Chapter XV

57 6 0
                                    


"As of this year, ReuVas became the biggest bankruptcy in the Philippines. History with over $93.4 billion in assets. The Most upsetting part of ReuVas' bankruptcy was that the accounting practices were scandalously hiding billions of dollars of loses, and their stock plummeted from $90 to $10 per share, leaving stock holders with over $11 billion in loses."—WNN NEWS

Naibaba ko ang tasa ng tsaa nang makita ang balita, the fall of ReuVas? Nagtagumpay nga ang plano ni Lolo, pero bakit ganun hindi ko magawang maging masaya para sa kaniya.

Bumubakas ang pinto at niluwa nito ang anak kong umiiyak. Tumayo ako't nilapitan siya. I wiped his tears at 'tsaka siya niyakap. 

"Baby, what's wrong?" tanong ko. Humihikbi niyang kinuskos ang mata.

"M-mommy, I will miss Nanny Maymay." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Why?"

"I don't know why. . ." pinatahan ko siya sa kaiiyak.

I tried to search Manang Rosing pero halos malibot ko na ang mansion pero nagtataka ako kung bakit wala na ang mga kasambahay. Nakasalubong ko si Manong Isko na siyang tumulong sa 'kin kahapon, malungkot ang kaniyang mukha habang papalabas sa entrada ng mansion. Tiningan ko kung saan siya nanggaling, sa opisina ni Reus.

"Mang Isko!" tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at mapait na ngumiti sa 'kin. 

"Ma'am Aia," Binaba niya ang sombrero niya katapat ng kaniyang dibdib. 

"A-ano po'ng nangyayari?" nalilito kong tanong. 'Tsaka ko lang napansin ang iilang mga trabahante ng ReuVas na nanggaling rin sa opisina ni Nereus, kapwa malulungkot.

"Nagtanggal na po si Señorito ng iilang mga tauhan, halos kami po lahat dahil sa pagbagsak ng kompanya." aniya. 

And it hits me, nawalan sila lahat ng trabaho nang dahil sa 'kin. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mang Isko. Tuluyan na siyang lumabas nang pagkarating ng ina ni Reus. Hindi ko na masasalamin ang ka-sopistikada niya sa dating niya ngayon. Nadako ang tingin niya sa 'kin pero umiwas rin, pumanhik siya sa itaas nang hindi ako muling nililingon. Bakit ngayon hindi na siya nagagalit sa 'kin na dapat kong makamtan mula sa kaniya sa mga oras na 'to? Batid kong alam na niyang ako ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang emperyo. 

Bumalik ako sa kwarto namin. Naabutan kong nakatulog si Lucas sa kaiiyak. I caressed his hair at hinalikan siya sa noo. 

Bahagyang sumayaw ang puting kurtina sa beranda, pinagmasdan ko ito hanggang sa tumigil. Tumataas na ang sikat ng araw, lumapit ako sa may beranda at tinanaw ang paligid. It's hard to breath. Kinapa ko ang pisngi ko nang naramdamang may tumulo. 

I'm in between of family and love. Nasaktan si Nereus nang dahil kay lolo at sa pamilya ko. . . sa pamimilit ni Lolo kaya ko nagawa lahat ng paghihiganti na nais niya. I glanced at the on-going sunset. After what I've done mas lalo lang naging miserable ang buhay ko.

Mahal ko si Reus, mahal ko ang pamilya ko. Bakit sa mundong ito napakahirap mamili? I've made a difficult decision and is to betray him using his love and trust. How will I supposed to live?

I cried silently, vanishing all the frustration, guilt, and pain I felt inside. I never expect this to happen. All I wanna care is Lucas, only my son, noon ang iniintindi ko lang ay siya na hindi makatagpo ang ama niya. Pero heto ako ngayon, making things much complicated.

"Ano nang plano mo ngayon?" Loise sighed as she sipped the coffee she ordered nitong Starbucks na pinagkitaan namin. "If I were at your place seguro nag America na ako, magpapakalayo, at hindi na magpapakita."

Arduous Affection [COMPLETED]Where stories live. Discover now