Chapter VII

112 11 0
                                    

Wala akong imik habang tinitignan ako ng masama ng mommy ni Nereus. She blamed me for keeping Lucas from them and for being the mother of her grandson. How am I supposed to react everytime she loathed me? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya noon at maging ngayon ay kinamumuhian niya ako sa 'di ko malamang dahilan.

"That's enough Ma. She didn't do anything wrong." putol ni Nereus habang karga karga pa rin si Lucas na nilalaro ang butones ng polo niya.

Ganiyan nga, kasi sa totoo lang ikaw naman talaga ang may kasalanan sa atin. Gusto kong isumbat sa mama niya na lahat ng binabato niyang masasakit na salita ay purong mali, but I remain silent dahil alam kong may mali rin ako sa pagtago kay Lucas. 

Lumambot lang ang mukha ng mommy niya nang nasilayan sa malapitan ang kaniyang apo. Tumayo ito't lumapit kay Lucas upang kargahin.

"Oh, my grandson. You really look like your Dad!" aniya at niyakap ang apo. Ginantihan siya ng yakap ni Lucas.

Ang kaninang ka-striktahan niya ay biglang naglaho.

"Shall I call you Abuela?" nginitian niya si Lucas at hinagkan ito sa pisngi.

Nagagalak akong tanggap niya ang anak ko. May pangamba pa ri'ng namumutawi sa dibdib ko sa mga oras na ito. Pangambang dulot ng pangyayari maaaring magbago ang plano ang lahat at pangamba dahil baka kunin nila ang anak ko at 'yon ang hindi ko kakayanin. Iniwas ko ang tingin sa kanila at napabaling sa lalaking kinamumuhian ko. Kunot ang perpekto nitong noo at seryosong nakatingin rin sa'kin ang mala abo niyang mga mata.

"You lied." he pursed his lips at tumiim ang bagang. I smirked. What a lie?

"Then we're quits. Ganoon naman ang ginawa mo sa 'kin noon hindi ba?" pagak akong tumawa.

"You lied that you loved me, everything that happened to us was a total lie kaya 'wag mong masabi sabi sa 'kin na nagsinungaling ako. Kasi pareho lang ta'yo."

His jaw clenched at napatingin sa anak naming karga karga ng Mommy niya sa malayong parte ng restau, nawili sa apo.

"Still... thank you," nagulat ako sa sinabi niya. What does he mean? "For not aborting our child."

 yumuko siya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Ayokong tanggapin sa sarii kong nadadala na rin ako sa mga nakikitang pagbabago niya. I shifted my gaze and tries to concentrate of the dessert na kakarating lang.


Bumalik sa pwesto namin ang Mommy niya at si Lucas, ngayon ko lang napansin na kasunod pala nila si Mama sa likod habang nakangiti.

"Kamusta ka hijo?" bungad sa kaniya ni Mama. Magalang niya namang pinagkuha ng upuan si Mama at pinaupo. Nagmano rin siya at bumalik sa dating pwesto. Samantalang hindi maalis ang atensyon ng isang ginang sa matagal niyang hindi nakapiling na apo.

"I'm doing good, Tita." tumawa si Mama na ikinatingin ko sa kaniya. Pinandiliitan niya lang ako ng mata.

"How about you, Balae?" oh no, I think this is not a good idea to have them here.

"I'm fine thank you for asking..." plastikadang ngumiti si Tita Anastasia. "Balita ko. . . your company's doing great lately simula ng inanunsiyo sa media ang engagement ng anak ko sa anak mo."

Tumawa si Mama na ikinabahala ko. Kinuha ni Reus si Lucas sa mommy niya't pinakain ito ng peanuts. Naalerto ako, agad kong tinampal ang kamay niya na may hawak na peanuts. Kunot noo siyang tumingin sa 'kin.

Arduous Affection [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora