PROLOGO

269 16 0
                                    


Unti-unti nang dumidilim. Nagsi-uwian na rin ang karamihan sa mga estudyante pero narito pa rin ako, nakaupo, habang tanaw ang papalubog na araw sa bench nitong quadrangle.

Pabalik balik kong tinitingnan ang wristwatch ko kung anong oras na at hindi pa rin siya dumadating. Lumingon ako sa papalabas na mga varsity players, nanlumo ako nang hindi ko pa rin siya nakita roon.

Napayuko ako at bahagyang hinaplos ang may puson. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit nag-aalangan ako, pero, ang isiping may namumuo ng buhay sa loob ko'y nagbigay ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Nahinto ako sa paghimas. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng uniform ko't tiningnan ang kahuli-huli kong text kay Reus. Alas kwatro ang usapan naming magkita, pero mag a-ala-sais na't hindi pa rin siya dumadating.

May sasabihin akong importante sa kaniya na hinihiling kong ikatutuwa rin niya. Kinakabahan ako sa kalalabasan nitong nagawa namin. I didn't informed my parents about this yet, natatakot ako sa magiging reaksiyon nila. Bagama't bata pa ako, hindi pa sana dapat, kakasimula ko pa nga lang ng College pero heto magiging ina na.

Gusto ko na namang umiyak just like what I did when I found out I was pregnant earlier sa bathroom. It was as if my whole world collapsed and all I could think of... paano? Paano na ang lahat ng pangarap nina Mama and Dad para sa 'kin? My mind was bombarded and can't think properly kaya agad akong nag text kay Reus upang makipagkita.

Naghintay ako ng ilang minuto. I heaved a long sigh. Mukhang hindi na siya dadating. Bagsak ang balikat, tumayo na ako 'tsaka sinukbit ang back pack na sakto ring nakita ko siyang naglakad papalabas ng gate.

"Reus.." I uttered.

My forehead creases. Sakto ang usapan naming dito magkikita, bakit hindi niya ako nilapitan? Baka hindi niya lang ako nakita. Agad akong lumabas ng gate at lakad takbong hinabol siya. Mabilis ang naging paglakad niya dulot ng mahahaba niyang mga binti. Nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa habang ang isa ay nakahawak sa susi ng sasakyan.

"Reus!" Tawag ko sa kaniya.

Umabot na kami sa parking lot ng school pero ni hindi niya man lang ako magawang lingunin. My heart began pounding. Ano 'tong ginagawa niya?

"Reus, Ano ba!" Still, 'di pa rin siya lumingon.

He clicked the key of his Chevrolet Camaro at tuluyang pumasok sa sasakyan niya. Bago niya tuluyang maisara ay nahawakan ko ang pintuan.

"K-kausapin mo naman ako, oh!" namamaos na sabi ko.

Nagsimula nang manubig ang mga mata nang masalubong ang pagod niyang mga mata na tila walang pakialam sa'kin. I began to feel the pain. Naninibago ako kasi hindi naman siya ganito.

"Reus naman,"

He heaved a sigh. "Please, Aia. Kung ano man 'yang sasabihin mo, ipagpabukas mo na. . . wala akong paki alam." aniya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa pintuan ng sasakyan niya and he slammed the door. Right in front of me.

"Nereus?!" hindi makapaniwalang usal ko.

Gumuhit ang kirot sa aking dibdib dahil sa ginawa niya. I don't know what happened with him. May nagawa ba akong mali?

Na alerto ako nang paandarin na niya ang makina. Alam kong desperada na ako sa harapan niya ngunit hindi ko alam kung papakinggan pa niya ako sa darating pang mga araw.

Nagbabakasakali,

"Reus, buntis ako!" Napatigil siya't blangko akong nilingon.

My heart was beating fast. Teary-eyed while looking at him caressing my womb which are not yet bulge. Nangingibabaw pa rin ang pag-asa kong lalambot ang damdamin niya ngayon 'pag narinig niya ang gusto kong sabihin.

"And," he stopped. "You're expecting me to accept that?" he lowered his gaze into my hands.Tuluyan nang bumagsak ang pag-asa na 'yon. Ramdam kong pinagsakluban ako ng langit at lupa sa sinabi niya. So, he doesn't want this unborn?

I shook my head. Hindi, it can't be. Hindi niya 'to magagawa sa'kin! My eyes were now watering at sa sunod niyang sinabi ang mas lalong nagpadurog sa damdamdamin ko.

"Abort that baby," kalmado niyang sabi.  Lumayo ako sa kaniya at umiling. The urge of anger began to rose within me.

"Wala siyang kasalan kung nabuo siya at hindi ko kayang pumatay ng bata, Reus!" pinagsusuntok ko na ang sasakyan niya dahil sa matinding galit na umusbong sa'kin. Napaka walang hiya niya!

"Anak mo 'to bakit napakadali sa'yong patayin siya!" nanlalabo na ang paningin ko dala ng mga luha.

"I'm not even sure if I'm the father of that child-" hindi ko napigilang sampalin siya.

"Then, who else?!" I hissed. Wala na akong pakialam kung may makakita pa sa amin o kung may makarinig.

"You're the only man who took me first at ikaw lang ang taong umangkin sa'kin, t-tapos ngayon. . . sasabihin mong hindi ikaw ang ama?!"

Nanatili siyang nakatingin sa'kin, he didn't talk, ni hindi niya sinalubong ang tingin ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. He hesitantly look at my womb pero agad rin niyang binabalik ang tingin sa nakakuyom niyang kamao. He get out from the car and he then trapped me.

Nanlilisik ang mga mata niya't malalim ang paghinga. Pinasadahan niya ako ng tingin. It was already dark, no one could see us. Bahagyang umihip ang hangin na nagdulot ng pagkagulo ng buhok niya. He get my hand and slid something. Tumingin ako sa kung ano 'yon just to found out it was the bracelet I gaved him in our very first monthsarry.

"Let's cut this relationship off, Aia. I don't want you anymore." aniya sa halos pabulong. "away from my life."

Para akong nabingi. Hindi agad ako makapagsalita. Bakit ngayon pa?

"Ano bang pinagsasabi mo, ha, Reus?" nanginginig ang boses kong tanong.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na kaya, gusto ko nang umuwi na lang kaysa marinig pa ang sasabihin niya. "Huwag mo nang ituloy.."

I tried to pushed him away para makaalis na dahil ayoko na talagang marinig. But, he hold my wrist tightly na ikinadaing ko.

"Bitiwan mo nga ako!" I hissed. "Tama na, Reus...'wag mo na akong saktan." namamaos kong pakiusap. Lumambot ang kaniyang ekspresyon at binitiwan ako.

"Even from the start I haven't loved you..." umiwas siya ng tingin. Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Was he really mean that?

"I've used you in everything I coud. You're so naive to even realize it.." he sighed before looking me from head to foot.

He took a step and faced me again. "Don't ever show your face to me again." After he said those hurtful words, he drove away. Leaving me hopeless while watching his car slowly fades from my sight.


Arduous Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon