap 'tong dalawang akala mo wala ako dito sa likod nila. Tsk.

"Wow naman. Nahiya ako sa inyo. Makapagchismisan lang parang wala ang topic niyo dito."

Napatingin sa akin si Ayu at ngumiti. Awkward smile nga lang. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin sa bintana.

Hmm. Sinasanay ang sariling mag-isa? Single life? Bakit hindi na lang kaya magbreak na kami ngayon mismo para single na talaga siya? Bwisit.


Nang makarating kaming room, nandoon na ang apat. Umupo ako sa tabi ni Zoe, "Yannie hindi naman masamang matulog. Sana triny mo," seryosong sabi niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Mukha kang zombie." Inirapan ko naman ang nagsalitang si Sab.

"Makalait 'tong Halimaw na 'to. Akala mo naman ang ganda mo."

"Hoy, Bakulaw, maganda ako kahit anong sabihin mo. Saka isa pa, maganda naman siguro ang taste mo kaya girlfriend mo ako."

"Maganda ang taste ko. Magandang babae. Matalino. Sexy. Mabait. Ganyan mga trip ko, e."

"I know. Kaya nga tingnan mo kung sinong girlfriend mo. Ako. Oha," proud na sabi ni Sab kay Josh.

Tiningnan siya ni Josh mula ulo hanggang paa at saka napailing. "Ayun nga ang ipinagtataka ko. Bakit ikaw ang pinatulan ko? Siguro ginayuma mo lang ako."

At ayan na. Nagsimula na po ang bangayan nila. Sinasabunutan ni Sab si Josh at nagsisigawan na sila. Natatawa naman kami sa kanilang dalawa. Ang kulit.

Nahinto ako sa pagtawa nang may pumasok sa calssroom. Napatingin ako sa kanya. Natingin din sya sa akin pero ang cold ng expression niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay nagpunta sa pwesto niya at idinukdok ang mukha sa lamesa.

Anong nangyayari, Xander? Bakit ka ganyan?

"Anong problema nu'n?" Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at inilipat kay Josh na nagtanong sabay kibit balikat.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon