Chapter II

111 9 0
                                    

"Aia, ang gwapo ni sir ano?" sabi ni Kleia. Kanina pa ako naririndi sa pinag-uusapan nila. Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang atensyon sa pagkain.

Gusto ko nang ubusin agad para makaalis na. I'm not comfortable anymore, lalo na ngayong alam kong nasa iisang lugar kami ni Nereus. At kanina pa siya pinag-uusapan ng mga katrabaho ko.

"Uy, Aia. Kanina ka pa hindi nagsasalita," umangat ang ulo ko kay Kleia. "Speechless ka pa rin sa kagwapuhan ni sir, ano?"

Muntik akong mabulunan sa sinabi niya. Matagal na akong tapos sa kahibangan sa lalaking 'yon. Kung alam lang niya.

Oo na gwapo nga ang lalaki na 'yon at hindi ko maipagkakailang biktima ako ng kagwapuhan niya. He was like a rusted nails na kapag tumusok sa 'yo mate-tetanus ka and the tendency you will get a bulge in your tummy.

"Ano ka ba, Kleia. Sinasabi ko na sa 'yong ayaw ko sa mga ganoong lalaki.."

"Malay ko ba kung mag bago isip mo," tumawa siya.

"Pero, Aia, magkakilala ba kayo ni sir?" I suddenly drop the fork at napatingin kay Cindy dahil sa 'di inaasahang tanong niya.

"Hindi ko kilala yung lalaki na 'yon!" I don't know if I sounded defensive, I can manage naman on pretending like he did.

Kanina nang dumating siya he acted like he doesn't know me that I'm not a part of his past. Akala ko okay na, pero, nasasaktan pa rin ako. Bakit ba kay liit ng mundo, at bakit hindi ko man lang alam na sa kanila itong hotel na pinagtatrabahuan ko? Ang tanga ko naman!

"Oh? It says the other way," she tilt her head. "But anyways, 'wag mo kong pansinin, Aia. Pansin ko lang naman. Half of my suspicion is not really good," tumawa siya. Kimi na rin akong tumawa upang hindi niya mapansin ang pagka-ilang ko.

"Oo nga, ano... Pero mukha namang walang paki sa lahat ng tao si sir. Ang sungit nga ng dating, eh." panggagatong pa ng mga kasamahan namin.

"Huwag niyo na ngang guluhin si Aia. Alam niyo namang seryosong tao 'to." sabi ni Ericson, isa sa mga katrabaho ko.

"Wala ka pang boyfriend Aia sa ganda mong 'yan?" tanong naman ni kuya Jeff.


"Ayy, 'yan yung question na it's hard to answer Kuya Jeff" humalakhak naman si Kleia. Nagpatuloy ako sa pagkain, "Mapili kasi itong si manang pero may boylet naman na interesado sa kaniya"
Pinandiliitan ko siya ng mata. Ano nanaman ba ang sasabihin ng babaeng 'to. Spreading false news, haiist.

"Sayang ang ganda, Aia, kung ibebenta mo lang sa palengke." komento ni Kuya Jeff na kimi kong nginitian.

Lumingon ako kay kuya Jeff at aksidenteng napadako rin ang tingin ko sa entrance nitong restau ng hotel. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba 'yon o siya talaga ang natanaw kong nakatayo malapit sa entrada.

After lunch break naging busy na rin ang lahat. Lalo na noong sinabi ni Mr. O' Tan na masama ang timpla ng Boss namin, kaya mas lalo naming inigihan ang pagtatrabaho. Binigay rin nito sa akin ang isang flash drive.

"Aia, paki encode na lang rito ang lahat ng files. Ayusin mo, i-che-checked ni Mr. Vasquez 'to." aniya at nilapag ang flash drive sa table. Alanganin akong tumango at ginawa ang sinabi niya.

Kung pwede lang guluhin lahat ng files na 'to sa galit ko sa kaniya gagawin ko, pero, trabaho ko 'to kaya aayusin ko na lang. Bumuntong hininga ako nang sakto ring natapos ko ang pag encode at siyang pagdating ni Mr. O' Tan na mukhang aligaga na rin.

Napataas ang kilay ko. First time itong ganap ni Mr. O' Tan na hindi maayos ang postura, he seems so haggard and stressed. Pansin rin 'yon nina Kleia at iilan sa amin kaya lihim lang silang nagtatawanan sa terror naming manager.

Arduous Affection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon