Chapter 57

6.1K 87 0
                                    

Chapter 57 na.... saka na lang dedication. cp lang to eh hehe... muah sa inio!!!!

******************************

Seven's Pov

“Mahal mo siya di ba? Siguro ako nga lang talaga ang nang-agaw. Ako lang umeksena! Hindi ba dapat may pag-asa ka sa kaniya? Yun ang nararamdaman mo di ba? kinuha ko siya sayo? Aminin mo! P*** ang lakas ng loob ko pero ang toto mahina ako. ma-mahina ako…. hindi ko nagawa, na.. napabayaan ko siya.. mahal ko siya… pero hindi ko nagawa… wala akong magawa.. siguro.. siguro hindi ako karapat dapat para sa kanya… hindi! Hindi ako pwede sa kanya! Si-sige..  sige pumapayag na ako… kung kaya mo syang protektahan sige… kunin mo na sya.. mahalin mo siya. Hindi ko kayang makitang mapahamak sya. Pag nasa a-akin siya puro kagaguhan lang ang mangyayari sa kanya. Go ahead get her! Ilayo mo na siya sa akin” sa mga naririnig ko galing sa bibig niya isa lang ang masasabi ko. Mahina sya. konting kibot tumba na agad. saglit na pagkabigo lang suko na agad. Hindi pa man sya nakakaalis agad ko na syang sinuntok sa mukha

"GAGO!" gusto kong ipamukha iyan sa kanya. napakalaki nyang gago!

"Ang laki mong gago Blake! suko ka agad? Tangina Blake nag-uumpisa pa lang kayo! pero sa ipinapakita mo wala ka na agad laban! ang lakas ng loob mong yayain syang magpakasal ulit di mo naman kayang magpakaasawa! sinasabi mong mahina ka? puta hindi ka lang mahina! lampa pa!"

Tangina wala ba sya talagang masasabi at iyak lang ang magawa niya?

"iiyak ka na lang? sige yan lang naman alam mo. ano ba sa akala mo ang mangyayari? na kapag kinuha ko si Mariez okay na? mahal niya agad ako? di na kayo mag-asawa at kami ang magpapakasal? Puta! alam ko na gagawin mo gago! pag masaya na kami aagawin mo ulit sya! magmamakaawa ka ulit na balikan niya. Tanga ka! ano to cycle lang? paulit ulit. papaubaya mo sya saken at pag nakita mong masaya kami eeksena ka?..." sa dami ng sinabi ko yuko lang isinagot nya.

"ano yuyuko ka na lang? kung makaasta ka ang tapang mo! eh isa ka ring malaking tangang duwag! tama ka nga, hindi ka karapat dapat kay Mariez, wala kang kwenta eh! at alam mo kung ano ang totoo? yang nararamdaman mo! dahil ang totoo hindi mo mahal si Mariez!"

"gago Mahal ko sya!" napangisi ako, ganyan nga Blake

"Mahal? kung Mahal mo sa Mariez hindi mo sya ipamimigay na basta lang! hindi mo gugustuhing mapunta sya sa ibang kamay!"

"Mahal ko sya! hindi ko sya ipinamimigay, iniisip ko lang ang kapakanan nya." napangisi sya "wala ka bang tiwala sa sarili mo at kung makasabi ka na mapupunta sya sa iba ay akala mo  ibang tao ka?"

"bakit ikaw Blake wala ka bang tiwala sa sarili mo at kung ipagkatiwala mo sya sa akin eh parang wala ka ng pag-asa?"

"sinabi ko na sa iyo Seven, nakakahiya man pero inaamin ko mahina ako" napayuko ulit sya at napatayo na

"eh di inaamin mo na rin Blake na wala kang kwentang asawa?"

"oo"

"well then, siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan ito" ayoko nang magdagdag pa nawmg kung ano pang sasabihin. I'll let him decide, I'll let him realize what he's saying. masyado lang syang naduwag sa nangyari. dahil aaminin ko, kung ako man ang nasa kalagayan ni Blake maduduwag din ako. manlulumo dahil kasama nga ako ng babaeng mahal ko ngunit wala akong magawa. Katulad ni Blake tatakbo rin ako sa sobrang kahihiyan, iiyak, manghihina at gugustuhin na lamang isumpa ang sarili. Sa lahat ng sinabi ko kay Blake, patama na iyon sa akin, dahil alam ko sa sarili kong napakawala kong kwenta kapag hindi ko naprotektahan ang babaeng mahal ko, lalo nat ako ang batman niya. At bilang batman nya, kasiyahan nya ang priority ko.

Blake's Pov

Totoo napakalaki kong gago!

Sa aming dalawa mas wala akong kakayahang protekahan ang asawa ko, sa aming dalawa wala akong ibinatbat. Hindi ko magampanan ang pagiging asawa ko. Una pa lang ako na ang nagsabi kay Mariez na aayusin namin ang aming pagsasama, pero sa ipinakita ko parang walang pag-asa. Inaamin ko ang dali kong sumuko. Masisisi nyo ba ako? wala akong nagawa para sa kanya, hinayaan ko syang halik halikan lang ng gagong yun!

"Alagaan mo sya Seven"

"tangina Blake gumising ka nga! ang daling sabihin lahat sayo ah. Puro sarili mo na lang iniisip mo, hindi mo man lang iniisip si Mariez! kahit minsan naman wag kang selfish!"

"hindi ako selfish. iniisip ko sya, kaya nga inuubaya ko na sya sayo dahil alam kong kaya mo syang protektahan!"

"Bakit Blake, proteksyon lang ba ang kailangan nya? Alam mo? gustong gusto ko ng patulan yang mga sinasabi mo pero alam kong pagmamahal mo ang kailangan ni Mariez eh,  higit sa lahat ikaw!"

kinuwelyuhan niya ako.

"Blake gumising ka naman! " naiinis ako sa sarili ko, ang gulo gulo ng nararamdaman ko.

"I'm sorry" hindi ko aakalaing hihingi ako ng tawad sa kanya. Hindi dapat!

"Ayoko ng sorry mo Blake, hindi ko kailangan yan at mas lalong wala ka dapat ihingi ng tawad. Blake ang gusto ko assurance. Assurance na hindi ka magdadalawang isip na wag syang iwanan. Assurance na mamahalin mo sya at nasa tabi ka lang nya. Blake ikaw, ikaw ang kailangan ni Mariez"

 

napatingin ako sa kanya,walang duda, mahal na mahal nga niya si Mariez. Kahit may pagkakataon na syang kuhanin ang asawa ko hindi niya pa rin ginawa. Dahil kasiyahan ng asawa ko ang iniisip nya. Bakit ba kasi ako ganito? Ang daming bumabagabag sa puso ko pero isa lang ang sigurado mahal ko ang asawa ko, at kung gusto ko syang sumaya kailangan kong ibuhos ang lahat para sa kanya. Maraming beses na akong nagkamali, maraming beses ko na syang nasaktan at napabayaan. Hindi na dapat ako nagpapakatanga at hayaan syang magdusa ulit. I should be more responsible now, I need to assess things.

Hindi na dapat maulit pa ang lahat. nahuli man si ate Ranny alam ko marami pang darating na pagsubok and I should be by her side no matter what.

"Salamat"

nakangiti kong sabi sa kanya

"salamat sa panggigising. Salamat sa suntok. salamat sa mura, salamat dahil mahal mo sya. Salamat sa pagpaparealize na dapat ako ang pinakamatapang, pinakamatibay at mas dapat nagmamahal. Ang dami na nyang hirap dadagdagan ko pa."

"buti naman at nagising kang gago ka!" nagkatawanan na lang kaming dalawa. Hindi rin masamang kaibiganin sya.

*huk*

napalingon kaming pareho nang marinig ang paghikbing iyon. Ang there I saw the woman I love crying.

{ayan na update ko. hehe buti pa sa phone nakakaupdate ako huhuhu...

salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta ng marrying mr. cold-heart. sa wakas malapit na tong matapos...  vote, comment, follow po kau. salamat. I love you all}

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Where stories live. Discover now