Chapter 28: I'll get you back

8.3K 132 0
                                    

Mariez

 

“Ano Mariez ok ka na ba? I mean kasi nakikita kitang ngumingiti na nitong mga nakaraang araw kaya napaisip ako kung okay ka na” si Kristine. Kasama ko sya sa library naghahanap para sa assignment namin sa psych testing.

Tumabi ako sa kanya

 

“Kris… kahit naman mabigat ang dinadala ko dito sa dibdib ko hindi ko kailangang magpaapekto ng sobra. Atsaka thankful ako kasi parehas kayo ni Seven na nasa tabi ko. Sapat na yun. Atleast kahit papano nakakalimutan ko ang masakit na pinagdadaanan ko ngayon”

 

“You’re strong Mariez… alam ko malalagpasan mo rin to”

 

“Ang hindi ko lang maintindihan kasi Kris kung bakit, Bakit ganun umakto si Blake? Asawa nya ako eh dapat  napagsasabihan nya ako ng problema niya” naluluha na naman ako “nakakainis isipin na kahit pala anong asa kong babalik kami sa dati hindi na mangyayari yun. Wala eh. Sino ba kasi ako di ba? Si Mariez… mahina… laging nakaasa sa mga taong nasa paligid ko. Ang hirap grabe! Sobrang hirap yung tipong gusto mong lumapit sa kanya pero pinagtatabuyan ka lang niya… ang sakit dito Kris oh” sinuntok ko ng mahina ang puso ko “lalo na sa mga huling sinabi niya sakin, grabe nakatatak na ata sa puso ko yun eh… parang hindi lang dinikit ng paste, glue at mightybond o kaya inistapler eh tinattoo pa para lang siguradong di mabubura ang sakit.. arrggg” pinahid pahid ko ang luha ko ng dalawa kong kamay

“Mariez enough okay?” pinahid ni Kristine ang luha ko “yang pag-iyak mong yan, parang sinasabi mong kaya sya ganun dahil ikaw ang may kasalanan eh? alam mo kung bakit ko nasasabi to? Kasi dapat si Blake ang nasasaktan ngayon eh, sya dapat ang umiiyak. Kasi sya ang tanga. Sya ang nagpakawala ng hindi dapat. Sya ang nanakit, dapat lahat ng sakit bumalik sa kanya hindi sayo. Kaya tahan na ha?”

 

“Ang hirap.. ang sakit hanggang ngayon kasi kris… hanggang ngayon mahal ko pa rin sya. Mahal na mahal. Hindi nagbago yun kahit na alam kong imposible”

 

“tahan na. tama na ha? Ay wait—“naputol ang pag-uusap namin ng biglang magvibrate ang cellphone nya kaya lumayo muna ng konti si Kristine. Nagpaalam naman ako sa kanyang pupunta  saglit ng cr para maghilamos at nang di mahalata na umiyak ako

Papalapit na ako sa rest room nang may mahagip ang mata ko. Na lalong nagpalala ng nararamdaman ko. Ano ba? Ang sakit na ah? Sobra na. sana man lang… sana manlang kahit papano.. kahit nabitawan niya ako ng mga salitang nagpasakit sakin. Sana naisip nyang bawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Oo sinabi nyang hindi niya ako mahal. Sapat na yun eh. Alam ko ng hindi niya ako mahal. Pero ang ipangalandakan at ipakita dito sa boung campus na hindi niya ako mahal. Sana.. sana… sana lang hindi na niya ginagawa!

Bakit ko nasasabi to? Kung nagtataka kayo? Nakita ko lang sya… nakita ko lang namn syang may kayakap na babae at nakikipaghalikan pa. sana… sana Blake… sana hindi mo na lang ako pinakasalan eh… sana sinabi mo na lang sakin. Prinangka mo ako. Hindi yung ganito pinaparamadam mo sakin. PINAPAKITA PA. sigurado ako.. alam na ng mga estudyante dito ang nangyayaring pakikipaghalikan niya. At sigurado ako pinagtatawana na nila ako. Hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa may parking lot. At talagang may balak ang mga paa kong ilayo ako dito. Ilayo ako sa sakit na sobrang nararamdaman ko ngayon. At ang hindi ko inaasahan ang pagyakap ng isang pamilyar na bulto sa akin.

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora