Chapter XIV

52 5 0
                                    


Malayo pa lang rinig ko na ang ingay sa loob ng mansion. Nagkakagulo. Agad akong pumasok para hanapin si Lucas. Papasok pa lang ako nang agad kong nasalubong ang tingin ni Tita Anastasia. Mapanghusga ang mga mata niya sa 'kin. Hindi ako nagpahalata sa kaniya at tuloy-tuloy na pumasok.

"Good evening." bati ko sa gitna ng kaguluhan.

Nahinto sila sa pagsalita ko. Tinapunan ko ng tingin si Nereus na walang emosyong nakikinig sa mga board members, magulo ang buhok niya't hinihilot ang sentido. Hindi na ako nagulat kung bakit gabing gabi ay nandito silang lahat. I sighed. Inaasahan ko na ito pero bakit napakasikip sa dibdib? Umakto akong salubong ang kilay nang dumako ang iilang tingin nila sa 'kin.

"Ano po'ng ginagawa nila dito?" tanong ko sa secretary ni Nereus. Mababakas ang ilang sa tingin niya. He tried to compose his self bago ako sinagot.

"There's a theft in the company, Mrs. Vasquez. In-invade nito ang whole ideas and illegally sold it to other rivalries." he sighed at sumulyap sa pwesto ni Nereus. "It is okay if only the ideas was stolen but nagnakaw pa ng bilyones. Maiwan ko na po kayo," sabi niya at umalis na.

Napamaang ako sa narinig. I couldn't believe Lolo will took that huge amount from them. After kong binigay ang files ay hindi ko na alam pa ang ginawa ni Lolo roon, I only expect that he'll only took the ideas and such pero ang sinabing pagnakaw ng bilyones can't make me calm. Nanginginig kong hinawakan ang railings ng hagdan. Unti-unti ang naging paghakbang ko.

What would happen right after these? Patuloy sa paghakbang hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo. Dinungaw ko ang ibaba. Nagsalubong ang tingin naming dal'wa. Nanghahapong napailing siya't ibinaba ulit ang tingin sa papel at projector.
Reus, I'm really sorry!

I went to Lucas' room only to found out he's sleeping. Dahan-dahan kong nilapat ang pinto at lumuhod sa paanan ng kama niya. I closed my eyes as I kissed his forehead.

"I'm really sorry for bringing you in this kind of family. If only I had knew. . ." agad kong pinahiran ang pisngi ko nang may kumawalang luha. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko't hinalikan siya ulit sa noo. Nagtagal ako roon ng ilang oras at hindi namalayang nakatatulog habang kaharap si Lucas. Alas-onse na pasado nang nagising ako. Inayos ko muna ang kumot kay Lucas bago tinungo ang kwarto namin ni Nereus.

Naabutan ko siyang abala sa pagtipa sa laptop niya't magkasalubong ang mga kilay. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang tinapunan niya ako ng panandaliang tingin. Akala ko babatiin niya ako gaya ng nakagawian niya, pero hindi. Hindi niya ako pinansin.

Pilit kong ipinagsawalang bahala ang kung anong nangyayari sa kaniya ngayon at pumanhik sa walk-in-closet. Balak ko sanang lumabas muna at magpahangin sa park. I am suffocated, and I badly needed some air to reduced the heaviness I felt. Because of what I did, naiintindihan kong hindi ako mapapatawad pa ni Nereus 'pag malaman niyang ako ang may pakana sa nangyayari. Napahinto ako sa pagsuot ng shift dress.

Does he know?

On the contrary, mas mabuti narin ang ganito. Mas magiging madali ang lahat para sa 'kin ngunit sana hindi ko nalang sinanay ang sarili ko sa kaniya. Nangangamba rin ako para sa kapakanan ni Lucas, mahihirapan siya.

"Where are you going at this hour?" Walang ka emo-emosyong tanong niya. Lumunok ako at mapait na ngumiti. Nasaan na ang sweetheart?

"Sa park lang, magpapahangin." Hindi siya nagsalita ulit kaya kinuha ko 'yong pagkakataong lumabas.

Naglakad lang ako, malapit lang naman sa Mansiyon ang park. Kampante rin akong naglakad kahit wala nang ibang tao sa daan. Tanging ang ilaw ng mga lampost ang nagsisilbing gabay at liwanag sa paligid. Natanggal ang pagkatirintas ng buhok ko nang umihip ang malamig na hangin sa mahamog na gabi. Napapayakap ako sa sarili. Ngunit napapitlag ako nang may kung sino ang nagsuot sa 'kin ng jacket. Gulat akong tumingin rito.

Arduous Affection [COMPLETED]Where stories live. Discover now