Chapter XII

76 8 0
                                    


"Kailangan mong mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, apo." aniya.

I was being speechless, hindi ko alam kung ano ang dapat kong e-react nang matapos niyang ikwento lahat ng nangyari noon.

Nakakaawa ang nangyari kina Lolo.

"Apollo Carlos Vasquez, magkababata kami, hindi ko lubos maisip kung bakit niya iyon nagawa sa akin." lumungkot ang kaniyang mukha. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Segurado po ba kayo lolo na si Apollo Carlos Vasquez ang pumatay kay Abuela?"

"Ang trabahador mismo natin ang nakasaksi, Astraia. Nang araw na 'yon ay nasa kwadra ako kasama si Alfredo ngunit nang nakauwi nagulat kami sa balitang patay na si Arretta, wala akong ibang paghihinalaang pumatay sa kaniya kundi si Appolo lang. Noon pa lang ay nais na niyang ipasara ang Grandeur Hotel ngunit taliwa sa gusto ko ang mangyayari. Nagkasagutan kami at. . ." nahilot niya ang sentido.

Nanatili ang mata ko kay Lolo. Kung ganoon, ang lolo ni Reus ang may kasalanan ng lahat? Puro kasinungalingan lang ang nakatala sa libro na 'yon. Alam kaya ni Reus ang tungkol kay Lolo? Ang mga nangyari noon? Sa isiping maaring planado rin ito ng kampo ni Reus, sumisikip ang dibdib ko. Natatakot akong baka puro kasinungalingan na naman ang lahat ng pinapakita niya sa 'kin, na may iba pang rason.

"Nang pinabagsak niya ako, hindi niya alam na may natira pa akong negosyo,binalik ko sa ayos ang aking totoong pangalan,Miguel Vergara."

Galit niya akong tinignan at hinampas ang lamesa na ikinagulat ko.

"Siya ang may pasimuno kung bakit naging komplikado, hindi ako ang nag-umpisa sa gulong 'to, Astraia. . . tinatapos ko lang." hindi ako nakasagot, "Ang pagdakip kay Alexandreu Vasquez ay isa sa mga plano ko, I made him plead to spare his life, ang sarap sa pakiramdam kapag nakapaghiganti ka, Astraia."

"Pero Lolo-" he cut me off.

"Aalahanin mong hindi ko siya pinatay, apo. Pinarusahan ko lang siya. . . sa pamamagitan nito," inilabas niya ang isang COLT M1911 gun. Nagulat ako nang itinuon niya ito sa 'kin.

"L-lolo, a-anong gagawin mo?" hindi ako makapaniwala, para ba'ng lahat ng dugo ko'y nagsitakasan nang kalasin niya ito't itinutok pabalik sa 'kin. Napalunok ako sa kaba.

"Ngayon, Aia. Nais mo bang malaman kung paano ko siya pinarusahan?" he evily grin. Nagmamakaawa akong umiling.

"Ibaba mo ang baril, Papa!" narinig kong sigaw ni daddy pero hindi natinag si Lolo at nanatiling itinutok ang ang baril sa 'kin. Narinig ko ang pag-iyak ni mama sa may ambahan ng pinto.

"Papa maawa ka, apo mo 'yan!" nagmamakaawang sabi ni mama na hindi malaman kung lalapit ba siya sa 'kin o hindi.

"Gagawin ko lang naman sa 'yo ang ginawa ko kay Alexandreu kapag hindi mo sinunod ang nais kong gawin!" nakahinga ako ng maluwag ng ibinaba na ito ni Lolo. Hindi makapaniwalang kayang gawin ni lolo ang bagay na 'yon sa 'kin. Mahina akong napatango. Kailangan pa ako ni Lucas, dapat magpakatatag ako para ma protektahan rin ang anak ko. Somehow, Lolo was just devastated about what happened to our family.

Nang mababa ni lolo ang baril ay agad akong niyakap ni mama, she caressed my face at hinagkan ako sa noo. Talahib ang kaba sa dibdib ko.

"Okay ka lang ba anak?" nag-aalala siyang sinipat ang kabuo-an ko. Inaapuhap ko parin ang boses kaya tinanguan ko lang si mama.

"Pa, tama na 'to! Hindi na tama eh. Hindi ko alam kung may pagmamahal pang natira d'yan sa puso mo. You even used me, your son, to your old tricks. Nasaktan ako nang namatay si mama pero tapos na pa-" Singhal ni daddy kay lolo pero agad ring naputol.

Arduous Affection [COMPLETED]Where stories live. Discover now