Chapter IV

105 12 0
                                    

Naluluha na ako sa kaba.

Lucas nasa'n ka na ba? Huwag naman sanang magkita ang dalawa!

"Mommy!" Lucas? Sinundan ko ang boses niya. Natanaw ko siya sa gawi ng elevator. Binalik ko ang tingin kina Reus na paparating. The flashes of cameras made me unable to see my son clearly, at mas lalo akong nangamba dahil papunta ang gawi nila sa elevator.

"Astraia!" rinig kong tawag ni Mr. O' Tan. Hindi ako lumingon sa kaniya.

"Astraia Vergara!"

Dahil sa pagtawag ni Mr. O' Tan sa 'kin nabaling ang atensyon sa 'kin ni Nereus. Napakagat ako ng labi. Huminga muna ako ng malalim. I slowly walk towards my son's direction. Wala na akong magagawa.

May isang reporter na tinatanong si Reus pero ang paningin niya'y nakatuon parin sa 'kin. Naghuhumarintado ang puso ko. Ayaw kong makita niya si Lucas, dahil alam kong pag nalaman niya, natatakot ako sa kung anong kaya niyang gawin. Natatakot akong baka ilayo niya si Lucas sa 'kin.

"Lucas!" I mumbled.

Unti-unting bumibilis ang paglakad ko. Malapit na sana ako kay Lucas nang may humigit na sa kaniya at niyakap siya paluhod. Si Mama!

"MommyLa," yumakap si Lucas kay Mama at umiyak sa mga bisig nito. My heart softened of the scene, ako sana ang dapat gumagaawa n'yan sa kaniya ngunit ako heto ako at duwag sa sarili niyang ama.

Nahinto ako. Muntikan na. Nawala na rin ang nagtatakang tingin sa akin ni Reus, buong atensyon niya nang sinasagot ang mga tanong sa kaniya at pati na rin kay Cameron.

Sa condo ko pinatuloy si Lucas at si Mommy. On the way here, palaging nakakapit si Lucas sa 'kin. Hugging me tightly na tila ba takot siyang iwanan ko ulit.

Kawawa naman ang baby ko. Inayos ko muna ang higa niya. Kanina iyak siya nang iyak maybe because of what happened.

"Ma, hindi niyo naman po sinabi sa 'kin na darating kayo ngayon. Edi, sana nasundo ko kayo sa airport," tinulungan ako ni mom sa paglagay ng kumot kay Lucas.

"Sorry na anak, naaawa lang kasi ako sa apo ko. He told me to surprise you," I smiled at her. Tumayo ako't niyakap siya.

I'm so blessed to have a mother like her. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. How I wished to be like her.

"Until now, Ma. I'm doubting myself if I ever be a good mother to my son, Lucas." I sniffed. "Marami akong pagkukulang sa anak ko, Ma. At natatakot akong Iiwan rin niya ako pag dating ng araw,"

"Anak, naging mabuting Ina ka sa anak mo. Lahat ng Ina iba't iba ang ginagawang pagpapalaki sa anak. It was the very toughest task of all, kung anong makabubuti sa kanila, 'yon ang ginagawa natin." pinahid niya ang mga luhang nasa pisngi ko at ngumiting niyakap ako.



"How could you say you're being unfair to your child, huh, Aia? You were not, you chose to endure long distances with him just to secure his future. Hindi ba pagsasakripisyo ay pagmamahal?" aniya. Namulat ako sa sinabi niya at lumakas ang loob.

"Mama, salamat po." humiwalay siya.

"Hush, Aia. Ang anak ko, she already have a son pero acting pa rin like a baby." I pout.

"Hindi ba pwedeng mag lambing, Ma?" we both laughed.

"Pinapasabi ng daddy mo, kailan mo raw balak umuwi?" tanong ni Mama na nagpatigil sa 'kin.

"H-hinanap niya po ako?"

"Bakit naman hindi? Anak ka niya kaya hahanapin ka no'n.."

Napuno ng galak ang puso ko.

Arduous Affection [COMPLETED]Where stories live. Discover now