Chapter 11: wala lang

8.8K 143 0
                                    

Mariez

“oh, ba’t nakasimangot ka?” si blake na nakaupo sa kama

 

 

“Sina Seven kasi at Kris apat na araw na di na nagpaparamdam saken eh’’

Ilang araw ko na kasing kinocontact sina pillow ang kaso out of coverage area naman, ano kayang nangyari sa dalawang yun kamakailan lang ayos naman kami ah

 

 

“tss…. Sila na naman inaalala mo”

 

 

“nagtataka lang kasi ako di man lang nagpaalam saken na hindi papasok ng matagal, malay mo may problema na pala di pa sinasabi”

 

 

“wag mo na isipin yun, halika  dito”

 

Inaabot ni Blake yung kamay ko sabay tapik tapik dun sa lap nya.. harooo pinaupo ako tska niyakap

 

 

“hon, ako na muna isipin mo ngayon ha, nagtatampo na ako eh.. lagi na lang akong may kahati jan sa isip mo” sabi ni Blake sabay pout

 

“isshhhh,… para ka namang bata, tanong ko lang ba’t ba parang ang childish mo ngaun?”

 

 

“masaya ako eh”

 

 

“ah ganun, pag masaya childish agad”

Umiling iling sya

 

“masaya ako kasi pumayag kang pakasal”

 

Napatingin ako sa kanya at pinaupo ako ng paharap sa kanya sa lap nya

 

 

“hon, bakit mo ba ako minahal?” hala bat nagtatanong to ngayon? napangiti na lang ako

 

 

“hindi ko din alam, basta pag nagmahal ka naman di ba wala ng tanong tanong pa, ang mahalaga mahal mo”

 

 

“hindi ka man lang ba nagdalawang-isip?” tanong nya

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Where stories live. Discover now