Chapter XIII

97 7 0
                                    

Maghahating gabi na at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya agad akong tumungo sa kusina para magsalin ng tubig. Madilim na sa buong kabahayan at tanging iilang liwanag lang ang binuksan upang maaninag ang daan.

Tahimik ang aking paglalakad upang hindi makagawa ng ingay. Patapos na ako sa pag-inom nang narinig ang mga yabag sa hagdanan.

"Sigurado ka ba? If that's the case seguro naman hindi ka na papalpak!" rinig kong sabi pa nito sa pabulong at paggalit na tuno.

"Oh God! I'm so sick of it, you've been repeating it for I don't know how many times ready. Dante, please. . ." huminga siya ng malalim. "Maghihintay ako sa feedback, alright, bye."

Naibaba ko ang baso ng tubig nang mapagtantong kay Tita Anastasia ang boses. Eavesdropping like this isn't good. Pero 'di ko naman sinasadya na marinig 'yon. Sino ba ang kausap niya? Why do I feel bad about it?. . . Does it something to do with us? Nakita ko ang anino niyang papalapit kaya inayos ko ang sarili.

"Oh, kanina ka pa?" gulat ang kaniyang mukha nang makita ako. Nakaroba ang ginang ng kulay silver. Nang makabawi ay prente siyang naglakad sa kinaroroonan ko.

"I never intended to eavesdrop, Tita. I'm sorry." I apologize. Hinugasan ko muna ang baso bago siya kinaharap. She raised her brow, glaring intently.

"Ang lakas talaga ng loob mo. Kasal ka lang sa anak ko at ina ng apo ko pero wala kang karapatan sa pamilyang 'to." she gritted her teeth.

"Simula ng pinakasalan ko po ang anak niyo. Naging parte na rin ako ng pamilyang 'to. Alam ko namang hindi niyo po ako tanggap at mas prefer niyong si Cameron ang magiging asawa ni Reus. Pero sana po kahit kaunting respeto lang." sabi ko. Hindi ko naman maipagkakailang nasasaktan ako, somehow I still wished for her blessings, the genuine one.

Hindi ko ba alam kung totoo ba ang nakita kong dumaang awa sa mga mata niya kaso bigla na lang itong napalitan ng puot. I lowered my gaze. Kung alam ni Tita Anastasia ang lahat tungkol sa 'kin, maybe that's the reason why she loathed me that much.

"You ruined everything." she said with full anger at tinalikuran ako.

What does she mean by that? Mas lalong lumakas ang kutob kong tama ang sinabi ni lolo. Hindi ko parin lubos maintindihan ang lahat, kahit nalilito ako sa kung anong paniniwalaan, kailangan kong timbangin.




"Salamat po Nana Koring,"

"Hay naku, hija! Mabuti nga at napabisita ka rito." bumuntong hininga siya't minwestrang umupo ako sa sofa. Nilagay ko ang bag sa center table at inilibot ng tingin ang buong kabahayan. Napakatahamik at nostalgic.

"Marami na palang nabago rito sa Santa Castillo," komento ko. Nadako ang paningin ko sa malaking portrait namin sa may hagdanan. It's like it was only shot Yesterday, napangiti ako. Kapwang nakangiti kami ni Cameron sa likod nila Mama at Daddy habang nasa gitna naman namin si Lolo. Kuha ito noong kakasimula pa lang namin ni Cameron sa College. Naalala ko noon ang pag-anyaya ni Daddy'ng magpakuha kami ng litrato para raw gumaan ang loob namin pareho Cameron. Pareho kasi kaming kabado, from the word college, nakakatakot. How I missed those times na okay pa ang lahat.

"Aba'y sa dami ng taong hindi ka nadalo, marami talagang maiiba. Nga pala, ako'y nag-aalala. Hindi kumakain ang Don. Nag-aalala na kami sa kalusugan niya." kinuha niya ang mga gamit ko at gumayak paakyat. Sumunod ako sa kaniya at nagugulahanang tinahak ang hagdan.

"Narito si lolo? Nasaan po siya?"

"Sa kwarto n'ya, nagbabasa 'gaya ng nakagawian." aniya at lumiko sa ibang pasilyo, patungo sa dati kong kwarto.

Arduous Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon