Chapter 37

7.3K 101 2
                                    

Blake's Pov

"Ayoko na.... ayo...ko nah... t...tama nah pl...please? *huk*...*huk*"

Walang tigil sa pag-iyak si Mariez. Paulit ulit lang nya yang sinasabi. At kahit ako naaawa na sa kanya.

Kaninang buhat ko sya ramdam ko ang nginig niya. Pati ako nanginginig na rin a..ayoko ng ganito si Mariez, ako ang nahihirapan para sa kanya. Gusto ko na rin umiyak, bumabalik sakin yung mga ginawa ko sa kanya. Ganito rin kaya sya noong mga panahon itinataboy ko sya? Sinong nag-aalaga sa kanya?

Niyakap ko lang ng mahigpit si Mariez... pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko, ayokong ipakita sa kanya na mahina ako... baka sya, lalo lang manghina ang loob... ayoko mangyari yun... masakit... nasasaktan ako para sa asawa ko. Ang gusto ko lang gawin alagaan sya...

"Please....*huk..*huk*" wala syang tigil sa pag-iyak

"Honey hush now. I love you. Wag ka na umiyak. Kakausapin ko si seven makikipag-ayos ako, please hon"

"m..masakit sakin Blake... ayoko namang makasakit eh... hin... hindi ko naman gusto eh... mahal lang naman kasi kita eh... di ba? Blake di ba? Mahal kasi kita eh"

"Shhhh... ssshhhh... yes honey alam ko.. I love you too, I love you so much"

"ayoko saktan si pillow ko eh... mahal ko din yun bestfriend ko eh. walang dumadamay sa kanya ngayon Blake... nasasaktan din sya. Kasa...Kasalanan ko to eh p-p-pinaasa ko kasi sya eh"

"No Hon... No hindi mo sya pinaasa ha? Di ba sinabihan mo syang hanggang bestfriend mo lang sya? Kaya di mo kasalanan ha? Tahan na"

"B..Blake"

Pangalan ko na lang ang nasabi niya at umiyak na lang sya ng umiyak. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Pinahiga ko sya sa kama at tinabihan ko saka ko inilipat ang ulo niya sa may dibdib ko at iniyakap ang isang kamy niya sakin. Namiss ko rin ang ganito, yung tipong nakahiga sya sakin nakayakap ako sa kanya at mahimbing kaming matutulog.

Sobrang pagsisi talaga ang nararamdaman ko ngayon. Inilayo ko sya sakin, pinahiya, pinagtabuyan. Nasasaktan ako para sa kanya sa mga ginawa ko, sya pa kaya na mismong nakakaranas nun? Ang sakit!

>Ate Runny Calling

??? oo nga pala si Ate Runny

[Blakeeeee!!]

"ate bakit"

[may sasabihin ka di ba?]

"ha?"

[alam ko may sasabihin ka!]

"ate wala akong naaalalang may sasabihin ako sayo"

[nakakapagtampo to. Tungkol sa inyo ni Mariez ang tinutukoy ko]

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Where stories live. Discover now