Chapter 58

6.9K 74 1
                                    

ito na, ito na hihihi... pagtiyagaan ulit. phone lng ito... hikhik...

************************************************************

Mariez's Pov

Pagmulat pa lang ng mata ko kaba at takot agad ang naramdaman ko. Kaba dahil mukhang panaginip lamang ang pagkakaligtas sa amin at takot sa maaaring mangyari sa amin ng asawa ko. Ngunit lahat ng iyon ay napawi nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa harap ko at mukhang alalang alala.

"God you're awake!"

"Seven" agad na namang tumulo ang luha ko dahil sa kagalakan. Nilibot ko ang tingin ko, nasa ospital ako. Ibig sabihin totoo. Sa wakas malayo na kami sa...napatigil ako sa pag-iisip, naglaho na naman ang masayang pakiramdam dahil hindi ko nakikita ang lalaking mahal na mahal ko.

"Si... si Blake?" kinakabahang tanong ko.

"ay saglit lang iha at tatawagin ko sa labas" naging maluwang naman ang paghinga ko nang marinig ang sinabi ni Manang at ang pagsabi niyang nasa labas si Blake.

"anong masakit sa'yo pillow ko ha?" pillow? nakakamiss na din ang tawagan naming iyon. "anong ginawa nila sa iyo doon? pinahirapan ka ba ni-" naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si manang at ang lalaking sabik na sabik ko nang makita.

Naiiyak ako sa saya dahil maayos sya, may mga galos man ang mahalaga ay ligtas sya. Nagpapasalamat ako dahil hindi Niya kami pinabayaan. Ngunit hindi pa man sya nakakalapit sa akin ay agad na syang umalis. Pinilit kong bumangon gusto ko syang sundan.

Agad naman akong pinigilan ni Seven sa pagbangon

ako nang bahala magpahinga ka na” sabi niya. Napangiti naman ako sa narinig.

Salamat Batman”

walang anuman iyon prinsesa ko” hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis.

Lumapit sa akin si Kristine na alalang alala.

"Marz buti na lang *huk*" umiiyak sya. nakakatuwang narito sya para sa akin. Totoong kaibigan talaga.

"sshhh. 'wag kang umiyak" pagpapatahan ko.

"paanong hindi ako iiyak? ilang araw kang nawala. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sayo. At ito pa nga nakidnap ka na ng baliw na iyon! Aish I know masama magsabi ng baliw psych pa man din ako."

"intindihin na lang natin si Ate Ranny, masyado lang syang maraming pinagdadaanan"

"dahilan ba iyon para gawin niya ito sa inyo?"

"Kris tayo na lang ang umintindi sa kanya. Kung alam mo lang Kris ang dahilan kung bakit niya ito nagawa. Maaawa ka sa kanya. Maiintindihan mo sya Kris"

"Nakakainis! ang bait mo kasi"

napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"hindi iyon sa bait ano ka ba"

"tsk. Bahala na kung ano ang iisipin ko sa Ranny na iyon!"

"kalimutan na lang natin ang nangyari Kris. Hindi maganda na sisihin natin sya-"

"hindi iyon madaling kalimutan Mariez! oo hindi ako ang sinaktan pero kasi Marz nasasaktan ako para sa'yo"

"Sorry Kris. Thank you"

"ano ka ba? syempre magkaibigan tayo eh"

" salamat Kris. thank you for being a true friend"

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon