Chapter 36

6.9K 102 1
                                    

 Dedicated po to sayo.. salmat sa pagbabasa...^_^

Seven’s Pov

Hindi ako naniniwala sa Blake na yun. Alam ko tinatago niya si Mariez. Bwis*t talaga yun may ginawa sya alam ko.

Mas okay na hintayin ko na lang si pillow ko sa unit niya alam kong sya lang ang makakapagsabi sakin.

Ilang oras na rin akong naghihintay sa labas ng unit ni Mariez pinagtitinginan na nga ako ng ibang pumapasok sa unit nila. Pano naka upo at nakayuko lang ako dito.

Hanggang sa may dalawang taong naglalakad papalapit dito sa unit. Huh, hindi nga ako nagkamali si Blake at Mariez na nagngingitian pa sa isa’t isa.

“hanep ah, tuwa mo ata Blake! Makangiti ka abot langit ah! Anong kasinungalingan sinabi mo ngayon kay Mariez at kung makahawak ka naman sa bewang niya parang takot kang maagawan ah?”talagang ang higpit pa ng pagpulupot nya sa bewang ng bestfriend ko. Ang angas pa tumingin, what did he do this time?

 

“pillow not now” napatingin naman ako kay Mariez. Alam ko ayaw niya ng gulo pero napupuno na ako eh.

 

“at kailan Mariez kailan?”

 

“s-seven not here, please  not now, I’ll tell you some other time please?” mukha na syang nagmamakaawa sakin at nasasaktan ako dun. Para lang kay Blake nagagawa niya to!

 

“ganyan naman lagi eh, Mariez bakit ka ba nagpapauto jan ha? Bakit? Wag kang magpadala sa kung ano ang nararamdaman mo. Sasaktan ka lang niya!!”

 

“and who will not hurt her? You?”  isa pa to sumabat pa, sya ba ang kinakausap ko? Bw*s*t lang.

 

“oo! Bakit? Angal ka? Totoo naman eh hindi ko sya sasaktan mas lalo namang hindi ko sya ipapahiya tulad ng ginawa mo!”

 

“yun lang? then its nonsense di ka pa rin naman niya mahal. Ako nga napahiya ko sya, but look here I am. I’m with her! At ang mas Masaya pa were getting MARRIED AGAIN!”  ha? Mag… magpapakasal na ulit sila? Bakit ang bilis? Pano? Ang galing naman niya para mapaikot ng ganun si pillow ko. Bakit napagbigyan agad sya? Alam ko ginamit niya ang pagmamahal ni Mariez sa kanya makuha lang sya ulit.

 

“Blake” si Pillow naman parang hindi makareact. So totoo? Pumayag nga sya? Bakit di sya nadala? Bakit? Ang sakit! Bakit kasi hindi na lang ako?

 

“wow! Nilubos mo na, nilubos mo na talaga! T***n* lang sinagad mo pa!”gusto ko nang sumigaw. Gusto kong mag-mura. Gusto kong suntukin ngayon si Blake. Sagaran na talaga ang ginawa niya.

 

“of course, but I realized kahit hindi ko lubusin  PANALO PA RIN AKO! see?... Pasok na tayo HON!” inalalayan niya na papasok si Mariez. Pero hindi hindi ako papayag.

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Where stories live. Discover now