Chapter 4: She's my fiancee

15.5K 278 1
                                    

 AN: ito na po ang chapter 4 sana magustuhan niyo ^_^

Mariez’ s PoV

 

 

“Yuck, nakakahiya talaga sya grabe, nilalandi na nga si Seven nakuha pang landiin din si Blake,kala naman niya papatulan sya, di ba sya kuntento?” 

 

“ito pa, napahiya si Winona dahil sa kanya ang kapal talaga ng mukha”

 

“pa virgin effect pang nalalaman pok pok naman pala”

 

“hahahah, tama ka girl!!!”

 

Nagbubulungan yung mga babae malapit saken na akala mo naman bulong talaga ang ginagawa eh halata namang pinaparinig nila. Hay bigyan ko na lang kaya tong mga to ng megaphone para mas malakas….Ano na naman ang ginawa ko sa mga to, wala na sila ibang ginawa kundi laiitin ako, hindi ba sila marunong tumingin sa salamin? Pare-pareho lang naman kami, kung tutuusin mas masahol pa sila sakin…

Naglalakad na ako sa may hallway ng makita ko si Kristine na tumatakbo papalapit saken, kaibigan ko din sya na halatang may gusto sa pillow ko at botong-boto talaga ako sa kanila  masyado nga lang babaero si bff ko.

 


“M-Mariez, h-halika bilis s-sama ka saken may d-dapat kang m-makita” she’s gasping her breath while telling it to me, ano naman kaya yung dapat kong makita? kinaladakad nya ako papuntang Gym at bigla na lang akong nanghina sa nakita ko.

 

Sa may stage may nakasabit na banner na puro picture ko ang nakalagay na halatang edited, inedit nila ang mukha ko sa isang seksing babae na halos makita na ang private parts dahil sa malanding pose nito at may nakasulat na

SPELL MARIEZ: S-L-U-T

MARIEZ MEANS = GODDESS OF BITCHES, QUEEN OF DENIAL, AND SLUTS OF ALL SLUTS

 

 

Napaluha ako, ano to? Di pa ba sapat yung panlalait nila, kailangan bang i-broadcast talaga? hindi ko sila maintindihan kung bakit sila galit na galit saken, hindi ko makita kung ano yung maling ginawa ko para pahiyain nila ako ng ganito. Napahawak ako ng mahigpit kay Kristine at bigla na lang napaluhod nung makita ko yung mga murals sa wall ng basketball court, may mga nakadikit din na pictures na nakikipaghalikan ako sa isang lalaki, alam kong hindi ako yun pero ung pagkaka-edit mukhang totoo, sobrang daming pictures, yung ibang mga nakadikit katulad nung nasa banner. Naramdaman kung binitiwan ako ni Kristine at nakita ko na lang syang pinagtatanggal yung mga pictures.

“Wala silang karapatang ganituhin ka Mariez..*sob* ang kakapal ng mga mukha nila, masyado ka na nilang iniinsulto” nakikita ko si Kristine umiiyak na rin sya, ang swerte ko kasi may kaibigan din akong tulad nya,…. bakit ganito nagkataon pa na mamayang tanghali ang pasok ni Seven?, talagang sinadya nilang wala akong batman ngayon

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon